Chapter 1

3 0 0
                                    

Cyrelle POV's

"Umuwi ka ng maaga ate" sigaw sakin ng kapatid ko

"Opo" lumabas na ako ng bahay at nag antay ng masasakyan

Nang may....

"Hoy! Bara bara kang magdrive ah! Hoy hoy!" Nagpapadyak ako dito dahil naputikan ang damit ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng driver na yun

Huminto naman siya pero lumagpas na sakin, inilawit niya ang mukha niya sa may bintana at nakita ko ang isang.... gwapong nilalang pero matanda na.

"Here's my calling card miss, i need to go" hinagis niya ang calling card niya at nagpaharurot ulit

"Aba'y bwiset ka! Anong gagawin ko diyan sa calling card mo!" Dinampot ko ang calling card niya at binasa ang nakasulat doon

'Alcantara Group Apparent' ito yung malaking company diyan sa BGC.

"Wow yayamanin naman pala yung nakatalsik sakin ng putik pero walang pakundangan kung magmaneho!" Bulong ko

Bumalik ako sa bahay at nagpalit ng damit.

Dalawa nalang kame ng kapatid ko sa buhay. Maaga kameng naulila. Ang nanay ko namatay nang maipanganak ang bunso kong kapatid. Ang tatay ko naman ay namatay two years ago dahil nahulog sa construction site. Yung company nun sa unang taon lang kame sinuportahan tapos ngayon hindi na kaya hirap kame ng kapatid ko.

Nag aaral siya grade school pero ngayon hindi siya pumasok kase masakit daw ang hita niya.

Ako naman kumakayod habang nag aaral.

"Ate bakit ka bumalik?" Tanong ng kapatid ko habang naununuod ng tv

"Naputikan ako. Ikaw patayin mo nga yang ilaw, tanghaling tapat nakabukas ang ilaw baka tumaas ang bill natin" saway ko sa kapatid ko

"Oo na nga magpalit ka na ate" sagot ni cj sabay patay ng ilaw

Month passed....

"Cyrelle, yung kapatid mo dito nagcollapse! Umuwi ka na!" Natatarantang sigaw sakin ni aliana sa kabilang linya. Si aliana ay kapitbahay namin na madalas bumibili ng empanada ko para sa mga costumer niya

Matapos kong matanngap ang tawag ay umuwi agad ako.

Napag alaman ko na nagkaroon ng malalang sakit si cj...
Hindi ko alam kung saan kukuha ng pera, hindi naman sapat ang kinikita kong benta mula sa empanada.

Nasa hospital kame ngayon, mga ilang buwan padaw mananatili si cj bago lumabas ng hospital. May problema sa dugo si cj.

Tumigil muna ako ng pag aaral ko, tinapos ko lang ang second sem at tumigil na. Para makapagfocus sa paghahanap ng trabaho.

Nakahanap naman ako ng trabaho pero hindi parin sasapat ang dalawang libong sweldo ko sa gastusin sa hospital, parang pambili palang ng gamot iyong mga sweldo ko.

Hindi makalakad si cj, ang hirap ng ganito... yung wala kang matakbuhan kapag may kailangan ka. Hindi ko alam kung paano na kame.

Bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang kapatid kong nakaratay sa hospital bed.

Umuwi ako ng bahay para magluto ulit ng empanada at ideliver ito sa mga umorder, maganda din naman ang kita ko dito dahil marami ang order nila. Pero tulad ng sinabi ko hindi sasapat ito.

"Aliana, baka naman may alam ka na trabaho diyan" nang isang araw naghatid ako ng order niya

"Trabaho? Isang trabaho lang naman ang alam ko cyrelle" sagot niya sakin habang nginunguya ang bubblegum at naninigarilyo

ConvergenceWhere stories live. Discover now