Chapter 1

0 0 0
                                    

                                               Hidden Feelings
                                      Written by Kath_shelijah

                                                     Chapter 1
                                                 Janelle's POV

"Tara na, anak." sabi sakin ni Mommy Cellie. Pupunta kami ngayon sa isang resort para magbakasyon. Kasama namin ang pamilya nina Drei, Kuya Jacob, Erine, Kylie, Kuya Liam and Kennedy, ang mga kaibigan ko.

"Opo, ma."

Pumunta na ako sa labas dala yung maliit na sling bag ko at isang kaldero. Karne, yung iba-barbecue mamayang hapon.

"Akin na yan, 'nak." saka sakin kinuha ni Daddy Fred yung kaldero at nilagay yun sa likod ng van.

"Thank you, Daddy." pagpapasalamat ko bago pumasok sa loob ng van. Pumasok na rin sila nang maayos yung mga gamit sa likod.

Si Kuya Nathan yung magda-drive. Katabi niya si Daddy sa unahan. Katabi ko naman si Mommy.

"Nandun naman na siguro sina Karen di'ba?" tanong ni Mommy. Tinutukoy niya yung mama nina Drei at Erine.

"Opo, ma. Kanina pa yun text ng text sakin eh." sagot ko.

Saka na pinaandar yung van ni Kuya Nathan.

                                                    °●•~●~•●°
Ilang minuto lang, nakarating na kami sa resort nina Tito Luke at Tita Mellisa, Mama nina Kuya Jacob at Kennedy. Pagpasok pa lang namin, tanaw na tanaw ko na yung dagaat kung saan maraming mga tao ang lumalangoy. Natanaw ko rin sina Drei na ready'ng-ready nang lumangoy. Mukhang late nga kami.

Kinuha ko ang sling bag ko bago bumaba at kumaway sa kanila. Nag hand gesture din ako na hintayin nila akong magpalit ng damit bago sila lumangoy. Nag hand gesture din sila sakin ng okay. Ngumiti lang ako tsaka pumunta sa likod ng van tsaka tinulungan sina Mommy sa pagbitbit ng mga kakanin.

Bitbit ko ang kaldero papunta sa cottage nina Kuya Jacob nang maramdaman kong may humawak sa braso ko tsaka sakin kinuha yung kaldero.

"Ako na."

Inangat ko yung mukha ko at napatitig sa likod niya habang naglalakad na siya papunta sa cottage. Likod pa lang niya, kilalang-kilala ko na.

Humabol ako sa kanya at sumakay ako sa likod niya. Mukhang hindi naman siya nagulat, expected na ata niya yun eh. Lagi ko yun ginagawa sa kanya eh.

"Salamat Drei." bulong ko sa kanang tenga niya. Hmmm. Ang bango niya talaga.

"How many times do I have to tell you, call me Kuya?!"

"Eh 2 years lang naman yung gap natin eh." sagot ko. 18 ako 20 siya.

"Tsk. Kahit na, taon pa rin naman yun."

"Ehh basta."

"Tingnan mo sina Kennedy, tinatawag nila 'kong Kuya. Dapat ikaw rin." nap-pout ako sa kanya. Eh gusto ko siyang tawaging Drei eh.

"Eh gusto kong maging unique. Gusto kong maiba sa kanila." bumaba na ako mula sa likod niya at ngumiti sa kanya ng malaki.

"Bahala ka nga."

Nang makarating kami sa cottage, agad niyang nilagay yung kaldero sa mesa at hinila ako papunta sa dagat, kina Kylie.

"Picture tayo." sabi niya sabay kuha ng cellphone niya sa bulsa ng short niya.

"Ngiti ka ah. Tulad nung kanina."

Tumango ako bago kami tumalikod sa dagat at nag-selfie. Naka-ilang shots din kami. Iba-ibang pose.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden Feelings (First Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon