Kabanata 9

19 0 0
                                    


First day

One word that can describe my feeling to be exact, I'm so nervous. Hindi ko mapigilang kabahan dahil alam ko sa pagsisimula kong ito ay marami na akong bagong makakasalamuha. Knowing na sa city hall ako magtatrabaho, feeling ko di pa man nag uumpisa pagod na ako. I'm fighting the urge na hindi pumasok  ngayong araw, first day na first day ko pa naman. I should think na mas kailangan ko ito ngayon kaya wag akong papadala sa takot. Feeling ko nagpapalpitate talaga ang tyan ko tuwing tumitingin sa salamin. Nasa kwarto ako ngayon, nakabihis ng isang black high waist pants at white polo. Sinuot ko din ang luma kong blue rubber shoes. Hindi pa naman siya luma, ngunit mababakas doon ang hindi gaanong pagsuot.

"No one can't stop me right now. I need to do this. Whoooo! Fighting self!"  Parang tangang sabi ko sa sarili.

Naglalakad na ako ngayon papuntang sakayan. Alas-siete palang ng umaga, maaga pa pero mas gusto ko ito dahil nakakahiya kay madam at mayor. Inaasahan pa naman nila ako ngayon.

Mga bandang quarter to eight na ako nakarating sa city hall, hindi naman matagal ang byahe, matagal lamang itong mapuno ng mga pasahero.

Pagpasok ko sa city hall ay sumalubong sa akin ang mga taong nakaharap sa kani - kanilang mesa. Masisisgurado mong busy ang mga ito.

Umakyat na ako sa ikalawang palapag para puntahan ang opisina ni mayor. Bawat nakakasalubong ko ay bumbati ng good morning at ang iba naman ay deadma lang.

Pagka apak ko sa ikalawang palapag ay muntik na akong mapatalon dahil hindi ko inaasahang mas maaga pa sa akin si mayor. Ang akala ko ay mauuna ako sa kanya ngunit nagkakamali ako. Masyado skyang maaga.

"Magandang umaga po mayor" Magalang na bati k sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin at inumuestra ang isang upuan at mesa.

"Heto ang magiging mesa mo simula ngayon. May telepono na din dito, tatawag ako kung mayroon akong gustong iutos sa iyo. Hindi kasi ako sanay na may kasama sa opisana kaya okay lang bang dito ka?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Oo naman po!" Mabilis kong sagot dahil nahihiya akong magrequest dahil bago palang ako dito. Atsaka mas ok na ako dito sa labas dahil mas komportable akong mag isa.

"Salamat po sa mesa."

"Aba'y diyan ka talaga dapat. Ay, eto pala ang schedule ko. Naka start na din pala ang computer diyan? Sigurado naman akong marunong kang gumamit niya  no? Ikaw na ang mag log in ng email diyan para kung may gusto akong isend na trabaho sayo ay makikita mo agad. Kung may oras ka naman pwede kang mag facebook." Mahabang paliwanag niya sa akin.

"Osige po. Salamat po ulit." Magalang na sabi ko sa kanya.

"Papasok na ako at ikaw na ang bahala diyan ok?"

"Yes sir!" Nakasaludong sagot ko sa kanya.

Ilang oras na ang lumipas wala mang gaanong ginagawa. Pero ang sabi ni mayor pag may okasyon ay siguradong nakakapagod na. Alas dos na nang hapon. Mamayang alas kwatro ang out ko. Ang saya sa pakiramdam na may ginagawa na ako, hindi yung tambay tambay lang sa bahay. Feeling ko ay dati ko ng ginagawa itong bagay na ito. Yung sanay na akong nakaharap sa computer, gumagawa ng reports at iba pa. It felt surreal. Para akong bumabalik sa nakaraan na di ko maalaala. Mahirap man pero mas ayos na ang ganito. Kaya siguro ayaw pa ng Panginoon na maalala ko ang nakaraan ay dahil sa nagdudulot ito ng sakit sa akin. Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung sino ba talaga ako pero wala pa din. Sasakit at sasakit lang ang ulo ko.

Alas kuwatro na ng hapon ng lumabas si mayor sa kanyang opisina. Aalis na siguro. Ako naman ay kanina pa naka pag ayos.

"Hena, pwede ka ng mag out." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Kayo po mayor?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Paalis na din, tara at magsabay nalang tayo."

Gaya nga ng sabi ni mayor ay sabay kaming bumaba ng hagdan. Pagakalabas ko ay pumunta kaagad ako sa stasyon ng jeep para makauwi na. Gusto man daw akong isabay ni mayor pauwi pero may gagawin pa siya. May imimeet pa siyang tao Sumagot naman akong ok lang dahil ayoko ng maissue. Alam mo naman ang mga tao ngayon. Nakakita lang ng tumatae itsitsismis na agad. Ano pa kaya kung dalawang taong walang kamalay malay.

Pagkasaya ko sa jeep ay muntikan na akong ng makatulog buti nalang at ginising ako ng katabi ko. Pagkarating ko sabay ay naligo at kumain agad ako para madalian akong makapagpahinga.

Hayy nakakapagod ang araw na toh pero atleast may trabaho na. So no worry for tomorrow. Matutulog na ako para may lakas ako para bukas na gawain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon