Chapter 4 - First day

1 0 0
                                    

David's POV


First day of school. Hayst! Isa sa mga dahilan kaya bumabangon ako. Dahil alam ko na may mga kabataan na nais matuto ang makakasama ko sa araw-araw simula ngayon. Na-assign ako sa grade 11 for Math subject. Ito din ang unang araw kung saan magtuturo sa public school. Hindi ganoon kaganda at kakumpleto ang mga facilities pero masaya ako. Alam ko na magiging challenge to para sa akin.


"Good morning class. I'm David Archangel, and I will be your Math teacher starting today," pakilala ko sa mga estudyante ko. Nakangiti habang tinitignan sila bawat isa.


"Sir David, ang alam po kasi namin mamaya pa po kasi ang first subject namin?," sabi ng isang estudyante.


Agad-agad ko naman tinignan ang record ko sabay tingin sa pinto ng classroom.


"Ah about that, dahil first day pa lang ng klase may konting adjustments. Kailangan ko muna magpunta ng faculty for confirmation. Nice to meet you class. Bye," sabi ko sabay labas ng room.


Maling klase pala ang napuntahan ko. Kinakabahan lang siguro ako. First day para sa new school. Normal lang to. Agad ko din naman hinanap ang klase ko para ngayong umaga. Nasa pinakadulo ng hallway ng third floor. Pero bago ka makapunta dito kailangan mo muna daanan ang music room, art room, at laboratory. At bago pumasok siyempre tinignan ko munang mabuti kung tama ba yung pinasukan ko. Inhale. Exhale.

And again my opening, "Good morning class. I'm David Archangel, and I will be your Math teacher starting today. And based on my record, I will also be your homeroom teacher," ngiting-ngiti naman ako sa mga estudyante ko.


Sabay tahimik ng klase pero hindi ako masiyadong pinansin. Pero ang mas ikinagulat ko pa, parang mga hindi estudyante ang kaharap ko. Yung iba nakadamit pambahay lang. Parang naligaw lang sila dito sa eskwelahan. Parang inutusan lang sila ng mga magulang nila na bumili ng suka, toyo saka bawang pang adoobo. Waaah!


Tinignan ko mabuti yung class record ko. Last section pala ako na-assign. At 30 estudyante lang ang nasa klase ko. Pero 18 lang ang bilang ko sa mga estudyante na nandito sa loob.


"Class later on we will start on the introduction. Mukha kasing maraming late ngayon. Pero ayos lang yun. Naiintindihan ko naman kasi unang araw naman ng klase. Baka naligaw yun iba kaya hinahanap pa nila tong classroom," sabi ko sa mga estudyante ko.


Naghintay pa ako ng mahigit isang oras pero hindi nadagdagan ang mga estudyante ko. Kung wala pa sila, siguradao akong hindi sila na-late. Baka hindi talaga sila pumasok. Mabuti pa i-check ko si Manong Guard baka may mga nakita siyang naliligaw na estudyante.


"Class I will check sa guard kung may mga pagala-gala pang estudyante sa labas. Kasi baka naligaw na yung mga kaklase niyo. I will be back," sabi ko sa mga estudyante ko sabay tayo.


"Sir, hindi talaga sila pumasok. Huwag na kayo umasa," sabi ng isa.


"Huh? tawagin niyo na lang ako na Teacher or Teacher Davis. Don't use the term Sir. Thank you. Okay mag-attendance muna ako." At inisa-isa ko ng tawagin ang mga estudyante ko.


18 ang present. 12 ang absent. Atleast almost half ang present. Pero hindi dapat ako magsaya.


"Kilala niyo ba yung mga kaklase niyo na nabanggit ko na wala pa hanggang ngayon?" tanong ko sa mga estudyante ko.


"Yes Teacher David, magkaklase na kami simula ng first year kaya kilala na namin ang isa't-isa," sagot ni Andrea, isa sa estudyante.


"May alam ka ba kayo na dahilan kung bakit wala pa sila? Baka may nabanggit sila na hindi makakapasok ngayong araw dahil nasa bakasyon pa sila?" tanong ko.


"Naku Teacher David wala po kaming alam kung nasaan sila. Pero normal naman po na mag-absent yung mga yun. Lagi naman po silang ganyan taon-taon. Huwag na po kayo magtaka," sabi naman ni Amanda.


Mukhang nakikita ko na kung gaano kahirap ang mangyayari sa akin sa school year na ito. Hingang malalim. Kayanin ko kaya?


"Tutal first day of class, alam ko na din naman ang mga pangalan niyo, at ang sabi nga ni Andrea magkakakilala naman na kayo simula first year," iyan ang pinagmamalaki ko sa lahat. Kaya kong tandaan ang pangalan ng isang tao kahit isang beses ko pa lang sila nakita. Kaya madali kong natandaan ang pangalan ng mga estudyante ko. "No need for you to wear name tag. Alam kong iniisip niyo na pang-elementary lang yun. At hindi niyo na kailangan tumayo isa-isa para magpakilala at sabihin kung saan kayo nakatira dahil nasa records ko naman yun. Hindi niyo na din kailangan ikwento ang pang-MMk niyong buhay dahil may isang taon tayo para tayo pag-usapan yan. At hindi ko rin kayo pasusulatin ng napakahabang essay kung anong nangyari sa inyo ng bakasyon at kung saan kayo nagpunta. Yung ibang subject teachers niyo na ang bahala dun," ang lapad ng ngiti ng mga estudyante ko ng sinabi ko yun.


Naging estudyante ako kaya alam ko yung mga ganyang bagay. Hindi ko sila pinasulat ng essay ng nangyari sa kanila ng bakasyon katulad ng ginagawa ng maraming guro dahil alam ko naman na naikwento na nila yun sa mga katabi nila. At alam ko din na hindi lahat ng estudyante ay nagkaroon ng engrandeng bakasyon. Hindi lahat sila nagpunta sa beach. Yung iba hindi nakauwi ng mga probinsiya nila. Alam ko na yung iba nasa bahay lang buong bakasyon. Hindi na nila kailangan pang isulat kung anong nangyari sa kanila ng bakasyon kasi alam kong hindi naman lahat sila nagpunta sa masayang lugar. Yung iba nga baka nakaranas pa ng heartbreak at break-up ng bakasyon. Hayst!


"Pero... Siyempre merong pero...," hahaha sabi ko at sabay-sabay naman na nagpakita ng pagkairita sa mukha nila.


"Maglalaro tayo. May listahan ako ng mga tanong at bubunot ako ng isang pangalan. Yung nabunot ko ay mamimili ng numero mula 1 hanggang 100. Tapos kailangan sagutin ang tanong sa napili nilang numero. Ang dali lang di ba?" Totoo naman na madali lang. Kasama sa mga tanong ko ay tungkol sa history, sa math, at sa english. Boring? Nah. Kasama din sa listahan ng mga tanong ay personal questions, katulad ng favorite color, first crush, hobby, at kung ano-ano pa. Swertihan lang din kung anong number ang mapili nila. This is my way to get to know my students.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love LostWhere stories live. Discover now