Chapter 2

23 0 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa campus. Hindi pa rin talaga ako maka-get over sa nakita kong Tweet niya na yun. Bwishet. Ayoko siyang makita ngayon, ni eye contact ayoko. Kase... Waah!  Basta ayok--

"Ay gago!"

Putra talaga kahit kelan!

"Ano ba Geron!? Pwede kasing itabi yang paa mo no? Daanan kase to di ba?"

Nakakapang-init ng ulo!

"Uso kaseng tumingin sa dinadaan. Di yung kung sino-sino iniisip mo no?" Aba at! Ang kapal talaga ng mukha netong lalaking to.

"Pwede ba Geron? Wala akong oras makipagtalo sayo. Simpleng sorry lang sasabihin mo, kung ano-ano pa yang sinasabi mo. Atsaka, wag kang epal ha?" Umalis na ko at iniwan siyang nakatunganga dun. Nakakainis! Umagang-umaga yun agad bubungad sayo. Hay!!

"Uy Gienna. Joke lang! Di ka naman mabiro dyan. Laki yata ng problema mo ha."

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya.

"Ha? Ha-ha." At dumiretso na ulit sa paglalakad.

"Gienna." Napatigil ako dahil hinawakan niya yung braso ko.

"Bakit ba?! Parang hindi kasi mabigat tong mga dala ko di ba?"

Ang moody ko swear.

"Ikaw na nga tong tutulungan ayaw mo pa no?"

Yun lang pala sasabihin niya. Haish. Pagkasabi niyang yun, binigay ko kaagad yung mga gamit ko sakanya. Sabi niya eh. "Ayus--" Bago niya pa ituloy yung sasabihin niya, "Ikaw nagsabi niyan, walang sisihan." Liningon ko siya at dinilaan. At nagdire-diretso na ko umakyat. Hahahaha

Sa room..

"AYIIIEEEEEE"

Taena, eto nanaman tong mga kaklase ko.

"Imba ka Geron."

"May tagadala ka talaga ng bag no, Gienna?"

"Siya nagpresenta eh."

Habang inaayos ko yung gamit ko sa upuan.

"Gienna! Gienna!"

Eto nanaman si bestfrin.

"Uhm?"

para kasi siyang ano. Parang excited na ewan.

"Tara labas tayo."

pagkalabas..

"Bakit? Si Geron na ba?"

mabatukan nga.

"ARAY!!!"

"Gaga ka ba? Syempre si ano pa rin. Baliw ka ba?"

"Eh bakit niya dala-dala bag mo?"

"Juice Colored. Parang napaka-big deal nun ha!"

"Ano nga??"

"Tinulungan niya lang ako!"

"Psst."

"Excuse me muna bestfrinn."

Umalis si  Aya.

"Anong kailangan mo?"

"Recess na."

"Eh ano ngayon?"

"Tara."

Sabay hatak sakin.

"Anoooooooobaaa--"

"Uy Gio!"

O.O

Gio? Gio?! GIO!?!

Napatikom ako ng bibig kase.. ka-kase.. andito siya..

The Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon