5

0 0 0
                                    

"SIGURADO po ba kayong magkakape kayo, Mam?" Tanong sa akin ni Josephine nang sumagot ako sa tanong nyang anong gusto kong agahan.

"Oo. Bakit? Wala ba tayong kape?" Balik tanong ko.

"Ah. Hehe. Hindi naman po." Kakamot kamot nitong sagot. "Ayaw nyo po kase ng kape dati. Sabi nyo ayaw nyo ng caffeine kaya green tea ang hinihingi nyo bago kayo mag gym sa mini gym." Naguguluhang sagot nito.

"Ahh. Ganon? Hmm. Kaya pala ang payat ko. Sige na, ako na lang magtitimpla ng kape ko. Ano bang almusal natin?" Sabi ko at dumiretso sa cabinet para kumuha ng tasa.

"Eh, Mam.. ngayon ko pa lang kukunin ang nga gulay sa mini garden para gumawa ng salad. Ang aga pa po kase kaya--"

"Ayoko din muna ng salad Josephine." Putol ko sa kanya. Napakamot na naman ito ng ulo at alanaganing ngumiti.

Sinulyapan ko ang orasan. Alas 4 pa lang ng madaling araw.

"Anong oras kayo gumigising Josephine?" Tanong ko sa kanya habang nagtatakal ng asukal at kape sa tasa. Nilagyan ko din ito ng cream. At sinalinan ng mainit na tubig mula sa thermos na de saksak. Ewan ko. Nakalimutan ko ang tawag dito. Ang alam ko, yong tiyahin kong yayamanin meron nito e.

"Pag ganito pong Linggo 6:00 am na po kami bumabangon Maam. Madalas po kasing tanghali na kayong bumaba ni Sir pag ganitong weekends." Paliwang nito

"Uhmm." Humigop ako ng kape. "Maaga pa naman Josephine. Bumalik ka na lang sa pamamahinga mo. Kaya ko na dito." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

Bahagyang natigilan ito.
"Ah.. eh.. Maam.." alanganin na namang sagot nito.

"Ayos lang, sige na. Ako na bahala dito. Bumalik ka na lang sa pagtulog." Malumanay kong sabi dito.

"S-sige po Maam. Kayo po ang bahala." Sabi nito. "Mauna na po ako." Paalam nya.

Tumango ako at ngumiti at pinagtuunan ang kapeng hawak ko.

Naalala ko ang nangyari kagabe.
Shit. I just had a sex! Ang labo di ba? Yong katawan ko, virgin pa pero naka experience na ako in real life at hindi yong sa mga porn ko na lang napapanuod. It is sooooo real! Ang sarap pala. Nakaka adik. Lalo na kung isang Clyde Deogracia ang kaulayaw mo. Bahagya pang naginit ang mukha ko nang maalala ang mga detalye ng love making namin.
Pero teka, medyo naguluhan ako sa part na nag thank you sya kase pumayag daw akong maangkin niya. What the heck? Ibig sabihin, hindi pa nya nagagalaw si Kate ever? Pero di na to virgin!

Oy! Baka nakakalimutan mong may Oliver sa buhay nya!
Sigaw ng isip ko.
Oo nga pala. So, hindi sya nagpapagalaw kay Clyde kase kay Oliver sya nagpapatotoot?

Tsk! Tsk! Tsk!
Napailing ako sa mga realisasyon sa magulong buhay ni Kate.

PINAKIELAMAN ko na ang Ref na nasa kusina para maghanap ng pwedeng lutuin. May Bacon sa freezer, hotdogs at ham. May itlog sa tray at fresh milk pero Lactose free. So, Lactose intolerant ang isa  dito sa bahay?

Gusto ko sanang magluto kaso tinatamad pa ako. Bukod sa frozen ang mga pagkain. I decided to thaw the frozen foods muna kaya inilagay ko to sa isang batya at lumabas sa garden. Napaka lawak ng garden dito. Animoy palasyo ang entrance. Naglakad lakad ako patungo sa likurang bahagi ng bahay. Napakaraming rosas na iba't-iba ang kulay ang nakatanim dito. Napansin ko din na may lanai pala sa gawing ito. May swing din. Umupo ako at bahagyang napaigtad sa lamig ng bakal nang dumikit ito sa hita ko. Nakapajama na ulit ako at walang bra. Naginit na naman ang mukha ko kung anong nangyari sa mamahaling bra na pinunit ni Clyde kagabi.

Tumingala ako sa langit at niyakap ang sarili. Malamig ngayong madaling araw. Tahimik ang paligid at tanging mga kulisap ang maririnig mo. Bahagya akong umugoy ugoy at pumikit.  Masyado akong naaliw sa katahimikan kaya bigla akong napaigtad nang may mainit na bisig ang pumalibot sa katawan ko mula sa likuran. Kung hindi ko naamoy ang nilalang na ito, baka kanina pa ako sumigaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon