Chapter 1 : School Of Mutant...
Nagising ako na nasa loob na ako ng sasakyan.Lumingon lingon ako sa loob nito at nakita ko ang dalawang taong humuli sa akin.
Aktong tatalon ako sa bintana ng magsalita ang isa sa kanila."Wag mo ng tangkaiing tumakas mahihirapan ka lang.PAra din ito sa iyong kaligtasan."Saad ng babaeng humuli sa akin.Hindi na ako umimik dahil baka kung ano ang gawin nila sa akin.
Nag iisip pa rin ako kung bakit nila ako kinuha at san nila ako dadalhin."Teka lang nga... san nyo ba ako dadalhin."Sarcastic kong tanong.Lumingon silang dalawan na kapwa nakangiti.
"Kung saan mas marami kang masasalamuha tulad mo na may ibat ibang kapangyarihan."Nakangiting saad ng lalaki."At kung saan tuturuan ka kung paano gamitin at palakasin ang iyong kapangyarihan."Dagdag naman ng babae.
Ilang oras din kaming nasa byahe.Hindi ko alam kung anong luagr ito.Natatakot din ako dahil baka kunin nila ang aking kapangyarihan o baka niloloko lng nila ako para hindi na ako magtangkang tumakas."Nandito na tayo."Masayang saad ng lalaki.
Sumilip ako sa bintana at halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang isang tarangkahan na abutin na ang langit sa sobrang taas nito.Nakalagay din dito ang pangalan ng lugar." Special Academy :School Of Mutant."Nakangiti kong sabi.Kung kanina ayaw kong sumama ngayon gusto ko ng tumira dito.Dahil sa sobrang ganda lalo na ng makapasok na kami.
Palinga linga ako sa paligid habang naglalakad kami ng humuli sa akin.Kapansin pansin din ang mga naglalakihang gusali na nakapalibot sa academy na ito.tumigil kami sa isang pintuan ,lalo akong namangha dahil hindi na kailangan katujin o itulak ang pinto dahil sya mismo ang nagbubukas nito.Naunang pumasok ang humuli sa akin at ako naman sunod lang habang namamangha.
Pagpasok namin may babaeng nakatalikod na nakaharap sa bintana."Ms Verlene ,nandito na sya."Bungad ng lalaki sa babae na ang pangalan ay si Verlene.Humarap si Ms Verlene na nakangiti tsaka lumapit sa akin."Ms Verlene masyado po kaming pinahirapan nan."Sumbong ng babae.
Talaga,buti nga nahuli nyo pa ako eh.Tumingin naman sa akin si ms Verlene mula ulo hanggang paa." Anong pangalan mo hija."Tanong sa akin ni Ms Verlene."S-Scarlet po."Nauutal kong sabi.Tumango naman sya then tumayo.Nagulat ako ng may itinapat sya sa akin na parang gadget na umilaw.Pagkatapos nyang gawin yun lumapit sya sa dalawa at may binulong ito sa kanya.
Ms.Rina and Mr. Dave ,kayo na ang bahala kung saan sya sasama.Paalala ni Ms Verlene sa dalawa. Saan naman kaya ako nitong dadalhin.OMO! Baka patayin nila ako tsaka nila kunin yung powers ko.. Pero hindi.. Hmmm bahala na nga.
Naglalakad kami sa isang pasilyo na maraming kwarto ,may mga number din ito na hanggang 10 lang.Huminto kami sa isang pinto na may number 8 .Tulad ng kanina kusa itong bumukas at bumungad sa akin ang isang magandang babae na roommates ko yata.
Lumapit sa amin si Ate girl ."Scarlet ,sya nga pala ang makakasama mo dito sa kwarto na ito." Saad naman ni Ms.Rina .Tingnan lang naman ako ni Mr.Dave na tila binabasa ang isipan ko."Hmm..maiwan na kita dito..sya na rin ang magtuturo ng mga rules dito."Saad naman sa akin ni Mr.Dave.
Magsasalita pa sana ako ng bigla silang lumabas ng kwarto at naiwan ako dito kasama si ate girl.Tingnan ko si ate girl na mukha namang mabait .Lumapit sya sa akin na nakangit."HI, ako nga pala si Xyra ikaw di ba si Scarlet right." Pagpapakilala nya sa akin.Tumango naman ako .
Nagulat ako ng bigla nya hawakan ang aking braso tsaka nya ako hinila palabas.Tama nga yung aking hinala ,mabait nga sya mayroon lang something.haha Psh."Sasabihin ko lahat ng rules dito at sabay nito ipapasyal kita dito." Masaya nyang ngiti."Teka ano nga pala ang kapangyarihan mo."Excited nyang tanong .Napatigil kami sa paglalakad at napaisip naman ako sa tanong nya.Ano nga ba ang powers ko,hindi ko kasi alam kung ano talaga ang powers ko?
Ahh. siguro hindi mo pa alam ,ok lang yun.. Ako yelo.. kaya kong gawing yelo ang lahat ng naisin ko.Pero hindi pa sa ngayon. Masaya nyang sabi.
Wow nakakamangha naman ang powers nya.Sana ako dinmay kapangyarihang ganyan.Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang sinasabi nya sa akin ang mga rules dito.Ako naman manghang mangha sa mga nakikita ko.Totoo nga ang sinabi sa akin ng dalawa ,marami nga kami.
"Masaya akong makilala ka ,Scarlet.. "Malungkot na saad ni Xyra.Feeling ko tuloy may mabigat na dinadala si xyra na problema."Masaya rin akong makilala ka,Xyra dahil sayo may kaibigan na agad ako."Masaya kong sabi sa kanya sabay yakap."Teka lang ,bakit may mga number yung mga room na tin.Nagtataka kong tanong.
Ahh.. yung number.. sabi nila dun daw binabase ang lakas ng kapangyarihan natin.Saad nya.
Ganon pala,pero bakit tayong dalawa lang ang nasa room na yun?Naguguluhan kong pang tanong.
Ewan ko.. basta ang alam ko marami tayong number 8.Baka may kwarto pang iba.Napatango na lang ako sa kanyang sinabi.Habang naglalakad kami pinapakita nya sa akin kung papaano nya palabasin ang yelo mula sa kanyang kamay.Nakakamangha ...kung ako lang ang may ganyang kapangyarihan paniguradong gagawin ko yelo itong ating buong bansa,ang init kasi ehh.. Charot.
Wow.. ang galaing mo naman.Masaya kong sabi kanya.Kita ko rin sa kanya mga ngiti nya sa kanyang labi.Ang ganda nya ,bgay sa kanya ang kanyang kapangyarihan." P-paano mo nalaman na may kapangyarihan ka." Tanong ko sa kanya.
Napatigil na naman kami sa paglalakad.Nakatingin lang sya sa sahig.Ramdam ko rin na nalungkot sya sa aking tanong.Siguro masalimuot ang pagkakatuklas nya sa kanyang kapangyarihan.
May nasabi ba akong masama ,Xyra.Nag aalala kong tanong."Ok lang kung ayaw mong sabihin." Dagdag ko pa sabay hawak sa kanyang kamay.Buti na lang tumunghay na sya.Ngumti ako ng makita ko syang nakangiti.
Patuloy pa rin kamng naglalakad habang nagkukwentuhan ng baout sa buhay namin.Nagtatawanan din kami sa daan habang papunta na kami sa room namin.
Dahil sa sobra naming saya at tawanan hindi ko na napansin na may taong babangga sa amin.
"S-sorry po.. hindi ko po sinasadya."
'' Di ba kayo tumitingin sa dinadaanan nyo." Sigaw nya.
Nakita kong tinaas nya ang kanyang kamay at may lumabas ditong liwanag .... Apoy.. apoy ang lumabas dito.....
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Special Academy : School of Mutant
FantasySpecial Academy : School of Mutant. Hindi ko alam kung paano ako nagkameron ng kapangyarihan. Basta natatandaan ko nagising na lang ako na may kakaibang nararamdaman.Agad ko itong nalaman at pinag aralan gamitin. Hindi ko rin alam kung bakit nila ak...