Chapter 1: Bessie-tot

29 8 10
                                    

Chapter 1: Bessie-tot

Natalie POV

2 months... 2 months pa lang ang nakakalipas simula nung unang pasukan. Gusto ko ng magbakasyon. Gusto ko lang humilata buong mag-damag, basta! Stress na stress na ako. Ayoko ng mag-aral.

Just kidding..

Lately kasi masyado nang maraming ginagawa sa school, reports, thesis, assignments, etc. Kulang nalang daig na namin ang isang taong nagtatrabaho na! Pano na kaya pag nag college na ako? Masyado ata kaming pinapagod ng mga teachers? Tapos pag walang gawang assignment magagalit? Hayst, ganon talaga, I'm just a student wala akong magagawa. It's for our future din naman.

Matalino naman ako, sakto, masipag din naman pero pagtinamaan na ako ng katamaran? Wala na hindi ko na magagawa yung mga bagay na dapat gawin. Unless if it's super duper important.

Ayy wait pakilala ko muna sarili ko sa inyo, I'm Natalie Farcie Cruz. Ang na-Natalie at nagstay sa buhay niya pero niloko lang at sinaktan. Chrowwtt!! Bigla lang nagdrama! I'm 17 y/o, a female-- syempre! Halata naman siguro sa pangalan ko nuh! Daughter of Natalia Luz Cruz and Francisco Cruz, so ayun halata namang pinagsama ng name ng parents ko ang name ko. I am rich, charing lang! Yung magulang ko talaga yung mayaman hindi ako HAHA! If you think I'm a spoiled daughter nagkakamali po kayo.. slight lang naman hehe.. Ang mga magulang ko ay may-ari ng 3 hotels, and 4 restaurants. Two hotels in Manila and one in Pangasinan, our province, two restaurants in Manila and two in Pangasinan. Diba ang yaman namin? Wahaha mainggit kayo! Uy joke joke lang ah? Mamaya magalit kayo? Ganun lang talaga ako pag nagiging baliw hehe..

*Krriinggggg!*

Finally! Bell na din! Vacant na namin!

Aalis na ako dito sa room para puntahan ang aking dalawang bessie-tot! Bantot nuh?! Yung bessie-tot!  Si Daycee Cañega  kasi nag-isip nun! Ang isang Daycee na galing sa section A, nakapag-isip ng ganon?! HAHAHA! Ganon talaga pag baliw, actually dun ko sakanya namana ang pagiging baliw ko mag-isip eh! But I'm glad na ganoon s'ya, yung marunong makisama sa trip ng barkada. Minsan pa nga siya pa ang nag-iisip ng mga katarantaduhan eh. Doon kasi sa section A puro mga nerd, bookworm, nasa isip lang ang pag-aaral, lonely. Halos konti lang ang mga humble dun kasama na ang bessie-tot ko! Kaya pinagpapasalamat ko talaga na hindi siya ganon eh. Sarap din kasi kasama nun!

Ang isa ko namang bessie-tot ay si Christine Grace Panganiban, naku naku! 'Yang babaeng 'yan! HAHAHA! Siya kasi yung pinaka tamad saming mag bessie-tot! Tapos nasa lower section pa sya sa Section E siya. Siya din 'yong pinaka matanda samin. Baliw naman din siya, marunong makisama pero tamad talaga 'yan sa buhay niya! Naku! Ewan ko ba diyan kung bakit hindi nagsisipag eh konting tiis nalang magka-college na kami! Mamaya di siya makasapa niyan, I'm worried tuloy :<

Minsan din hindi siya gumagawa ng mga assignments. Naku na lang talaga sa babaeng iyan. Sana lang magtino. Pero alam ko naman kung bakit nagiging gan'yan si bessie-tot, it's about her father. Eight years old pa lang kasi ay iniwan na sila, you know. Her father left because of the other girl. Okay wala ako sa lugar mag kwento. Siya nalang bahala mag kuwento sa inyo!

Pumunta ako na ako sa room nila Daycee. Ang kaso.. naku naman oh. Gutom na ako eh. Iyong teacher kasi nila si Ma'am Hermosa, teacher sa Math! Nakuuu! Terror kaya si ma'am Hermosa. Hindi ka lang makasagot papalabasin ka na agad niya ng room. Alam ng nagbell na eh, hindi pa din tumitigil sa pagtuturo. Gusto pa ata i-discuss niya lahat ng solving problem, formulas etc.

Ano ba 'yan, nagugutom na nga ako bigla namang sumakit ulo ko ng maisip 'yang Math na 'yan.

Tagal naman umalis ni ma'am! Nakakainis. Gutom na ako,huhu.

In-denial Girl (On-going)Where stories live. Discover now