Kabanata 3

18 1 0
                                    


Panaginip


"Mommy I want to go there! Mommy let's go e!!!" Sigaw ng bata sa kanyang ina.

"Later baby okay? We'll go there later, understand?" Sagot naman ng kanyang ina.

"Yes mommy. I love you po" malambing na sagot ng bata sa kanyang ina.

"I love you too baby"

"Ang ganda naman ng anak ko. Ikakasal ka na anak. Wala na akong akong baby nyan" madramang sabi ng matanda sa babaeng naka upo. Pero di naman sya mukhang matanda. Ang ganda nga eh. Ikakasal sya. Yan ang nagaganap ngayon. Pamilyar ang babae pero di ko maalala. Blurred ang mga mukha nila.

"Mommy naman di naman ako aalis ah. Atsaka huwag mo po akong paiyakin magugulo make up ko nyan sayo eh." Sagot ng babaeng ikakasal habang tumatawa.

"Hahaha oo na anak. Congratulation sayo baby, dalagang dalaga ka na." Malakas na tawa ng matanda ang pumuno sa buong kwarto nila.


Saby na tumingin ang dalawa sa pinto ng may narinig silang kumatok. Mayroong sumilip na bakla doon at nagsabi ng "Ma'am andyan na po ang sasakyan nyo"

"Osige lalabas na sya" sagot ng matanda. Muling hinarap ng matanda ang anak at sinabing "Osya na, puntahan mo na ang iyong iniirog. I love you anak" yakap ng matanda sa ikakasal.


Nagising ako ng hinihingal. Lumapit ako ang bintana at sumilip doon. Madaling araw na. Dumiretso na ako sa kusina at uminom ng tubig.


Hindi iyon panaginip, isa iyong alaala. Sa tagal ko na dito sa San Jose, ngayon lang ako nanaginip ng ganito. Madalas tuwing pinipilit kong makaalala ay sa hospital ang bagsak ko. Gusto mo mang alalahanin kaso wala ka namang pera. Mahirap ang buhay dito, lalo na't alam di naman talaga ako taga rito.


Hapon na ng mapagpasyahan kong maglibot sa maliit na parke ng bayan. Maraming tao rito, halos lahat ay pamilya. Mga may dalang iba't ibang pagkain at ang mga bata naman ay naghahabulan.


Nakaupo ako sa isang bench dito sa parke ng may mapansin akong batang umiiyak habang yakap yakap ang kanyang teddy bear. Hula ko ay naliligaw ito o kaya naiwan.

"Baby bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa bata. Hindi siya sumagot ngunit tumigil naman siya kakaiyak. Aha alam ko na to kala nya siguro bad ako. Madalas kasi ganoon ang mga batang di ka kilala. Nagsusungit.

"Ako si ate chenea but you can call me ate hena if you want. Why are you crying? Are you lost? Do you want me to help you find your mom?" Paguulit na tanong ko sa kanya.

"I want my mommy ate. And yes po I'm lost,  because I was hard-headed. I want an ice cream but mommy say I can't eat ice cream because I have cold so I run away from her.  And now I'm lost. Please ate help me find my mommy."


Ang kyut naman ng batang to. Atsaka mayaman na bata marunong mag english.

"I can help you baby. But how can I find your mommy if I don't know your name?" Tanong ko sa kanya.

"I'm Frea po"

"FREA"

Kasabay ng pagsabi ng kanyang pangalan ay ang pagsigaw ng isang babeng tumatakbo papalapit sa amin. Siguro eto yung mama nya.


Pagkalapit nya sa amin ay lumuhod sya katapat ni frea at niyakap nya ito.

"Baby, where have you been? I'm so worried about you. And please don't do that again. I'm scared that I might lost you" sabi ng ginang habang hinahalikan sa mukha ang ni frea.

"I'm sorry mommy please don't be mad at me. Promise I won't be hard-headed again." Umiiyak na sabi ni frea.


Pagkatapos non ay tumayo na abg ginang at tinignan ako. Ngumiti ako sa kanya at nagsabing


"Umiiyak po kasi kaya ko nilapitan. Ang ganda pong bata. Sige po mauuna na ako. Bye frea, don't run away again huh? Bye ma'am."

"Wait miss! Salamat. Ano palang pangalan mo?" Tanong sa akin ng ginang

"I'm Chenea po" magalang na sagot ko.

"I'm Elisse Alonzo, mother of Frea Marina Alonzo. Salamat sa pagbabantay sa kanya."  Sagot nya sa akin.

Nagsmile ako sa kanila at nagpaalam ng umuwi dahil gumagabi na rin. Habang naglalakad pauwi, naalala ko ang mag-ina, naalala ko din ang napanahinipan ko. Siguro mag-ina din yung nasa panaginip ko. Pamilyar ang batang babae. Feeling ko ako yon  nung ako. At ang matandang babae naman ay si Mama.



Naiiyak ako dahil naisip ko na may pamilya pala ako. Di ako nagiisa. Gusto kong hanapin ang pamilya ko at ang lalaking pakakasalan ko. Pero ang tanong, saan ako magsisimula?

Behind The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon