Caroline's PoV
Stirring my cup of tea while watching the sun rises is my favorite routine every morning.
My name is Caroline Song. Half English and half Koreana but I grew up in the Philippines. How does it happen? A long story, kaya 'di ko na ikukuwento pa.
"Hi friend! Pahinging kape." My eyes rolled automatically after hearing his high-pitched voice. She is Jason Romulo, a half Filipino and a pure beki.
To be clear, hindi ko siya kaibigan.
"Uy friend? Tulala ka diyan?" okay fine, friends kami.
Pero siya lang ang nakakaalam.
"Bilisan mo na lang diyan at lumayas-layas ka sa kitchen ko." tinaasan niya lang ako ng kilay pero 'di na sumagot pa. Aba baka gusto niyang ahitin ko 'yang kilay niya?
"Liiinnn! Nakita mo ba yung phone ko?!" noo ko naman ngayon ang awtomatikong kumunot. Pagbintangan ba naman ako sa cheap niyang cellphone?
"Wala akong pake sayo at sa cellphone mo! Tanong mo kay bakla, magsama kayong dalawa." malakas kong bulyaw sa kaniya.
She is Erin Halpenny, a pure Filipina. Kung bakit ganiyan ang pangalan niya? Wala din akong alam.
"Romulo! Yung phone ko?!"
"Hoy! Wag mo nga akong tawaging Romulo! At pakialam ko din ba diyan sa phone mo? Burara ka kasi." asik ni bakla.
"Hindi ako burara anoh! Paanong hindi ka sisihin?! Eh dakila kang pakialamera!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo!"
That exact scene had also happened yesterday, ahhh, I mean for the last 5 months. Paulit-ulit na lang sila, nakakasawa, ayaw naman magsabunutan.
Binalik ko na lang ulit ang mga mata ko sa langit at inubos ang tsaa ko. May pasok pa ako kaya hinayaan ko na lang ang mga pinaggamitan kong baso sa lababo. For sure, si Jason na ang maghuhugas no'n. Kailangan ko nang maligo eh.
I love books. I wrote almost 8 books and read a tons of books already. Pumasok din ako bilang isang editor in chief sa isang company dito sa Manila.
Don't get me wrong, mayaman ako. It's just that, I hate to be push to something I don't like. Gusto nila akong maging abogado para sundan ang mga yapak nila, eh ayaw ko nga eh. Kaya ayun naglayas ako sa villa.
Si Jason naman, isang estudyante sa isang university dito sa Manila. Graduating students na din siya, other than that, wala na akong alam sa kaniya. Basta, isa siyang malaking beki!
Si Erin? Si Erin ay isang model ng mga beauty products. As in "mga," kinukuha na nga siyang artista eh. Pero pangit siya sa paningin ko. (I am not insecure! Yuck!)
Nakatira kami sa isang apartment dito sa Milla Subdivision at sama-sama kaming nakatira sa isang bahay. Kung bakit? Tinatamad na akong i-kwento pa.
Pumasok na ako sa banyo at agad nagbabad sa aking bathtub. Dalawa ang bathroom dito at binayaran ko na itong isa kaya akin lang 'to.
"Omyghad! This is life!" I close my eyes to feel the coldness of flowing water.
Nakaka-stress talaga kasama ang dalawang 'yun.
Idinilat ko ang mga mata ko ng may narinig akong mga kaluskos. Saktong pagdilat ko ay ang mga mapupungay na matang nakatitig din sa akin.
'~•~'
BINABASA MO ANG
Gapses Between Minutes
Novela Juvenilwhen the both of you find each other in the most unpredictable time.. Genre: Teen Fiction/Fantasy Language: Tagalog/English