Chapter 2: Friends?

19 7 13
                                    

Chapter 2: Friends?

Christine POV

Nagulat naman ako bigla dahil umalis si Nath. Mukang bad mood na naman ang babaita! Kasi tong si Daycee eh.

"Nagalit tuloy si Nath." Nasabi ko nalang kay Daycee. "Nagbibiro lang naman ako nun bessie-tot eh. Saka di ko naman sinasadya." Makikita mo namang parang naiiyak na si Daycee. Nuh ba naman tong babae na ito! Masyadong iyakin.

"Okey lang yan bessie-tot. Masyado lang talagang moody si Nath. You know, pagnagalit talaga siya tinototoo niya. Minsan naman nagwo-walk out na lang bigla, gaya ngayon."

Oo, ganon talaga si Nath. Pagkasi nagalit yun tinototoo niya, madalas pang mag walk out yun! Alam mo 'yon? Konting asar lang sa kanya magagalit agad. Kaya minsan talaga nakakatakot 'yan magalit!

"Yeah, hay nako! Magkakabati bati din naman mamaya eh." Tapos biglang tumawa si Daycee. Natawa na lang din ako.

To: Moody bessie-tot
Uy huh? Sorry na daw sabi ni Daycee, nagbibiro lang naman daw eh.

Tinext ko nalang din si Nath. Para naman mabawasan yung pagkahigh blood nun. Sana naman di na galit ang isang 'yon.

Actually pare parehas kami ng name sa mga phone namin. Sakin lazy bessie-tot pa! Nagalit pa nga ako nyan nung una kasi bakit yun yung akin. Si Daycee pa nag suggest ng ganun! Naku! Tapos kay Nath naman syempre Moody bessie-tot. At kay Daycee naman, Crazy bessie-tot! Haha! Nakakatawa lang dahil parang nilalait namin ang isa't isa!

"Bessie-tot?" Bulong naman saken bigla ni Daycee. Huh? Problema neto? Bigla bigla nalang bumubulong?

"Tingnan mo 'yon oh." Pabulong pa rin niyang sabi at tinuro 'yong katabi namin lamesa, "Ang gwapo nung lalaki. Wahaha!" Luh? Basta talaga lalaki naku! Malakas kasi ang radar ni Daycee pag may mga gwapo HAHA! May makita lang siyang gwapo, sasabihin niya na agad samin. Ewan ko ba, bat pa 'yan naging Section A! Pero oo nga ang gwapo nga, hehe. Pati yung mga kasama niya!

"HAHA! Oo nga nuh bessie-tot? Gwapo! Pati yung mga kasama niya." Bulong ko. Para pa akong kinikilig nung sinabi ko 'yon. Ayy ano ba 'yan?! Nagiging malandi na ata ako ah?! Haha. Bale tatlo sila.

"Oo nga eh. Kasama din pala nila si Karl?"  Oo nga nuh? Si Karl kasi kaklase namin 'yan dati nung grade 10 pa lang kami. Bale naging magkaibigan din kami ng mga bessie-tot ko niyan! Pero mas close sila ni Daycee, parehas kasi silang baliw hehe. At kung nagtataka kayo kung bakit ako naging kaklase ni Daycee eh, tamad naman akong mag-aral. Ganito kasi 'yan, pinag-rumble nila lahat ng mga students nun. Bale wala ng Section A na puro matatalino, bale rumble rumble nga. At alam nyo ba si Karl? Crush dati ni bessie-tot Nath 'yan! Naku! Ngayon ewan ko lang kung crush niya pa.

"Crush pa kaya ni Nath si Karl? Tingin mo Daycee?" Mas close kasi si Daycee at Nath, kasi parehas silang baliw, ako sakto lang hehe.

Napaisip naman siya, may pahawak baba pa siya dyan, "Hmm.. sa tingin ko naman wala na. Hindi na naman kasi nakwekwento ni Nath sakin 'yang si Karl." Ahh, okay? Sa tingin ko nga wala na talagang crush si Nath kay Karl. Wala din siyang nakwento ngayon na crush niya pa rin 'yan eh.

"Dali tawagin natin sila. Papuntahin natin dito. Marami pa naman 'tong pagkain eh." Ow-em? Haluh? Bakit? Bigla tuloy akong nahiya. >.<

"Luh? Bessie-tot! Wag na, yaan mo na sila." Naku bat ba ako nahihiya? Ay eh syempre kasi di ko naman kilala 'yan eh. Si Karl lang kilala ko, at hindi ko din naman masyadong close si Karl.

"Ikaw huh? May crush ka dyan nuh?"

"Wala kaya. Nahihiya lang ako kasi di ko naman sila kilala." Huhu, totoo naman eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In-denial Girl (On-going)Where stories live. Discover now