She believed on the 3 Stages of relationship
She already experienced the 1st and 2nd stage of relationship, would she love again or would she rather stop loving because she is tired believing that her "The One" will come and give her the love that's...
"hello?" Sino ba 'tong tumatawag? Ang aga aga pa gusto ko lang matulog ng matulog. Ang alam ko walang pasok ngayon, hindi ko lang alam kung may lakad ba ako or what so ever.
"Chichael anong oras na?! kanina pa kami nandito sa baba ni Thea." shit!! saka ko lang naalala may lakad pala kaming tatlo. bakit hindi man lang nag-alarm yung cellphone ko? nakakaloka naman oh, paktay nanaman ako kay lola at sa dalawang binibining nag aantay saakin sa baba.
"wala bang Good Morning muna jan? Ayt 30 mins nanjan na ako sa baba" yun na talaga ang pinaka mabilis ko na kayang ikilos. kasi naman eh hindi ko pa na ayos yung gamit ko para ngayon. napaka mo talaga chichael!!
"gwaenchanh-a ppallihaela" na adik na talaga sa korean drama 'tong kaibigan ko. Well, sino ba namang hindi maadik? Don't get me wrong isa din ako sa fanatics noh!
Binilisan ko na ang kilos ko, inayos ko na agad yung kama dahil mahigpit na pinag bibilin ito ng aking lola na bago ka gumawa ng ibang bagay ayusin mo muna ang pinag higaan mo. So much of that pumasok na ako sa banyo tig 5 mins na lang ang ginawa ko. Dahil malalagot na talaga ako sakanila. Ano kayang susuotin ko? hays.... lagi na lang namin problema 'to, sobrang dami naming damit but in the end wala kaming mapili. Nag jeans na lang ako at nagsuot ng over sized shirt and wear my sneakers. Nag lagay lang ako ng konting pulbo at liptint sa saaking labi and I'm good to go.
"what's up mga binibini?" sambit ko sakanila nakita ko naman ang iritasyon sa mga mata nila. okay, i get it kasalanan ko na late ako ng gising HAHAHA alam naman nila na I'm such late person hindi pa sila nasanay saakin.
"ang aga mo ha? sobrang aga mo." sarkastikong sambit saakin ni Thea
"well girl sorry na, wag na kayo mainis jan napa sarap lang talaga yung tulog ko." totoo naman kasi eh nakaka pagod yung nangyari kahapon. Speaking of naka uwi kaya siya ng matiwasay?
"saan ka ba kasi nag punta kahapon? akala ko ba uuwi ka ng maaga dahil traffic pauwi sainyo? eh mukhang pagod na pagod ka kahapon kaya napasarap yang tulog mo." takang tanong saakin ni Leslie.
"alam niyo mamaya niyo na ako interviewhin, hindi ba't kailangan na nating umalis?" kumbinsing sagot ko sakanila. Baka maabutan pa kami ni lola dito at interviewhin pa ang dalawang ito. I'll just text her na nauna na kami at kung saan ang where abouts ko para hindi siya mag worry.
Hanggang sa tapos na kaming kumain, nagpaalam na muna ako kay Manang Delia. Siya ang katiwala dito sa bahay at tumayo na din siyang pangalawang magulang ko maliban kay Lola.
"Thea ayusin mo yang pag ddrive mo ha? kapag tayo hindi naka labas ng subdivision ng buhay nako talaga." biro ko sa kanya. May tiwala naman kami ni Leslie kay Thea sadyang hilig lang namin siyang asarin kasi hindi siya pikon. Minsan lang kapag alam niyo na red days....
"For your information binibini, mas magaling pa ako mag drive ng kotse kesa sayo. Mas magaling ka nga lang mag drive ng iba't ibang motor kesa saakin." yeah you heard it right, mas gusto ko kasing mag drive ng motor kesa kotse. I don't know ganon talaga siguro? Living Young and Wild and Free!
"Girls may joke ako." biglang singit ni Leslie. Oh gosh please tell me na hindi corny 'to. Haynako sino kaya 'tong nagsasalita akala mo hindi rin siya corny.
"may nalaman ako" sambit niya.
"ano yon?" sabay naming sabi ni Thea
"nakakabanggit ka pala ng anyong tubig pag nagsisinungaling ka" sagot niya
"paano?" tanong namin pabalik
"kasi.......... yung sinasabi mo FALLS!" ANAK NG!!!!
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.