*Jc and Monique's chapter
Monique's POV
Grabe. 6 hours walang teacher? This means party! Kaso di ko ma enjoy. Wala yung mga bruha. At si JC? Ayun nasa tabi ni Irene. K fine.
"Hoy."
"Who you?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mataas na mataas abot sa Jupiter.
"Pumunta lang ako dito para magpaalam na ide-date ko si Irene."
Nagulat ako sa sinabi niya. As in gulat to the highest level. Ouch.
"Decide. On. Your. Own." Eto nalang yung nasagot ko.
"Uy, tampo ka naman. Selosa. Hahaha"
Aba, bwiset to ah.
"Ba't naman ako magseselos? Edi mag date kayo. Wala akong paki." Bestfriends lang naman kami. Adik.
"So, galit ka na? Biro nga eh. Sorry naaa! Kung meron man akong babaeng gustong idate dito, ikaw yun. Ikaw lang. Yiie kilig ka no?" Aaaaarrrggghh. Di ko mapigilang ngumiti kaya tumalikod nalang ako para di njya ako makita.
"Dapat ba akong kiligin?" Sabay lakad papalayo sa kanila. Bwiset. Pareho sila. Bagay nga.
Biglang may tumawag sakin at hinarap ako sakanya.
"Bati na tayo please.... :( "
Ayoko nga. Bahala siya.
Sinusundan niya parin ako. Hhmmmp! Pasalamat siya di ko siya kayang tiisin.
"Nag away ba tayo?"
Ngumisi siya at nagtanong na naman. "So, di ka galit?"
"Bat naman ako magagalit? Wala akong karapatang manghimasok diyan sa buhay mo."
"Lah. Meron no. Bestfriends nga tayo diba? Sinasaktan mo na naman ako niyan eh."
"Ok."
Bumalik na naman yung pagkahyper niya. Ano bang problema nito? Juice colored.
"Tara kain tayo. Libre kita." Omg. Manlilibre siya. For the first time in forever.
"Ice cream or burger?"
Bakit ganito yung choices? Pwede bang both? Ano nang isasagot ko?
"Joke lang uy. Alam ko namang both yan gusto mo."
Literal akong napanganga sa sinabi niya. Sa buong buhay ko, yung family ko lang at sila Trish ang nakakaalam nito.
"At pano mo naman nalaman? Stalker kita no?"
"Pano pag sinabi kong oo? Kilig ka na naman siguro."
. Ano bang pinagsasabi nito?!
"Uy baka nakakalimutan mo. Bestfriend kita hindi manliligaw." Tumawa naman siya. Sanay na ako. May bestfriend po akong abno.
"Oo nga pala. Sorry ah. Nakakainlove ka kasi eh."
Tas tumawa na naman siya. Pero this time, para na siyang nangaasar.
"Umorder ka na nga. Peste hahaha."
"Sige bestfriend upo ka muna."
Inalalayan niya ako sa pag upo. Aba, prinsesang prinsesa ako ngayon ah. Haba ng hair ko. Lol.
"Hintayin mo ko ha." Tumango nalang ako lol. Para namang iiwanan ko yung ice cream at burger.
Ang haba haba ng pila nasa dulo pa siya. Tagaaaaal.
...
Bigla may umupo sa harap ko. Hala. Si kuya Chris Marco? Seriously?
Kilala ko siya hindi dahil sikat siyang singer, dancer o kung ano man. Kilala ko siya kasi sinaktan niya si Cla. Hindi naman sila. Hindi naman ako OA. Pero umasa nang sobra si Cla sa kanya. Pano, isa kasi siyang MALAKING PAASA. Lahat ata ng babaeng dumaan sa kanya, di pa rin nakaka move on sa pagpapaasa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/23673674-288-k71111.jpg)