Without You

1.8K 22 17
                                    

I know na medyo napahaba. Pero please, give this a chance. Tell me what you think about this. Libre lait o anuman. At kung nagustuhan, vote sana po kayo. =)) Thank you!! :**

_________

"When you're dancing, there should be the grace, poise, attitude and most importantly, put your heart in it! Meron kasing mga nagsasayaw pero 'di mo makita sa kanila kung gusto ba nila yung ginagawa nila o ano. Pero kung ilalagay mo ito.." sabay turo niya sa puso niya. "..magiging maganda ang kalalabasan dahil hindi lang yung nagsasayaw ang nakakaramdam ng saya pati na rin ang mga nanunuod sayo. And that's the best feeling of being a dancer."

Pinagsasabihan na naman kami ni Choreo. Hindi kasi namin makuha ang tamang steps at galaw ng katawan sa pagsasayaw ng modern dance na 'to. Lalo na si Ma-Anne.

"Gusto niyo ba ang ginagawa niyo? Kung hindi, itigil na natin 'to. At ikaw Ma-Anne, ikaw ang nilagay ko sa gitna dahil may tiwala ako sa kakayahan mo. Pero sa tingin ko, nagkamali ako. And one more thing, you're one of the best dancers here! Patunayan mo naman sana yun."

Halatang disappointed si Choreo kay Ma-Anne. Pero kay Ma-Anne, parang wala lang sa kanya yung bawat sumbat sa kanya. Kumbaga parang pasok sa isang tenga, labas naman sa kabila.

"Wake up everybody! Tandaan niyong hindi lang 'to simpleng contest. International 'to at kailangan niyong galingan para manalo. Don't ever put our school on shame!"

Pinili ang school namin para irepresent ang buong Pilipinas. Kami ang ipanlalaban sa ibang bansa for modern dance, hip-hop, etc. kaya masyadong stict na si Choreo idagdag mo pa na next month na ang laban namin at lilipad na kami papuntang New Zealand dahil doon gaganapin ang sayaw.

"OK. Stand up! Magpractice na kayo. Basta tandaan niyo ang sinabi ko sa inyo dahil iyon ang makakabuti sa ating lahat. Pwede na rin kayong umuwi pagkatapos ng practice niyo."

Halos apat na oras rin kaming walang tigil sa pagpapractice hanggang sa napagdesisyunan na namin umuwi dahil 7:30 na ng gabi. Nakaagaw lang ng pansin namin si Ma-Anne na patuloy pa rin sa pagsasayaw sa harap ng salamin.

"Ma-Anne, tama na yan! baka sobra ka ng mapagod niyan. May bukas pa naman e." sabi ni Toby.

Hindi sumagot si Ma-Anne. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ng music o wala siya sa huwisyo ng mga oras na yun. Nainom ako nun ng tubig at tinanggal ang shirt ko dahil sobra na akong pawisan. Narinig ko pa sina Andii, Aria at Drinne na nag-uusap kasama si Toby.

"Napagalitan kasi kaya ata ganyan yan."

"Baka may problema lang siya? Sa tingin niyo?"

"Balita ko kasi naghiwalay na ang mga magulang niya kaya nakatira siya sa mga lola niya ngayon."

"Oh? Talaga? Kawawa pala sya. Hay. Yaan na lang muna natin sya. Siguro kailangan niya mapag-isa. Tara na muna sa Mcdo. Gutom na ko."

"Sige!"

"Jerome, ikaw na bahala sa bestfriend mo ha! Wag mo yan iiwan lalo pa't ganyan."

"H-ha? A-ah, oo! Sige!"

And off they go. Pero tama ba ang narinig ko? Kaya ba di na siya nagpaparamdam sakin? Maiintindihan ko naman sya e kasi naranasan ko na rin ang pinagdadaanan niya ngayon pero sa aking ina ako nakatira. Kaya ba iniiwasan na niya ako? Dapat kasi sinabi na lang niya.

Ayoko lang siyang nagkakaganyan. Ayoko lang makita syang nasasaktan.

Nilapitan ko sya. "Be, tama na yan. Pagod ka na."

Hindi siya nakikinig sakin. Pero kita ko sa mga mata nya ang lungkot na kanyang dinadala.. ang sakit at hapdi na kanyang tangan na iwanan ng magulang.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon