Ikalawang Kabanata

1 0 0
                                    

Nanghihina akong napasandal sa dingding ng banyo habang minamasdan ang aking repleksyon! Namimilog na mga mata ang sumalubong sa akin sa salamin. This is not me! Hindi ito ang katawan ko! Hindi ko kilala ang babaeng nakatingin pabalik sa akin sa salamin. Bilugang itim na mga matang may malalantik na pilik. Matangos na ilong at maputlang hugis pusong labi. Kinapa ko ang aking katawan. Sexy! Kabaligtaran ko! Chubby ako! May mahaba din akong pilikmata ngunit kulay brown ang mata ko. Hindi katangusan ang ilong ko at alon alon ang brown kong buhok. Hindi katulad ng buhok ng babaeng nasa repleksyon ko ngayon. Itim na itim at napaka haba. Matangkad din ito at napaka puti samantalang ako ay namuti lamang pagkat di naarawan.

Napahawak ako sa sentido at napailing.
"H-hindi.." bulong ko habang masalsal sa tibok ang aking puso. "A-anong...???" Humihingal kong sambit habang nakasandal sa dingding ng banyo. Napahawak ako sa pintuang bahagyang nakabukas..

"Katelyn?" Clyde called out. May mumunting pagaalala akong nabakas sa kanyang boses.

Marahan nitong itinulak ang pinto. Pumasok ito at nakita akong tulala sa salamin habang mabilis ang paghinga.

"What's wrong Katelyn?" Malamig na tanong nito.
Nanatili akong nakasandal sa dingding. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ano'ng nangyayare?

"Katelyn.." tawag muli nito sa akin. Hinawakan nito ang aking baba at inaangat ang mukha ko upang masalubong ko ang luntian niyang mata. Napabuntong hininga ito at napakurap.

"What have you done to me that I can forget everything you did just promise me that you won't leave me again like that?" May pagsuyong bulong nito. Ang mga mata nito ay nagkaroon din ng lambong at lungkot.
Napaawang ang labi ko.

Hindi! Hindi ako si Katelyn Deogracia! Ako si Emerald dela Merced!

Nais ko sanang sabihin ngunit hindi ko magawang magsalita. Im so aware of his fingertips on my chin. His eyes locked on mine. And his warm breathing..
Napasinghap ako ng sapuhin niya ang aking mukha at masuyong haplusin. Huminga siya ng malalim at dahan dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Owemji! He will kiss me! Hala! Anong gagawin ko? Should I turn away? Sa bagal nang paglapit nya ay batid kong nakikiramdam sya kung iiwas ako. Palapit nang palapit.. Shocks! Mahahalikan na nya ako na akala nya ay ang asawa nya! Shit! Hindi ako ang asawa nya! Sa ideyang yon ay tumungo ako at ipinaling sa kabilang direksyon ang mukha ko. Naramdaman kong natigilan sya at binitiwan ang aking mukha. Sinulyapan ko sya. Nakita kong bumalik ang talim sa kanyang mata. Nagigting ang kanyang panga at nakakuyom ang kamao.

Marahas syang bumuga ng hangin at tumalikod.

"Get back to your bed. The floor is cold." Anito saka akmang lalabas ng tinawag ko siya..

Hindi sya humarap.
"What?" Tanong nitong nakatalikod pa din.

"C-clyde.. right?" Asiwa kong tanong
Marahas syang napaharap sa akin na salubong ang kilay? Kunot noo ako nitong tinitigan.

"C-clyde.. I am not Katelyn." Deklara ko dahilan para mapanganga ito.

Napailing ito nang makabawi ay naihilamos nito ang palad sa mukha. Nanatili akong nakatayo habang pinapanood ito.

"N-nagsasabi ako ng totoo.." dagdag ko. "Hindi ako ang asawa mo.. I mean.. Nasa katawan nya ako pero hindi ako si Katelyn Deogracia.." patuloy ko habang nakatingin sa nakatalikod nitong bulto. Hinawakan nito ang noo at hinilot-hilot na animoy stress na stress.
Duh? Di ba mas dapat akong ma stress sa nangyayare? Nagising ako sa katawan ng iba, for Gods sake! This is so absurd.
Marahas na humarap sa akin si Clyde.
"Stop playing games with me Katelyn. I've had enough of you messing up with everything in my entire week!" Mariing sabi nito.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon