Magkakaiba pero magkakadikit yata ang puso nung pinanganak. Yan ang TACIMEMA.
Lets start with TA.
Meet Trish Ann Fajardo. Matalino, tahimik, hindi luma lovelife, minsan mahirap kausap. I mean. Minsan, wala sa sarili. Naloloka na yata sa sobrang pagaaral.
Next, si CI.
Meet Clarisse Ina Carnasa. Chix, Mabait, Madaldal, Habulin ng boys pero may seryoso siyang side. Unlike Trish, palagi ko tong kausap.
Now, si ME.
Meet Marissa Elai Alarez.
Sporty, maganda, baliw, palagi kong kasama, man hater. Naloko na kasi siya dati, kaya ayun. Ayaw na magmahal. Masasaktan lang kasi ulit siya sabi niya.
Nagtataka siguro kayo kung bakit kulang. Kaya eto. I'm MA.
Meet me, Monique Aury Perez.
Mahilig kumanta, magitara,magdrawing, magpaint, magsayaw, at siyempre KUMAIN. Pero di naman ako tumataba kaya okay lang. Sabi nila super friendly ko raw kaya sobrang hirap ko kalabanin. AHAHAHA. Ayun masayahin raw ako at pinaka approachable saming apat. :)
PERO, MALAKI LAKI NA RIN YUNG PINAGBAGO NAMIN. Lalo na nung dumating yung mga taong di naman namin inaasahan. Hay. Tssss.