SI Chapter 3- Meeting New Friends

93 10 0
                                    

Chapter 3

Someone’s POV

Kahapon nakita kong may kasamang babae si Kris sa Gym sino ba yun? GF ba niya? Mukhang LQ e haha and nakita ko naman yung isang lalaking madalas kasama nung babaeng yun nauna na umuwi  narinig ko chanyeol ang pangalan niya crush ko na siya ayieee pakasal na tayo crush sabay may bumatok saakin

“aray ko naman problema mo?” paglingon ko si Lee Chaerin pala kainis eh may sapi nanaman yung bruhildang yan. Tumingin lang siya saakin at agad naman umalis. Sabi sainyo eh may sapi e

Ako nga pala si Krystal Evans wala lang napadaan lang ako para ipaalam sainyo na crush ko yung chanyeol Bye!~

Rin’s POV

Dito parin ako ngayon sa kwarto medyo di ko feel pumasok ngayon kasi masama pakiramdam ko napansin ata ni ate na dipa ako bumababa. Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko

“Rin! Baba ka na naghihintay si Alexander sabay na daw kayo pumasok”

“hmm ate pakisabi nalang sakanya na baka di ako makapasok sa 1st class namin medyo masama pa pakiramdam ko e paunahin mo na siya” tumango nalang siya at nag senyas na okay at sinarado na niya yung pinto.. pagkalipas naman ng ilang minuto may kumatok nanaman

“Chandria?” narinig kong pagtawag ni chanyeol

“ah chanyeol pasok!” agad naman siyang pumasok sa kwarto ko medyo iniisip ko pa kasi yung sinabi ni kris kahapon tss kainis kaya mukhang ang lalim tuloy ng iniisip ko

“Chandria? May problema ba?” sabay dampi ng kamay niya sa noo ko na parang tinitignan kung may lagnat ako

“ahh oo yeollie okay lang ako ^^v mauna ka na pumunta ng school baka ma late ka pa”

“sigurado ka?” tumango nalang ako at agad naman siyang ngumiti at nagpaalam na saakin

Chanyeol’s POV

Aish ano nanaman kaya problema ni chandria parang bigla ba naman nawalan ng gana pumasok tss pag nalaman ko lang na may pinagawa yung kris na yun sa bestfriend ko malalagot yun saakin.

Pagbaba ko mula sa kwarto ni chandria bumungad naman yung ate niya

“oh alexander? Mauuna ka na ba?” tumango nalang ako at nauna nang umalis

Di niyo pa nga pala ako nakikilala ako si Alexander Louie Parker si chandria lang tumatawag saaking Chanyeol nasanay nadin ako kahit malayo sa pangalan ko haha nag simula yung pagiging mag bestfriend namin nung elementary kami nabully kasi siya lagi nung classmate niya ewan kung ano na nangyari dun di ko na tatapusin kasi alam kong nakwento nadin ni chandria yun madaldal yun eh haha

**

Pagdating ko sa classroom hinarangan naman ako nung isang classmate namin pero iniwasan ko nalang at hindi pinansin nung makaupo ako agad naman siyang lumapit

“hmm Hi ako nga pala si Krystal Evans and you’re chanyeol right?” luh bat tawag sakin nito chanyeol? Di naman kami magkakilala

“ahh hindi I’m Alexander Louie Parker” yun nalang ang nasabi ko kasi dumating na yung prof namin at bumalik na siya sa upuan niya pero napatingin parin saakin yung krystal na parang may gusto pang itanong

Rin’s POV

Nandito na ako sa walkway papunta na sana ako sa 2nd class ko kahit maaga pa nung may biglang humawak sa wrist ko mula sa likod at hinila ako papunta sa School café pagtingin ko kung sino humihila saakin tss yung mayabang lang pala

“Hoy mayabang bitawan mo nga ako kita mo naman na patawid na ako para pumunta sa kabilang building e para sa 2nd class ko tas hihilain mo ako” di siya kumibo

Secretly Inlove(ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon