Kinahapunan ng biyernes, Agosto 4, 2008. Si Jayson ay nagiimpake ng kanyang mga gamit ng may biglang tumatawag sa kanyang telepono.
"Riiiinnnnnnnnnggggg..."
*tick*
Jayson: "Oh, Elria napatawag ka?"
Elria: "Jay, okay lang ba na dumaan ka dito saglit.. Gusto ko sanang pagusapan ang tungkol sa ating dalawa."
Jayson: "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko na!!!"
Sa sobrang inis ni Jayson, binabaan nya ng telepono si Elria.
Pinagpatuloy nya ang pagiimpake at sya ay nakaalis na papunta sa kanyang probinsya.
Madaling araw na ng sabado, Agosto 5, 2008 ng makarating si Jayson sa Barrio Macapili. Dito sa lugar na ito naninirahan ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Si Jayson ay laking probinsya, nagtapos sya ng high school dito at lumuwas ng maynila para magkolehiyo.
Ng makarating na si Jayson sa kanyang paroroonan, may kambal na babae syang nakasalubong, mahaba ang kanilang mga buhok at ang kasuotan nila ay "saya".
Kambal 1: "Jayson ang pangalan mo diba? Natatandaan mo pa ba kame?"
Jayson: "Pasensya na pero hindi ko kayo kilala."
Dali daling naglakad palayo si Jayson sa nakasalubong nyang kambal na babae. Hindi nalang muna inisip ni Jayson kung sino ba yung kambal na babae na kumausap sa kanya.
Alas-kwatro na ng umaga ng dumating sya sa kanilang tahanan sa Barrio Macapili. Nakita nyang may nagwawalis sa kanilang bakuran napansin nya na ang nagwawalis ay ang kanyang ina.
Jayson: "Inay!"
Kekek: "Anak! Aba'y kamusta kana? Mabuti at napasyal ka dito. Ay!tamang tama malapit na din ang fiesta dito.
Jayson: "Ayos lang naman po ako inay, ito semestral break po namin. Yun nga po inay eh, masaya ang fiesta dito, yun din ang isang namimiss ko nung nandun ako sa maynila, sige po inay tutulungan ko po kayo mag handa sa fiesta."
Kekek: ''O sige anak magpahinga ka muna doon sa taas.. Tulog pa mga kapatid at tatay mo, maya maya gigising na din yun para maghanda ng almusal''.
Jayson: "Sige po Inay."
Umakyat na si Jayson para ayusin ang mga gamit nya at makapagpahinga, Ngunit nangamba sya ng sumilip sya sa kanilang bintana, sa 'di kalayuan, nakita nya ulit ang kambal na babae na nakatitig sa kanya.
Sinarado ni Jayson ang bintana at napaisip. "Sino ba ang kambal na iyon? Anung kelangan nila sa akin?.
End Of Part 1.
Susunod na kabanata.
DOS - ANG KAPISTAHAN.
BINABASA MO ANG
Sino?
Mystery / ThrillerNagdiriwang ang barrio macapili ng kanilang kapistahan ng magulat sila ng may naganap na kababalaghan sa kanilang simbahan.