Kabanata 4

21 0 0
                                    


Sayawan


Ilang linggo na ang nakalipas simula nangyari ang sa parke at ang pagkaalala ko. Naulit pa ang mga pangyayaring yon pero tungkol naman sa pamilya ang mga napapanaginipan ko. Madalas ay nagigising ako ng madaling araw na.


Sa mga nagdaang ding linggo ay naghanap din ako ng ibang pagkakakitaan para naman may pera ako sa pagluwas ko ng maynila. Oo, pupunta ako ng maynila dahil alam ko doon ko mahahanap ang iba ko pang mga alaala. Ang hindi ko lang alam kung paano ako napunta dito.


Sa mga linggong nagdaan ay hindi lang isang trabaho ang ginawa ko. Naging tagalaba, taga hugas ng mga plato sa karinderya at taga linis ng bahay sa iba't ibang subdivision dito. Itinuro lang iyon ng aking kapitbahay na si Jiselle. Mahirap nung una pero hanabg tumatagal nakakasanayan ko na.


Pagkalabas ko ng bahay ay nakasalubong mo si lola merita na may dala dalang mga tuyo.

"Magandang umaga po lola. Saan po kayo pupunta? Gusto nyo po bang tulungan ko na kayong magbuhat dyan?" Magalang na sabi ko sa kanya

"Magandang umaga din sayo hena. Pupunta ako kina berna para ibigay tong mga tuyo. Atsaka wag mo na akong tulungan magaan lang naman ang mga ito. Oh eto pala para sayo" sagot niya sa akin sabay abot sa isang plastic ng tuyo. Kinuha ko ito at nagpasalamat.

"Ay oo nga pala ineng. Mamayang hapon may sayawan sa bayan, pumunta ka at para naman di ka mainip dito sa iyong bahay. Isama mo si Jiselle para may kasama kang umuwi." Sabi niya sa akin.

Oo nga pala mayroong sayawang nagaganap sa bahay tuwing ikatlong linggo ng buwan.

"Pag iisipan ko po lola" nakangiting sagot ko dahil sa totoo lang hindi ko alam kung makakapunta ako don.

"Osya sige una na ako sayo" paalam nya sa akin.


Siguro pagiisipan ko muna kung pupunta ako. Di  naman ako mamomobrelama sa aking isusuot dahil may binili akong dalawang bestida para kung sakaling aalis ako.



Kumakain ako ng tanghalian ng may kumatok sa aking pintuan. Lumapit ako dito at binuksan ang pinto. Nakita ko si jiselle na nakatayo sa aking harapan na may malaking ngiti sa labi.

"HENA!" malakas nyang sigaw sa akin sabay hila papasok sa loob ng bahay.

"Ano ba jiselle huwag ka ngang sumigaw ang lapit lapit ko lang sayo at bakit mo ba ako hinihila? Bakit ka din andito aber?" Mataray na tanong ko sa kanya habang nakapamaywang pero siya naman ay parang isdang binuburan ng asin kakagiggle.

"May sayawan mamaya sa bayan hena! Punta tayo! Sige na!? Please!?" Sabi nya sa akin habang nagpa puppy eyes pa.

"Ano ba naman ang gagawin ko don? Maraming tao nyan don tapos makiki isa pa tayo sa kanila. Baka siksikan na." Sagot ko sa kanya at pumunta sa kusina. Sinundan nya naman ako papunta sa kusina.

"Ano ba naman hena. Magmumukmok ka nalang ba dito? Ate sayang ang ganda, siguradong pagpipiyestahan ka don lalo na't mukha kang foreigner. Di rin masikip don, malawak ang espasyo at dito mo lang mararanasan ang sayawa  na ito. Kaya sige na please sama kana?" Mahabang lintanya nya sa akin.


Tumatawa akong humarap sa kanya. Tinignan ko ang mukha nyang nakasimangot dahil siguro sa kakasalita. Ang daldal kasi ng babaitang eto. Ewan ko ba at nakikilala ko iyan, mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Ako naman ay bente tres anyos na. Paano ko nalaman? Nasali sa napanaginipan ko ang edad ko.

"Oo sige na sasama na ako at baka humiga ka pa dyan sa sahig. Nakakaawa ka kasi eh."  Nang iinsulto kong sagot.

Tumawa lang siya at hindi pinansin ang pangiinsulto ko.

"Salamat hena, uuwi na ako para makapag ayos na ako. Maaga tayong aalis para may maupuan tayo. Ikaw din mag ayos kana!" Sigaw nya sa akin at tumakbo paalis ng bahay.


Natawa na lang ako sa asta nyang para bata. Pumunta ako sa  kwarto para tignan kung anong oras na at para makapag ayos na rin ako. Saktong alas tres na. Alas singko maguumpisa ang sayawan kaya kailangan ko ng maligo.


Pagkadaan ng trenta minutos ay natapos na rin ako. Pumili ako ng damit na hindi masyadong malaswang tignan. Pinili ko ang dress na kulang maroon na sleeveless na hanggang ilalim ng tuhod. Buti hindi pa ako nagtatan skin, hindi kasi ako gaanong lumalabas ng bahay. Pagkatapos kong maisuot ang damit ay inayos ko na ang aking mukha. Hindi naman magulo ang mukha ko, wala lang siyang kulay. Nagpulbo ako at naglip balm na bigay ni lola berna dahil kakailangan ko daw yon dahil dalaga na ako. Hinayaan ko nalang malugay ang aking buhok.



Kinuha ko ang doll shoes na suot suot ko daw ng napunta ako sa hospital. Kulay cream ito na nababagay sa kulay ng aking balat. Hindi na ako nagdala ng pouch dahil wala naman akong ilalagay.



Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa bahay nila jiselle. Di pa man ako kumakatok ay bumukas na ang pintuan at inuluwa ito si jiselle.

"Ang ganda mo day! Tara na at baka mahuli pa ang mga dyosa sa sayawan!" Masiglang sabi nya sa akin sabay hila papunta sa nagtatraysikel.



Tumawa nalang ako at nagpaubaya.

Behind The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon