This Girl

1.1K 10 3
                                    

Isang bagay ang nakapagpalambot ng kanyang mga tuhod.

Isang ngiti.

Ngunit pilit at may naluluhang mata.

'Appreciate those that are still by your side.' 

I realized this too late. Just too late.

-----

"Pare, ano? Dali na naman oh. Igagawa mo lang naman ako ng kanta para dun sa babaeng gusto ko. Malapit na birthday nya e."

"Di na nga pwede. Nangako akong di na gagawa ng kanta." 

Ako si Gio. Mahilig ako magcompose ng kanta kaya humihingi sakin si Ryan ng pabor. Oo nga't mahilig ako gumawa ng kanta, pero nangako na ako.

..na kay Chelle na yung huling kanta.

"Matagal ng panahon ang nakalipas pare! Move on, move on din."

"Promise ko na yun. Atsaka nakamove on na ako ulul!"

"Kaya pala, wallpaper mo pa rin ang picture niyong dalawa. Tama ka! Naka-move on ka na nga!"

"Gago! Umuwi ka na nga. Hapon na oh! Hinahanap ka na ng nanay mo. Mapapagpalo ka na."

Tinulak ko na palabas ng dorm si Ryan kahit ayaw pa nya umalis. E pipilitin lang naman ako nun nang pipilitin. Nakakabingi na rin yung mga salitang paulit-ulit na lang. Nakakasawa.

"Basta pag-isipan mo HA!"

Sabay sarado ng pinto.

--------

It's been 3 months simula nung lumipat ako dito sa dorm. And it's been 7 months since then na wala na kaming komunikasyon ni Chelle.  But it seems like forever.

Hay. Napaka-emote ko e kalalaki kong tao. Ano ba naman 'tong buhay na 'to. Tek.

Pero miss ko na sya. Miss ko na yung dati. Yung dating kaibigan ko na lagi akong kinukulit, binobola, pinipilosopo. Kahit na hindi ko sya pinapansin, laging sinusungitan, at inaasar na mataba pero sa totoo lang, chubby lang yung pisngi nya. Kaso mas namimiss ko yung mahihigpit na yakap nya kahit nakakasakal, pagpapalakas nya ng loob ko sa t'wing nadedepress ako, at miss ko na rin ang panlalambing nya.

Miss ko na si Michelle.

-----

"Gio! Nakapagbayad ka na ba ng renta? Pasabay! Baka mapalayas ako dito ng di oras e.."

"Nangunguha na ba?"

"Oo! Hanggang bukas. Hindi ka kasi tumitingin sa white board for announcements kanina e."

"Sorry. Uhh, baka bukas na lang ako magbabayad. Magwiwithdraw pa ako e."

"Ah ganun ba? Sige! Takits na lang bukas pre."

"Sige, ingat!"

Since wala naman akong ginagawa, magwiwithdraw na muna ako. Pumunta ako sa pinakamalapit na ATM machine. Unfortunately, di pa pala nagdedeposit ang aking magulang. Paano na 'to? Masyado pa namang strict namamahala dito sa dorm.

What should I do?

UGH. Hassle naman oh!

-----

"Sure?! WALA NG BAWIAN YAN HA! WUHOOO. Thanks pare!"

"Pero syempre babayadan mo ko!"

"Sige. How much?"

"Uhmm.. ano.."

"Magkano?"

"3500?"

"Teka.."

Kinuha nya ang kanyang wallet saka kumuha ng perang pambayad.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon