Hanggang Dito na Lang Ba?

628 7 2
                                    

-Isang istoryang hango sa totoong buhay ng isang babae. Screen names lang ang ginamit at hindi eksaktong lugar.-

***

Karaniwan ko ng binubuksan ang Twitter ko everytime na nag-iinternet ako. For updates lang naman kaya ako gumawa nito.

Hindi naman talaga ako yung tipo na adik sa pag-iinternet. Yung halos hindi na umaalis sa harap ng monitor hanggang madaling araw. Ayos na ako sa pagtingin lang ng notification sa FB, maglalagay ng status at logout na. DATI. Emphasis here.

Out of curiousity na rin siguro kaya ako nagkaroon ng mga social network accounts; mapa-FB man, Tumblr o Twitter.

---

Bandang 8:00-9:00 ng gabi, May 27, 2011.

Nagsimula ang lahat sa isang tweet.

"Goodnight. :)"

"Sweetdreams!:)"

Nagttwitter ako by that time. I'm a novice at kokonti palang ang followers ko. Nung ni-tweet ko yung Goodnight, hindi na ako nag-eexpect for any replies or RTs. Pero the fact na may nakapansin sakin ang ikinatuwa ko. Sya si Ervin.

I don't know him at all kaya inopen ko profile nya. I find him.. handsome. Sabi ko pa sa sarili ko, 'Naks! Lumelevel up ka na teh.'.

From that day on, hindi ko inaakalang magttwitter ako lagi. I thought Twitter's boring pero since that day, I find it interesting because you meet people. And I met him.

Minsan pa nga, ako yung unang magrereply sa kanya. Nalaman ko pang taga-Batangas rin sya at sa eskwelahan ko rin sya napasok. Naniniwala na ako sa kasabihang, 'It's a small world after all.". Sya rin ang una kong nakatweet. I think.

Araw araw akong nag-oopen ng Twitter hoping na OL rin sya at makakausap ko ulit. Pero days turn to weeks..then it turns into months. 5 months rin nung nagtweet ulit sya sakin. I didn't expect for it. Siguro nga nasanay lang talaga ako na wala na talagang pag-asa pang makakatweet ko ulit sya. Pero good unexpected things are the best. It doesn't lead you to disappointments but more on excitement.

Akala ko simpleng crush lang nararamdaman ko para sa kanya. Yung tipong mawawala agad. Pero bumalik e. Hanggang sa naging puppy love na.

Nakikita ko sya sa school pero madalang lang. Ang kinukuha nyang kurso ay General Engineering. At everytime na nakikita ko sya, binibilang ko yun. Mukha mang timang pero totoo. Nilalagay ko pa sa calendar ng phone ko. Kaso simula nung nasira ang cp ko, nasira na rin yung routine kong yun. Di ko na natuloy yun.

Eto lang ang na-retrieve ko nung pinagawa ulit phone ko.

August 11 -- 9th encounter sa may tambayan nila.

August 12 -- 10th encounter sa may canteen. Para sakin, sya yung center of attraction. Yung para bang kayo lang ang tao nung time na yun.

August 16 -- 11th encounter sa may canteen. Nagkasalubong kami. I don't know if he noticed it. But I did.

August 19 -- 12th encounter. Lunch time. Nakita ko syang may kasamang girl na kulot ang buhok. </////3 WHERE DO BROKEN HEARTS GO?

August 20 -- 13th encounter. Naglalakad ako habang tinitingnan ang daan. At pagharap ko...pagharap ko.. nagkiss kami! HAHA. Biro lang. Naglalakad sya sa unahan kasama ang mga kaklase nya. Kaya malamang di nya ako nakita.

September 19 -- 14th encounter sa may tindahan. Bibili sana ako ng journal. Tumingin sya sakin. *blushes*

October 17 -- 15th encounter. Nakasabay ko sya paglabas ng campus. Pero syempre nasa likod ako at nag-aassume lang ako na magkasabay kami. Pero nakita nya ako nung nakalabas na ng campus habang naghihintay ng jeep. May dala pa akong turon. Haha. Wapoise.

October 18 -- 16th encounter. Nakita ko sya noong umaga na nakaupo sa may benches malapit sa Nursing Dept..

October 19 -- 17th encounter. Nasa may malapit sa likod namin sya nakaupo. Nagpapa-assess kami nung kaibigan ko para sa clearance.

You know the aftermath.

---

Kilig kilig pa ako nung una. May time pa nga na chinat nya ako sa FB saying na friend na daw pala kami sa FB. Di ko naman inaasahan yun kaya sa sobrang amaze, "Oo nga noh?" nalang ang nasabi ko. Too bad, di na sya nagreply. I'm really bad at keeping conversations.

Dati rin, napasali sya sa 'Mr. & Ms. GE 2011'. Unfortunately, di sya nanalo. Pero paano ko nalaman? Simple lang. I was there. Oo. Kahit di ako engineering student, nakapanuod pa rin ako. I didn't plan to go there. Magbabayad lang sana ako ng tuition. Sinulit ko na rin. I cheered for him. Feel na feel ko pa since di nya naman maririnig, madilim sa loob at maraming tao.

By the year 2012, everything went blunt. I don't know why. Summer na rin. Walang pasok kaya ang tendency ay magtwitter ako. It came to a point na di nya ako pinapansin. O baka naman di lang talaga ako kapansin pansin? Sorry naman nuh. Ilang araw rin yun. As what I've said nga, good unexpected things are the best. E kasi naman po.. Nagtweet sya! Nagtaka ka pa. Pero hindi lang yun. It was especially for me.

"Matagal ko ng di nakakatweet si @asdfgrachelle".

Emeghed lang po! Do you think he miss me? Woo. Wag assuming. It's just a friendly tweet! Don't expect! Pero ano ba naman yung sinabi ko?

"Edi ittweet kita lagi."

Ako na naman unang bumigay! Pahamak na naman. Puso ko talaga, tanga.

Di natapos yun dun. Isang araw, may ni-tweet ako.

"Roses are red. I have a phone. No one texts me. Forever alone."

Then there he goes. He's asking for my number!

"Hi Miss. Pwede makuha number mo? ^^"

Todo todo na ang kilig ko nun. OMO. \*^*/ Sus. Di na nya kelangan kunin. Meron na kasi akong number nya. Binigay sakin nung kaklase ko nung HS. Alam nya kasing crush ko yun. E kaklase pa nya ngayong college. Matagal nang nasa contacts ko, di ko lang maitext kasi nga mahahalata ako. So, I kept it. How much I wanted to text him kaso, pigil pigil na lang.

Noong nakatext ko sya dati, I found out na medyo..may pagkaboring sya katext. Binalewala ko na lang.

Napadpad ako sa profile nya. Something caught my eyes. Hindi yung fact na may katweet syang girl pero yung term of endearment nilang 'Bii'. Feeling ko tuloy binackstab ako.

Pero ano nga bang pinanghahawakan ko? Yung friendship namin? Sus. E di nga kami nagpapansinan personally e.

It hit me.

Ano nga ba kami?

Wala.

Pangarap lang kita.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon