Chapter 3 - A year after

1 0 0
                                    

Timeline: A year after Kat's death.


David's POV


Isang taon ng wala si Kat. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nandito pa din yung sakit ng pagkawala niya. Naalala ko pa lahat. Kung paano sinabi ng doktor na hindi nila naligtas si Kat. Pinuntahan ko din agad kung saan siya nabangga. Hindi pa din kasi ako makapaniwala. Pumunta ko dun para makasigurado kung nangyari nga ba talaga. Kailangan ko ng ebidensiya. At nakita mismo ng dalawang mata ko yung kotse na bumangga kay Kat. Hindi pa din nila inaalis yung kotse sa posisyon kung saan ito bumangga sa may poste. Nakita ng dalawang mata kong puno ng luha kung saan posibleng nakatayo si Kat at nakangiti habang papunta kung nasaan ako. Ilang beses ko din sinisi ang sarili ko. Paano kaya kung hindi dun ang napili akong lugar kung saan kami magkikita? Maaksidente pa din kaya siya? Paano kung sinundo ko na lang kaya si Kat nung mga oras na yun para sabay kami na pumunta ng restaurant? Paano kung hindi na lang ako nagpumilit na icelebrate ang fifth anniversary namin? Nanidto pa kaya si Kat? Pero kahit anong pero, bakit, kahit anong klaseng pagtatanong ang gawin ko hindi pa din siya babalik.


Isang taon na mula ng iwan ako ni Kat. Isang taon ko ng tiniis ang sakit ng pagkawala niya. Naka-graduate na nga ako bilang isang guro. Parehas naming pangarap ni Kat. Gustong-gusto niya makapagtapos at makapagturo para makatulong sa mga batang kapos-palad, para sa mga batang pinagdamutan ng edukasyon. Life goal ni Kat ang makatulong sa iba. Kat was so selfless. Lagi niyang gusto ishare sa iba lahat ng sobrang meron siya.


Today is her death anniversary. At nandito nga ako sa sementeryo para puntahan siya. Hinintay ko muna makaalis ang pamilya niya bago ako lumapit para naman makausap ko siya ng sarilinan. Every month naman ako nandito. Pero lagi pa din ako maraming gustong sabihin sa kaniya.


"Kat love, kamusta ka na? Masaya ka ba diyan? Sigurado naman ako na nasa heaven ka. Sa dami ba naman ng magagandang bagay na nagawa mo wala akong duda na tatanggapin ka diyan. Galing pala ako sa inyo kahapon, okay naman ang parents mo. Sa bahay niyo na nga pala ulit nakitira ang Ate mo. Sa wakas nabawasan na din ang pagkapasaway niya. Hahaha. Your parents are getting better and better. Naiiyak pa din sila tuwing naaalala ka, puno pa din ng sakit ang mga mata nila tuwing pumupunta ako sa inyo para bumisita. Puno pa din ng alaala mo ang bawat sulo ng bahay niyo. Pero hindi na katulad ng dati na laging nagkukulong ang Mama mo sa kwarto. Nag-start na din siya magbake ulit. Lagi pa din ako iniinvite ng parents mo tuwing may okasyon sa inyo. Hindi ka naman siguro magagalit noh love? Na parte pa din ako ng pamilya mo kahit wala ka na? Na tinuturing pa rin nila akong pangalawang anak, at ikaw ang pangatlo? Ikaw pa din naman ang bunso. Hahaha. Miss na miss na kita love. Puntahan mo naman ako minsan. Hahaha. Sa pictures ko na lang kasi nakikita yung mga ngiti mo. Sabik na sabik na din ako marinig ulit yung mga tawa mo. Kahit sa panaginip lang love magpakita ka naman. Please, I still and will always love you," kausap ko kay Kat habang umiiyak sa harap ng puntod niya.


Nakaupo lang ako sa tabi ng puntod niya. Hinihintay ko magdilim bago umalis.


"Love, nakalimutan ko nga pala sabihin sayo. Nung fifth anniversary natin. Dapat magpo-propose na ako sayo nun. Ito nga yung singsing na binili ko para sayo." Inilabas ko yung singsing. Isang simpleng heart shape diamond ring. "Sayang love hindi mo na ito naisuot. Excited pa naman ako makita kung anong magiging reaction mo pag lumuhod ako sa harap mo at tatanungin ka ng 'Will you marry me?'. Ang daya mo kasi," Tuloy-tuloy na naman ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. "Love pasensiya ka na kung iyak ako ng iyak tuwing pumupunta ako dito ha. Siguro napapangitan ka na sakin. Sabi mo kasi ang pangit ko umiyak nung sabay natin pinanuod yung movie na Titanic. Sorry talaga love. Hayaan mo next time hindi na ako iiyak para makita mo na ang kagwapuhan ko. Hahahaha. Next week pala mag-start na ako magturo sa isang public high school. unti-unti ko na natutupad yung mga pangarap na dati pinag-uusapan lang natin. Love alis na ako ha. Madadagdagan na naman yung pagka-miss ko sayo."


Tumayo na ako at umalis. Pero meron pa akong pupuntahan. Nag-drive ako patungo sa beach na madalas namin puntahan ni Kat. Gustong-gusto ni Kat sa lugar na ito dahil daw tahimik. Na kahit ang iniisip ng isa't-isa ay naririnig namin dahil sa sobrang tahimik. Dito namin madalas pag-usapan ang kinabukasan. Mga plano namin sa buhay, dito din kami madalas mag-away kasi naman hindi kami magkasundo. Pero as always ako lagi ang talo. Masiyado kasing matigas ang ulo ng isang yun. Alam niya kung ano ang gusto at ayaw niya. And when she made a decision, that's it. No one can changed that. Pero alam ni Kat na kapag mali ang naging desisyon niya ay kailangan niya mag-sorry. Kaya naman lagi din akong may apology letter galing kay Kat. And that letters were the sweetest thing that I have read. Until now binabasa ko pa din sila isa-isa.


Isang taon na pero hindi pa din ako handa para pakawalan si Kat. Inilabas ko ulit ang singsing na dapat ibibigay ko kay Kat. Itatapon ko ang singsing na ito hindi dahil magsisimula na akong kalimutan siya. I will throw this ring into the ocean hoping that it will find it's way to her. I raise my arm and tried my hardest to throw the ring into the ocean as far as I can.


Pagkatapos ko itapon yung singsing agad akong pumunta sa sasakyan ko at nag-drive para maka-uwi. Baka kasi magbago ang isip ko tapos bigla akong lumangoy sa dagat para hanapin ulit yung singsing.

Love LostWhere stories live. Discover now