Ika Apat

3 0 0
                                    

Kinakabahang nagpapalakad lakad ako sa tabi ng kama dito sa loob ng master's bedroom. Sumulyap ako sa orasan.. it's past 10.
Ito ang unang gabi ko sa mansyon bilang asawa ni Clyde. Ninerbyos ako. Oo nga't galit ito sa akin dahil sa pagtataksil na ginawa ko sa kanya. Na kahit gustong-gusto na nyang pilipitin ang leeg ko sa kada sulyap nya sa akin, may kaunting pagsusumamo pa din sa mga mata nito. Hindi ba ito minahal ni Katelyn? Natatandaan ko pa na nabanggit ni Clyde noong nasa ospital palang kami na handa nitong kalimutan ang lahat. Ibig sabihin, mahal ni Clyde si Kate.
Napasulyap ako sa side table. Madaming pictures ang dalawa. Merong nasa beach sila at nakaupo sa buhangin. Nakangiti si Clyde habang nakayakap sa beywang ni Kate at nakahilig ang baba sa balikat ng babae. Pero si Kate, ni hindi umabot sa mga mata ang ngiti. May isang litrato din na nakaupo sila sa bench. Mukhang sa ibang bansa kinunan ang litrato dahil naka thermal clothing ang dalawa at may snow sa paligid. May hawak na bag si Kate habang nakaakbay naman sa kanya si Clyde. Ngunit katulad ng ibang litrato, hindi umaabot ang ngiti ni Katelyn sa mata nito. Animo'y napipilitan lang. Maging sa napakalaking picture frame na naka sabit sala nila kanina ay ganun ang ngiting naka porma sa labi ng babae. Ibang-iba sa ngiti ni Clyde na animo'y nasa kanya na ang lahat.
So, meaning to say.. maaring hindi nga mahal ni Kate si Clyde kaya sumama ito sa Oliver na yon na Ex nya.
Hays. Nakaka stress ang pangyayaring ito. Hindi ko na maintindihan. Bakit ba talaga kami nagkapalit ng katawan? O nagkapalit nga ba kami? Nasaan ang totoong Kate?
Natatandaan ko pa ang Eclipse habang nangyayari ang aksidente. May kinalaman kaya ito sa pag switch ng katawan namin? Kung yon nga, posible kayang di na ako makabalik sa katawan ko?

"Ohh. Shit. No." Pagmumura ko habang pinipisil pisil ang sarili kong kamay.

Hindi pwedeng hindi ako makabalik. Kailangan ako ng pamilya ko. Ang nanay ko. Ang mga kapatid ko. Hindi ako dapat mawala sa kanila. Kailangan gumawa ako ng paraan. Kailangang---

"What the hell are you doing?"

Natigilan ako nang marining ang pamilyar na boses na ito. Humarap ako sa pintuan at nasalubong ko ang berdeng mata ni Clyde with matching salubong na kilay. Nakasandal ito sa pintuan.

"Ahh.. ano.. a-andyan ka na p-pala." Tanging nasabi ko.

"I've been here for a couple of minutes watching you walking to and fro and you didn't even notice me." Sabi nito habang sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Mukhang balisang-balisa ka. Kating-kati ka na naman bang umalis ng bahay? Oh! Let me guess. Iniisip mo ang lalaki mo kung nasaan sya?" Sabi pa nito.

"N-nagkakamali ka, Clyde. H-hindi--"

"Oh shut up!" He hissed. "I've had enough of your lies Katelyn!"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala akong nagawa kundi tumitig na lang sa mata nyang punong-puno ng galit at sakit.

"So, what now? Bakit di ka sumagot? You used to argue with me. Bakit umaarte ka na parang wala kang ginawang kasalanan? Go ahead! Isumbat mo uli sakin ang lahat ng sinabi mo noon! Na ako lang at ang pamilya mo ang may gusto ng kasal na to! Na ginipit ko lang ang pamilya mo kaya ka ipinagkasundo sakin ng Daddy mo! Na hindi mo naman talaga ako minahal kundi ang pera ko! Go ahead Katelyn! Hurt me even more! Ano pa? Ano pang mas sasakit na magagawa mo bukod sa harap harapang iwanan ako at sumama kay Oliver?!"

Natigalgal ako sa narinig ko sa kanya. Naawa ako sa halip na magalit. I know how it feels. Ang mamalimos ng pagmamahal sa taong mahal mo. I pity him for having someone that never loved him back. Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko habang nakatitig sa kanya. Sa mga mata nyang puno ng sakit na ngayon ay lumuluha din. Gusto ko syang aluin. Mag-sorry hindi para sa kasalanan ng asawa nya kundi para sa sakit na naranasan nya dahil dito.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon