Marisse's POV
HAHAHAHA what a nice scene. Pasalamat tong si Irene si Cla lang sumampal sa kanya. Kundi, baka lumipad to sa impyerno.
Bumalik na si Cla at nag aya sa cafè. Tutal break naman.
"Wait girls. One last look. Evil smile. Game?" Iba talaga si Trish.
"Game."
1..
2..
3..
AHAHAHAHAHA di ko na matigil ang tawa ko. Daig pa ng pagkapula niya and red nose reindeer. Dahil yata sa pagkapahiya at sobrang lakas na pagkasampal ni Cla. Buti nga. At yung mga alalay niya, kunwari naaawa pero deep inside, alam kong gusto na rin nilang tumawa. Wala namang masama, sadyang nakakatawa lang talaga.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at mabilis na nakarating sa cafè.. Naghanap kami ng table. Ayun! Yung malapit sa counter.
Pagkaupo namin, ininterview na namin si Monique. Hindi makakatakas to.
"Kwento na Monique." Natatawang pangaasar ni Trish.
"Oo nga. Ano bang nangyari. Mamaya ikaw pala may kasalanan tas sinampal ko pa yun. Edi konsensya ko pa." Dagdag pa ni Cla.
Agad namang sumagot si Monique. Kilala ko to. Di to magpapatalo. Hahaha. Si miss Pilosopo yata yan.
"Eh kasi. Yung transferee. Yung, Jan Carl Ignacio ba yun? Oo tama siya nga. Ang daldal eh. Nakita tuloy ka---"
Bago pa ituloy ni Monique, "JAN CARL IGNACIOOOO?!" Nanlaki yung mata ni Cla.
"Big deal ba?" Mahinahong sagot ni Monique.
"Sobra." Aba sabay pa kami. Si Monique naman natulala na lang.
"Ah basta. Panira siya mg first day." Sabay kain ng spaghetti niya.
"IKAW NA NGA KINAUSAP EH! KUNG AKO YUN, KAHIT MAPAGALITAN PA KO NG TEACHER MAKAUSAP KO LANG SI---"
"Hello!" Bati ng isang lala-- OMAYGAD!!! SI JAN CAAAARLLLL.
OXYGEN PLEASEEE!
Trish's POV
Nag panic bigla kami... EXCEPT Monique. Halatang badtrip.
"H-hi?" Nakakatawa to si Cla.
"Ahm. Im JC."
"Alam namin." Aba tulalang tulala si Marissa. Parang si JC na ang magbubukas ulit ng puso nito.... hay...
Wait! Back to reality. Sinipa ko yung paa ni Marissa na nagpabalik sa kanya ng normal.
"Ah eh kasi. Ahm, pwede ko na bang kunin sa inyo si Monique? Please."
Omg. Is this real? Tumango ako na naging sanhi ng killer look ni Monique. Pero wala siyang nagawa lalo na't hawak ni JC yung kamay niya.
Lahat ng estudyante pinagtinginan sila. Nakarinig pa nga ako ng bulong bulungan. How sweet, JC?
Bigla silang tumigil sa pagtakbo. Bumalik si JC at kinuha yung bag na nasa harap ko.
"Sorry ha. Iniwan kasi ng kaibigan niyo. Ako nalang magdadala. Sige bye!" Gwaaaapooo talaagaaa. Ang gentleman pa. Kay Monique nga lang. Tsk tsk tsk.
Hinawakan niya na ulit ang kamay ni Moniqueeee. Omgggg. Oxyyygeeen!
Ang ingay ng paligid. Halatang kinikilig sa dalawa. Syempre sama mo na ko.
Monique's POV
Anong problema nito? Natauhan na ko. Tinanggal ko yung pagkakahawak ng kamay ko sa kanya. "Problema mo?" Di na ko makatiis kaya nagtanong na ko.
"Wala."
"Wala pala eh. Babalik na ko sa cafeteria." Tumalikod na ko pero naramdaman kong may nakahawak sa braso ko at hinarap ako sa kanya.
"Ayoko kasing malate ka sa next subject natin. Kaya sinundo kita. Happy?"
Napatulala na lang ako sa sinabi niya.
Akalain mo, sa pangit kong to, meron pang mga mababait sakin.
Ewan ko kung bakit may kung anong kumakalog ng puso ko. Parang may nagwawalang ewan. Naramdaman ko na to dati. Pero, mas matindi to.
HINDI. HINDI AKO INLOVE. IMPOSIBLE. 2 HOURS PALANG KAMI MAGKASAMA. HAY. BACK TO REALITY NA NGA.
"Ah. Okay. T-thanks!"
"Wala yun. Tara na?"
"Tara."
Naglakad na kami. Nakakapagod kasi tumakbo. Pagkatingin ko sakanya, Dala niya yung bag ko? Hala?! Inagaw ko yung bag ko.
"Naiwan mo yan sa cafè. Kinuha ko lang."
Ang weird pero ang bait niya. Sus. Wag ka ngang magpadala Monique.
"You're saying your thoughts out loud. Don't worry. Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo. Gusto ko lang maranasan magkaroon ng girl bestfriend. Pero kung ayaw mo okay lang." Naglakad siya palayo.
May kadramahan din pala tong lalaking to. Ang cute lang. Haha. Hinabol ko nalang siya.
"Hindi. Okay lang sakin." Inabot ko yung kamay ko. "Bestfriends?"
"Bestfriends." Nakita ko yung ngiti sa kanya. Ang gaan sa pakiramdam.
Feeling ko parang may protector na ko.
Narating na namin yung room. Wala pa ring teacher. At ang gulo pa. Kaya nagusap nalang kami na naging sanhi ng pagka close namin. 6 hours na kaming nagkekwentuhan. Walang tigil tigil hahaha. At nangako pa kami na walang iwanan. Forever? Oo. Forever.
Tuwing tumitingin ako kila Irene, grabe. Nanlilisik yung mata niya sakin at paulit ulit akong tinataasan ng kilay. Medyo abnormal. Dukutin ko yang mata mo eh.
"Uy. Lalim ng iniisip."
Walang pinagbago si JC. Bigla bigla parin siyang nagsasalita.
"Ah. Di ah." Napailing siya. Alam niya sigurong nagdedeny ako. Nakakahiya.
"Halata. Tara na. Nag bell na eh. Uwian na diba?"
"Uy bukas na lang. Inaantay na ako ng mga bruha kong kaibigan eh. Sorry ah."
"Sige. Okay lang ano ka ba. Baka inaantay na rin ako ng mga unggoy kong kaibigan."
Natawa nalang kami sa isat isa at nag hiwalay na ng daan.
"Ingat Monique."
"Ikaw rin."
***
Ngayon, pare-pareho kaming nakatingin sa sari-sarili naming facebook. Syempre sari-sariling post.
Hay.
√ First day, completed.