Chapter 24: Space

168 7 0
                                    



Nandito na ako sa bahay. As usual umiiyak. Bakit ba ako umiiyak? Dahil ba sa sinabi sa akin ni Liza? O di kaya dahil lalayuan ko na yung dalawang mahalagang tao sa buhay ko?

Darren <3 Calling...
Speaking of
Sinagot ko ito

D: Fiona nasaan ka?
F: Dito ako sa bahay
Malumanay kong sinabi
D: Okay ka lang ba? Bakit wala ka dito sa building?
F: Magpapahinga muna ako. Bye!

Inend ko na yung call

Pinikit ko na lang yung mga mata ko. Umiyak na lang ako

JK Calling...
Eto na nga ba eh!
JK: Fiona nasaan ka?
F: Tanungin mo na lang si Darren. Bye!

Inend ko kaagad yung call

Tinakpan ko yung ulo ko ng kumot. Gusto kong umiyak hanggang wala na akong luha. Over! Pero totoo hindi ko na talaga alam yung gagawin ko

"Fiona?" Narinig kong sabi ni ate

Pinahiran ko agad ang mga mata ko

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalala niyang sabi

"Wala ate. Napuwing lang ako" as usual yan naman palagi yung rason ko eh

"Puwing-puwing ka diyan! Anong nangyari sis?" Sabi niya tapos tinabihan niya ako sa kama

"Ate paano kung dapat layuan mo yung mga tao na napag-mahal sayo. Anong gagawin mo?" Sabi ko sa kanya

"Simple lang. Dapat piliin mo yung tama. Yung tama na dapat walang may masaktan" sabi ni ate. May point naman siya pero...

"Paano kung pareho silang masasaktan" sabi ko. Yun lang naman ang problema eh. Alam kong masasaktan silang lahat

"Mas piliin mo yung tama. Mas piliin yung tao na hindi pa nakakaintindi dahil kahit pakalawan mo yung dalwang mahal mo hindi sila tatanim ng galit sa puso nila dahil naiintindihan ka nila"

Napaiyak na lang ako sa sinabi ni ate

"Pero bakit kailangan ko mag-sakripisyo? Bakit kailangan ako na lang yung masaktan? Bakit kailangan na ako na lang palaging mamili?" Sabi ko habang tumutulo na yung luha ko

"Kasi alam ng lahat na may mangyayari pa sayong maganda kaya hinahadlangan nila na makuha mo ito"

Yinakap ko si ate

"Thank you ate! Matutulog na po ako"

Nag-nod siya at umalis na sa kwarto ko. Bukas sisimulan ko na lahat

--
Nandito na ako sa classroom. Ang aga kong pumunta dito. First time nga na mangyari to sa akin eh

May agad na pumasok sa classroom. Si JK.

"Good Morning Fiona!"

Ginawa ko na lang siyang multo. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na lang yung earphones ko at nakinig na lang sa music sa cellphone

"Huy! Bakit hindi mo ko pinapansin?"

"Pwede ba! Hayaan mo na lang ako!" Tapos lumabas na ako. Ano ba naman to?! Diba si Liza ang hindi nakakaintindi? Haist! Bahala na!

Si Darren! Anong gagawin ko? Makakasalubomg ko siya

"Fiona!"

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad. Parang walang may nakita. Pumunta na alang ako sa shed
--
JK's POV
Papasok na ako sa classroom ng makita ko si Fiona

Firs time niya yatang maaga sa classroom ah! Pansinin ko nga!

"Good Morning Fiona!"

Pero hindi lang siya sumagot. Kinuha niya lang ang earphones niya at nakinig sa music niya. Hindi niya ba ako nakita?

Pansinin ko nga ulit

"Huy! Bakit hindi mo ko pinapansin?"

"Pwede ba! Hayaan mo na lang ako!" Tapos lumabas na siya. Ano bang problema niya? Wala naman akong kasalanan ah

Lumabas ako sa classroom para sundan siya pero nakita ko na nagkasalubong sila ni Darren. Alam kong binati siya ni Darren pero parang hindi niya rin pinansin si Darren eh. Anyare?

"JK!" Sabi ni Darren

"Oh?"

"Alam mo ba kung anong nangyari kay Fiona? Hindi niya kasi ako pinapansin eh" Hindi ko alam kung bakit toh ginagawa ni Fiona

"Ako rin. Pakiramdam ko hindi naman niya gagawin yan kung walang nag sabi sa kanya eh" sabi ko. Tama naman eh. Hindi ganyang tao si Fiona na basta na lang magagalit

"Hayaan muna natin siya"

Nag-ring na ang bell. Pumasok na rin kami ni Darren sa classroom. Tapos umupo na rin kami

Pumasok na rin si Fiona. Pero parang wala lang siyang nakita eh

--
JK's POV
Tapos na yung class namin napagisipan kong sundan si Fiona

Nakita ko agad siya. Tumalikod siya pero tumago ako para hindi niya ako makita

"Lumabas ka na! Patayin kita eh" sabi niya agad. Lumabas naman ako baka patayin niya ako eh

"Fiona.."

"JK layuan mo na ako"

"Anong bang problema"

Nilayuan niya lang ako. Hinila ko siya

"Pwede ba! Hayaan mo na kasi ako. Ginagawa ko to para sayo JK. Ayoko na! Maawa ka!"

"Hindi kita maintindihan"

"Kaya nga eh! Hindi mo ko maintindihan dahil wala ka sa pwesto ko! Kaya pwede ba JK! Layuan mo na lang ako" umalis siya

Dahil ba to kay Liza? Siya yung Queen Bee?

--

Darren's POV

Pauwi na sana ako pero may nabangga ako

"Fiona?"

Umalis siya

"Wait"

Huminto siya

"Bakit?" Hay salamat! Pinansin niya rin ako

"Bakit ayaw mo ako pansinin?"

"Dahil ayaw ko"

"Fiona naman eh!"

"Gustong malaman?" Bakit naman siya umiiyak?

"Oo"

"Ayaw nakitang makasama. Ayaw nakitang makita. Ayaw ko na sayo. Sapat na ba yun Darren?"

"Pero"

"Tama na pwede ba!?" Sabi niya

"Pero Fiona tandaan mo pinakawalan mo yung isang tao na nagmamahal sayo at binawasan mo yung isang tao na mahal na mahal ka"

Tinignan niya lang ako. Tapos umalis na siya

--

Fiona's POV
Ang sama-sama ko. Ang sama-sama ko!

Ang tanga-tanga ko pa! Ano ba yun!

Tama si Darren eh! Pero dapat maintindihan niya pa rin ako diba?

Im sorry Darren at JK








Note ni Ms. A
Hey there! Kamusta kayo? Lol! Nakakaiyak ang chaptieee na ito!

Im certainly inlove with my idol (Darren Espanto fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon