Chapter 2

3 0 0
                                    


"Cj!" Sigaw ng isang tao sa panaginip ko

Napadilat ako mula sa aking malagim na bangungot.

Ilaw agad ang bumungad saakin kaya hindi ko maidilat ng maayos ang aking cute na mata. Nang makarecover na sa pagkakasilaw, kisameng puti naman ang nakita ko.

Siguradong wala ako sa bahay, dahil pagkadilat ko tuwing umaga ay yero agad ang aking makikita. Wala nang kisame kisame.

Where i am?

Tamang english lang ako sa utak ko.

"mom!" Mariin na bulong ng lalaking nakatayo sa bintana habang nasa kanyang cellphone, mukhang may kausap sa kabilang linya.

Lalaki? Ano bang nangyari?

Inalala kong mabuti ang lahat ng nangyari. Isang lalaki ang kasama ko magdamag sa iisang higaan.

Shit! I lost it!

Sabi ko sa utak ko

Umenglish na naman ako. Feeling ko ang classy kapag english expression eh.

Like Poksie pero classy.

"Mom, i told you na i dont like her talaga!" Mariin ang mga binibitawan niyang kataga

Binalak kong umupo pero hindi ko kaya.

"Ouch" daing ko

Napalingon ang lalaki.

"Talk to you later mom." At ibinabana niya na ang tawag

Pinagmasdan ko ang lalaking dahilan ng pagkawala ng aking pagkabirhen.

Tulad nga ng sinabi ni aliana hindi ako mandidiri dahil hindi naman siya mukhang manyak. Pero still nagbayad padin sila para sa babae.

Mababa ang tingin ko sa mga lalakeng umuukupa ng babae para lang may ipantawid sakanilang kinakailangan. Pero ngayon, mas mababa na ang tingin ko sa sarili ko. Dahil ako na ngayon ang binayaran para lang itawid ang kailangan niya.

"May sugat ka! Humiga ka muna!" Paalala niya

Ewan ko, pero parang kamukha niya yung lalaking walang modo kung magmaneho.

Tumalim ang tingin ko sakanya. Doon napagtanto ng utak ko na masamang lalaki itong kaharap ko. Siya ay isa sa mga walang kwentang lalaki sa mundo. Siguro kung makabuntis tong lokong ito ay hindi niya din mapapanindigan. Kaya dumadami ang batang walang ama.

Pero masisi ko ba sila? Kung ang babaeng ina ng magiging anak nila ay binayaran lang. Ikinama lang ngunit hindi minahal.

"Bakit ang sama mo kung makatingin?" Kunot noo niyang tanong

Umiling iling ako sa mga naisip ko. Wala na akong karapatang mang dikta, dahil ako na ngayon ang huhusgahan dahil isa ako sa mga kalapating mababa ang lipad.

"B-bakit niya ako binaril?" Pagtatanong ko

Hinilot niya muna ang sentido niya "Si Sonya Abellana, She's my fiance."

Fiance? Sonya? Tss pangalan palang kontrabida na.

"Your fiance? How freak she is?" Pagtatanong ko ng walang pag aalinlangan kahit fiance niya pa iyon.

Huminga siya ng malalim
"Yeah my fiance. I dont know, hindi ko naman alam ang pagkatao niya basta ikakasal lang ako sa kanya."

"Hindi mo kilala? Pangalan lang ang kilala mo sakanya?" Namamanghang tanong ko

Tumango lamang siya

Hindi na ako kumibo pa. Siguro kaya siya umukupa ng babae dahil fix mariage ang kasal niya at sigurado akong ayaw niyang matali sa babaeng hindi niya mahal.

ConvergenceWhere stories live. Discover now