Chapter 4

31 4 2
                                    

I have this ultimate crush since I was in Grade 7, actually until now that I'm already Grade 12. Nakilala ko siya because of my best friend but we parted ways after the elementary graduation. Meron pa naman kaming communication, actually if we really have time nagkikita kami and nag bobonding.

Syempre lumalawak ang circle of friends naming dalawa. Minsan kapag nagkikita kami kasama niya yung circle of friends niya in her former school. Later on naging friends ko na rin sila. Pero may isang natatanging naka pukaw ng atensyon ko.

"Hi, I'm Dartagnan Randale" inilahad niya ang kanyang kamay

"H-Hello I'm Chichael Allã" tinanggap ko ang kanyang pakikipag kamay

"I prefer Allã than Chichael" bigla niyang sambit

"Uhm... if you say so. Nice to meet you then Dart" Sagot ko sakanya, sa totoo lang wala pwedeng tumawag saakin ng second name ko pero ng sinabi ni Dartagnan yun biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang di ako makahinga, parang naiihi ako, parang natatae ako. Ang dugyot HAHAHAHAHA syempre biro lang.

"I want you to call me on my second name, Miss Allã" shoot seryoso ba siya baka maihi ako wala sa oras bwisit naman siya!! Ganon ba kapag kinikilig? HAHAHA ang weird naman ng akin kung ganoon.

"Hmmm ayt, Mister Randale" I smiled sweetly to him tignan natin yang pagiging flirty mo. Akala mo magpapatalo ako ha. Oh sht maiihi na yata talaga ako. Masakit na pantog ko, wait I'm confused. Naiihi ba talaga ako o kinikilig. Bwisit!

Ano ba yun?! bakit may nararamdaman ako na may nagwiwisik sa mukha ko. Pagdilat ko tawa ng tawa si Leslie at Thea bwisit na yan.

"Hoy chicha idlip pa ba yung ginawa mo o tulog na?" sarkastikong tanong ni Leslie saakin

"Saka may binabanggit kang pangalan eh. HmmMMMm ano nga yun Leslie? Dartagnan diba?" tawa sila ng tawa dalawa na lalong nagpakunot sa noo ko at nahihiya na din talaga ako!

Bwisit talaga!!!! Sa lahat lahat ng mapapanaginipan ko yun pa talaga! Ugh, napanaginipan ko kung paano kami nagkakilala ni Randale. Hanggang sa panaginip ginugulo ako pag talaga nakita ko ulit 'to makakatikim na siya saakin. Anong tikim chicha? erase erase! Syempre charing lang SKKSKSKSKSKSKS

"ang saya niyo naman. ano nabuo ko na ba ang araw niyo?" sabay irap ko sakanila

"cha, grabe ka naman hanggang sa panaginip si Dart pa rin?" pang-aasar nanaman saakin ni Thea

"eh ikaw nga hanggang ngayon si Nate pa rin" natahimik naman siya at tawa ng tawa si Leslie sa tabi niya

"ayan ha mang aasar ka pa nananahimik na nga lang ako baka masangkot pa ako jan eh." sabat naman ni Leslie

"che! tigilan mo ako hanapin mo yung pet mo at baka mamaya ginugulo nanaman ako kakahanap sayo!!" napasimangot naman siya ng wala sa oras.

Naikwento ko na rin sakanila kung bakit puyat na puyat ako. Hindi naman nila ako masyado inasar pero marami silang tanong saakin. Hinahanapan ko naman lahat yun ng lusot HAHAHA ako pa ba? Binigyan rin nila ako ng payo kasi ayaw na din naman nila na masaktan ako. Quotang quota na daw kasi talaga ako.

"We'll see you then tomorrow cha, tatawagan ko ulit si *toot* para iresched ha? wag ka na mag worry kami na ang bahala" sambit saakin ni Leslie

"Thank you guys and please take care ha? text me both when you're already home"

Inantay kong maka alis ang kotse sa harap ng bahay namin bago ako pumasok. Hindi pa naman ganoon kadilim, maaga aga pa ako nakauwi. Inaantok na talaga ako grabe baka hindi na muna ako mag dinner neto. Mas gugustuhin ko na lang muna matulog. Bwisit na Randale yan!!

DISTANCE BETWEEN USWhere stories live. Discover now