Chapter 2: Big Revelation

267 9 2
                                    

Kanina pa tong si Alyanna eh! Pektusan ko kaya?mkanina pa sumisigaw eh. Ano ba yung kanina? Ayaw niya talagang sabihin eh. Langhiya! Talaga!

"Aly! Pwede ba wag ka nga sumigaw? Kanina ka pa eh. Hindi mo naman sinasabi sa amin kung ano yung kanina!" Sabi ni Gem. Kaya nga! Hindi niya naman sinasabi eh.

"Ah basta ayaw ko sabihin" sabi niya sabay tawa

"Aly please sabihin mo na!" Sabi ko. Hindi kasi ako mapakali eh. Baka mamaya kung ano na pala yun! Ayaw pa kasi sabihin eh

"Mamaya pagkatapos ng class. Magkita tayo sa tambayan natin. Promise sasabihin ko na" sabi niya. Mabuti naman at sasabihin niya. Pero bakit hindi pa ngayon? Ay nako! Marami pa kasing pakulo yung babae na to eh

"Promise sasabihin mo ha?" Sabi ni Katnis

"Oo naman. Dont worry" sabi niya sabay wink. Ang saya saya niya kasi nung may binulong sa kanya yung estudyante. Ano kaya yun? Gusto ko na talagang malaman!

Pumasok na yung teacher sa room namin. Discuss rin as usual. Pero hindi talaga ako nakikinig kasalanan to ni Aly eh! Sana ngayon niya na lang sinabi

Nag activity kami. My gosh hindi ko alam kung paano to! Ah bahala na kaya ko to.

"Okay class pass your papers" sabi ng teacher namin. Buti na lang ata may nasagutan pa ako dun sa activity

"Ok, class dismiss" sabi niya sabay alis dun sa room. Tiningnan ko lang si Aly. Aba! Nakangiti pa siya! Ano ba kasi yun

"Mga best wag nga kayong atat please" sabi niya. Ay ewan paano naman na hindi kami maatat eh ang saya saya niya.

"Give us a clue kasi" sabi naman ni Gem.

"Oo nga kahit clue lang!" Sabi ko sabay upo sa tabi niya

"Kung malalaman niyo to! Didiretso tayo mamaya sa mall" sabi niya sabay ngiti.

"May sale ba mamaya sa mall?" Sabi ni Katnis. Binatukan siya agad ni Aly. Hahaha nakakatawa naman

"Hindi! Basta yan na yung clue ko. Diba hanggang 3:00 lang tayo dito sa school?" Sabi ni Aly

"Oo bakit?" Sabi ko

"Sige diretso agad tayo sa mall mamaya ha. Gem car mo yung gagamitin?" Sabi niya sabay tungin kay Gem.

"Ano pa ba magagawa ko? Sige na nga" sabi ni Gem

"Good!" Ano kaya gagawin namin doon sa mall?

"Siguraduhin mo lang na hindi palpak mamaya yung pag punta natin sa mall ha" sabi ni Katnis

"Oo naman" sabi niya sabay ngiti

Discuss..

Discuss..

Discuss..

"Oh hali na kayo?" Sabi ni Aly. Hindi naman halata na masyado siyang excited eh nuh?

"Eh akala ko ba sasabihin mo sa amin?" Sabi ko.

"Sa car na lang nila Gem mamaya malate pa tayo dun sa mall tour. Mahaggard pa tayo eh" sabi niya. Wait? Mall tour?

"Aly! Mall tour nino?" Sabi ni Katnis

"Hindi naman kayo makapaghintay eh. Mall tour nila Darren!"

What? What? Totoo ba yung narinig ko? Nagkatinginan kaming apat at tumakbo na kami papunta sa sasakyan ni Gem

"Darren myloves here we go!" Sigaw ko

Ohmy Darren! Ohmy!

Note ni Ms. A

Oopps! Darren's Mall tour!!

Im certainly inlove with my idol (Darren Espanto fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon