3rd POV
"Uh-oh" sabi ni Karla sa sarili niya nung may nakabangga siyang isang lalaki.
Nahulog ang mga dinadala ng lalaking nakablack dahilan para sumigaw ito.
"What are you doing? Running her is prohibited! Didn't you see the sign there?" at itinuro ang sign board sa itaas ng mga posteng nakatayo.
"Sorry po Sir. hindi na po mauulit" nakayukong sabi ni Karla sa isang Propesor.
"I think you're a new student here huh? Next time read the sign board" sabi ng propesor na ngayo'y tinutulungan ni karla kuhanin ang mga nahulog nitong gamit.
"Yes Sir. Sorrt po ulit" nakayuko pa ring sabi nito sa propesor.
Ilang minuto lang din ay dumating na sila Roxy at Fia. Pagkarating ay agad namang binatukan ni Roxy si Karla.
"Aray!" sabi ni Karla habang nakahawak sa kanyang ulo.
"Yan yung ganti ko sayo! Loka-loka ka! Bat ka namumutla?" pagaalalang tanong ni Roxy kay Karla
"Huh.. Ano .. . M-may nabangga kai ako na prof. Buti na lang di ako pina-csd. Naku! pag nangyari yun yari ako kila mama! Akala ko talaga kanina papagalitan ako tapos dadalhin niya ako sa CSD" (College of School Discipline) naglalakad na sabi ni Karla palabas ng Campus.
Binatukan naman ni Fia si Karla dahil sa kanyang pageemote.
"Kotang kota na ko sa mga pambabatok niyo ha? Kinareer niyo na eh" na nyayo'y humarap na sa kanyang kaibigan na nakangisi na.
"Alam mo friend? Hindi masama ang ma-CSD no! Yan yung patunay na nag-enjoy ka talaga sa college" lumapit si roxy kay Karla at inakbayan ito.
"Ganun ba yun?" pagtatakang tanong naman ni Fia at naki-akbay na rin sa dalawa.
"Syempre joke lang!" ngiting-ngiti na sabi ni Roxy at nag-peace sign pa ito.
"Tara na! Dumidilim na oh baka maabutan pa tayo ng ulan" nagmamadaling lumabas ng gate si Karla kasunod ang kanyang kaibigan.
"Sige na una ka na! May hinihintay pa kami ni Roxy dito eh." sinabi ni Fia na tinutulak-tulak si Karla para makasakay na ito.
"Sure kayo?" pag-alalang tanong ni Karla
"Oo! sure na sure! kesa naman mawalan ka ng masasakyan no? Mukhang last trip na yun eh. Hala! sige sakay na!" pagtatabot na paalam ni Fia at Roxy kay Karla.
"Oo na! kung makapag-alis kkayo eh. If I know naman na hinihintay niyo lang yung mga boyfriend niyo! Sige na bye! takbong punta ni Karla sa terminal ng jeep at sumaka na.
Naiwan naman sina Fia at roxy sa waiting shed dahil na rin may kikitain si Fia. Ang kanyang nobyo. Jared. Matagal na silang magkarelasyon. Nagtexts na rin naman agad si Jared na malapit na sila.
Tuwang-tuwa naman si Fia dahil ngayon niya na lang ulit makikita ang kanyang nobyo sa halos isang linggo dahil na rrin sa hindi tugma ang kanilang mga nakuhang schedule.
Maya maya ay natanaw na ni Roxy si Jared na may kasama. Pinakita kasi ni Fia yung picture nila ni Jared kaya nakilala naman agad ni Roxy ang lalaki.
"May nasesense akong hindi magandang mangyayari" bulong sa sarili ni Rox
Nang tumingin si fia kay Roxy ay napansin niyang may tinitingnan ito kaya naman sinundan din niya ito ng tingin.
"Bakit Jared?" bulong na sabi ni Fia sakanyang sarili na maluha-luha na.
Papalapit na ng papalapit si Jared na may kasamang babae habang magkahawak ng kamay
Napatingin naman si Roxy kay Fia na naluluha-luha na kaya kinapa niya ang kamay ni Fia at hinawakan ito at tiningnan niya ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Wishing I was her (ON-HOLD)
Romance"I wish I could see through your eyes so I would know what you like to see I wish I knew your wishes, so I could give you everything you want. I wish I dreamed the same dream you do, and together we could make them come true. I wish I knew what make...