Chapter 8: Bye

247 7 1
                                    

Eton International School ang papasukan ko. Paaralan na kung saan nag-aaral si Darren. Pero bakit hindi ako masaya? Dahil hindi ko na makakasama yung mga kaibigan ko

Mga kaibigan ko na mga baliw. Mga kaibigan ko na palagi kong kasama. Mga importanteng tao sa buhay ko.

Sheezzz! Ang arte arte ko naman! Paano ko ba sasabihin sa kanila to? Naiiyak na ako.

"Maam Fiona? Baba na po kayo. Nandito na po tayo eh." Sabi ni manong driver

Oo nga pala dito na pala kami

Papunta na ako ng classroom. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanila na hindi na ako dito mag-aaral.

"Fiona! Kanina ka pa namin hinihintay ha!" Naku! Aly! Ikaw talaga ang mamimiss ko. Ang highblood mo kasi! Paeang naiiyak na ako

"Okay ka lang?" Tanong sa akin no Katnis. Kat! Mamimiss rin kita! Grabe kasi yung concerm mo sa akin eh! Yeee

"Ay! Wag mong sabihin na kayo na ni Darren babes ko!" Sabi ni Gem. Langhiya talaga to!

"Mga best.." Paano ko to sasabihin? Tulong please!!!

"Oh?" Sabay pa sila!

"Hindi na ako dito mag-aaral" Natulala sila sa sinabi ko

"Hahaha nagbibiro ka ba?" Sabi ni Aly na parang iiyak na

"Oo nga, hindi pa naman April Fools eh!" Sabi ni Katnis. Eee hindi nga ako nagbibiro

"Weh?" Sabi ni Gem

"Oo, bukas hindi na ako dito mag-aaral" sabi ko sa kanila. Umiyak na talaga ako. Di ko na kasi mapigilan eh

Hinug nila akong tatlo. Bumitaw naman agad sila

"Saan ka mag-aaral?" Tanong sa akin ni Katnis

"Sa Eton International School" sabi ko sa kanila

"Eton International School??!!!!" Aba sabay pa sila!

"Oo"

"Kung saan nag-aaral si Darren My loves?" Sabi ni Aly

"Oo nga kung saan nag-aaral si Darren babes" sabi ni Gem

Oh sige kayo na! Kayo na!

"Kung saan RIN nag-aaral si JK my labidabs?" Sabi ni Katnis

Sheeeeezzzz!! Parang napaisip rin ako na parang ang swerte ko dahil doon ako mag-aaral kung saan nandoon si Darren at JK. Ohem!hart hart!

"Oo"

"Ang swerte mo!" Sabi ni Aly

"Eh wala naman kayo dun! Nakakalungkot!" Sabi ko. Totoo naman eh. Malungkot kung wala sila

"Heh! Ang swerte mo na! Wag ka ng malungkot dadalaw kami sa bahay mo every saturday! Promise!" Sabi ni Gem

"Eh bakit sa bahay lang nila? Dapat sa Eton rin!" Sabi ni Katnis

Hahahaha! Di ko alam kung ako ba yung dadalawin nila o di kaya kanila Darren

Hinug ko ulit silang tatlo

"Mamimiss ko kayo mga besh!" Sabi ko sa kanila

"Kami rin naman eh!" Sabi ni Gem

"Pasok na tayo! Tama na amg drama!" Sabi ni Gem

--

Tapos na yung whole class namin. Nandito ako ngayon sa shed hinihintay ko kasi si manong eh

Naiisip ko ulit sila Aly, Gem at Katnis. Mamimiss ko talaga sila

--

Darren's POV

Pauwi na ako sa bahay pero napadaan ako sa skwelahan nila Fiona at nakita ko siya sa may shed.

"Manong baba muna ako dito" sabi ko. Agad naman pinahinto ni manong yung sasakyan

Bumaba na ako. Pumasok ako sa skwelahan nila Fiona. Nilapitan ko siya. Mukhang umiiyak siya at malungkot

"Fiona?" Bungad ko sa kanya. Agad naman niya inangat yung ulo niya at pinunasan yung mga mata niya.

Umiiyak siya?

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya

"Hindi na ako dito mag-aaral. Hindi ki na makakasama sila Katnis" pero bakit?

"Ililipat na ako ni mama ng school" sabi niya ulit

"Saan?" Tanong ko sa kanya

"Sa Eton International School"

Ha?! Sa Eton?

Hinug ko siya

"Sana classmates lang tayo" sana nga!

"Loko ka talaga!" Sabi niya

Ang saya ko dahil ako yung nagpapasaya sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ang lapit ng loob ko kay Fiona

"Wag ka ng umiyak please.." sabi ko

"Sige boss! Hindi na ako iiyak!" Sabi niya sabay tawa. Bi-polar ba siya?

"Good!"

"Bakit ka pala napadaan?"

"Eh nakita kita eh!"

"Ah ganun ba?"

Sasabihin ko na ba sa kanya?

"Fiona?"

"Oh" sabi niya.

Ang ganda niya. Mabait pa siya na yung babae na para sa isang Mr. Domino

"Kasi..."

"Ay! Nandyan na pala si Manong! Kita na lang tayo bukas sa Eton!"

KASI FIONA GUSTO NA KITA...

Note ni Ms. A

Ang bilis naman tumibok ang puso ni Mr. DOMINO. Hi readers!!!

Im certainly inlove with my idol (Darren Espanto fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon