Chapter 1: First Day

23 1 4
                                    

Clarisse's POV

Hay, umaga na naman. Pero tinatamad pa ko eh. Hihiga na lang ako ul---

Biglang may pumasok. "Bruha ka talaga Monique forever!" Tinignan niya lang ako nang masama at tinaasan pa ko ng kilay. Bruha talaga.

"HOOOY ALAS SYETE NAAAA!"

Bwiset talaga to si Marissa. Parang ano eh. Pagkatingin ko sa relo ko, HALA OO NGA! lagot na naman ako sa mga bruhang to. Hay.

"Mauna na kayo, sunod nalang ako."

"Pwede ka ba naming iwan?" Napangiti nalang ako at akmang yayakapin si Trish kaso....

"SIGURO KUNG NAG AYOS KA NA NGAYON AT 'DI NAG DADRAMA DIYAN, NAKAABOT PA TAYO SA FLAG CEM NO?!"

Galit na si Monique. Lagooot.

"Sabi ko nga kikilos na ko eh." Tss. Makakilos na nga.

***

Pagkarating sa school, ayun, hyper na hyper na naman yung mga kaibigan kong baliw. Nagtakbuhan kami kaagad papunta sa main building. Dun raw kasi naka post yung bago naming section.

Pagkatingin namin, AYUN. Sa awa mg diyos, pinaghiwahiwalay kami ng section. Hay, sadya ba to?

Si Trish, sa saint Catherene. Si Marissa, sa saint Margareth. Si Monique, sa Saint Elizabeth, at ako? Sa Saint Agnes napunta.

Bagong school year na naman. Parang dati lang 1st year palang kami. Tas ngayon? Hay ayoko na pumasok. Joke!

Monique's POV

So ayun. Naghiwahiwalay na kami. Nagpunta na ko sa room ko. Pagkapasok ko, lahat sila napatingin. Weird. Umupo na lang ako at yun bumalik na sila sa sari-sarili nilang business. Potek.

Maya-maya, Plak!

Napalingon kaming lahat sa nasa sahig naming kaklase. "Alam mo naman kasing pinakapopular na babae sa school yung kaharap mo tapos di ka pa umalis. Yan napala mo babaeng nerd!"

Nagpanting yung tenga ko sa narinig ko. Anong karapatan nitong babaeng to para umasta ng ganyan?! Sabagay si Ire-- SI IRENE????!!!Ewan ko ba't bigla akong tumayo.

"Kung popular ka, bakit di ka kilala nung kaklase natin?" Inalalayan ko yung babae at pinabalik kung saan siya nakaupo. Akmang sasampalin ako ni Irene. Pero, nahawakan ko kamay niya. "Ooops. You missed me." Sarap niyang asarin AHAHAHA. Naglakad na ko palayo pero, "One more thing." Binalikan ko si Irene at plak! "Yung confidence level mo pakibabaan ha, lalo na kung wala naman sa lugar." Sabay ngiti.

Bumalik na ko at sakto dumating yung teacher namin.

"Hay salamat naman at naisipan niyang umattend sa class niya. 20 mins nalang eh."

Nakakatakot. Bigla bigla na lang nagsasalita yung katabi ko. Nginitian niya ko nung lumingon ako. Malamang ngumiti rin ako. Nakakahiya naman.

Aba, nag start kaagad ng lesson? EXCITED KA TEH? Grabe, wala man lang bati? Grabeng teacher. Hiyang hiya na ko.

"APM?"

Ay sus. Ginugulat talaga ako nito. Napalingon ako sa katabi ko nang may pagka alanganin. Napansin naman ata niya. "I mean, Anong pangalan mo?" Ah okay.

"I'm Monique Aury Perez. Bahala ka kung anong shortcut mo." Ang weird talaga.

"I'm Jan Carl Ignacio. Friends?" Inabot niya yung kamay niya.

"Frie---" Naputol yung sasabihin ko nung nakita ko yung teacher namin na nakatingin at umiiling.

"Mr. Ignacio and Ms. Perez? ANO TO?" kilala niya kami? Like, seriously? Nagtinginan naman yung mga kaklase naming abnormal at ayun, as usual nangaasar.

"Tigilan niyo nga kami."

"Eh?"

Nagtawanan lang yung mga kaklase kong ewan. G-r-r-r!

Nagring na yung bell. Hay. Sa wakas makakatakas na ko sa bangungot na to!

Paglabas ko,

"Lalalandii mo Monique. AHAHAHA." Si Irene. Kasama yung mga alalay niya este bestfriends niya pala.

Aalis na sana ako pero nakarinig ako ng malakas na lagapak.

SI CLA-- SINAMPAL SI IRENE!

Friendship level: UNBREAKBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon