Chapter Two

20 4 0
                                    


Caroline's PoV

"Waaaaaaaaah" malakas akong napasigaw dahil sa lalaking nasa bintana ko. "Pervert!"

Binato ko siya agad ng kung anong una kong madampot. And it turns out na bato iyon.

Huli na nung ma-realize ko dahil nahulog na siya.

Ang kanina kong nanlalaking mata ay lalo pang lumaki.

Agad kong isinuot ang bathrobe ko at tiningnan ang ibaba mula sa bintana.

I saw him lying on the ground, unconscious. At namumula ang kanyang noo, dahil ata sa naibato ko. Omyghad, makukulong pa ata ako. Hindi hindi! I just saved my goddamn life! He's a pervert, he deserves it!

"Liiiin! Ayos ka lang ba?" napatalon ako sa gulat dahil sa mga babaitang bigla na lang kumatok sa kwarto ko.
"Oo nga? Ayos ka lang?"

"Hindi! Wala kong kasalanan! I didn't push him!" napaluha na lang ako at napa-upo dahil sa sobrang frustration.

"Yung duplicate key kuhain mo!" narinig kong sabi ni Erin. Later on the door opens widely.

"Caroline!" sabay nilang sigaw.

Then I loss my consciousness.

'~•~'

"Okay lang kaya siya?''

"I think so"

I slowly open my eyes after hearing the two brats whispering about me.

"Gising na siya!" napasigaw si Erin, nagulat ata nagising ako. "Lapitan mo Romulo!"

''Ayoko nga! Ikaw na lang!" nagtulakan pa ang dalawa.

"Hindi ko kayo kakainin, Don't worry, hindi ako kumakain ng mga panis." agad namang sumama ang timpla ng pagmumukha nung dalawa.

"Wait, where is the guy? Where is he?" tanong ko matapos mahimasmasan.

"Anong guy? Pinagsasabi mo friend?"

"Yung lalaki sa bintana! W-wait, d-dont tell me, he's dead?" my body begins to shiver.

"Liin, calm down." she slightly caress my hair trying to calm me down and it works, a little. "Sinong lalaki ba ang tinutukoy mo?"

I didn't knew that Erin has this side, so comfortable.

Ahh! Ano bang pinagsasabi ko?

Ikinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari, mula noong pumasok ako sa bathroom ko hanggang sa pagsilip sa akin ng lalaki.

Nagkatanginan ang dalawa na para bang sinasabing nahihibang na ako. Well, napakaimposible din naman kasi talagang makaakyat sa bintana ng bathroom. Bukod nasa 3rd floor ito, at purong wall ang bahay namin. And no way he can climb that wall!

Later on I fell asleep, again.

I woke up with a headache. Wala kong matandaan na nangyari.

Tumayo agad ako sa kama ko at dumiretso sa kitchen para makainom ng tubig. Natuyo ata ng husto ang lalamunan ko.

I see Erin and Jason talking with a guy na hindi ko kilala! Pero hindi kami maaaring magpapasok ng lalaki dito sa bahay ko!

"Erin! Who is that guy?!" I immediately grab the dustpan in my side. "Hey you! Who are you?! Leave my friends alone!"

Ohmyghad! What am I talking about?! Shit.

"J-just go away from them!" I saw both Erin and Jason smirked in my peripheral vision.

Nakaturo sa kanya ang hawak-hawak ko ngayong dustpan habang nakataas ang kaniyang dalawang kamay.

"Liin! Calm down!" lumapit sa akin agad ang dalawa na mukhang ngayon lang nahimasmasan.

"How can I calm down?! Natulog lang ako saglit tapos pagkagising ko malalaman ko na lang na may lalaki na sa bahay ko!" tuloy tuloy kong sabi. "Malay ko ba kung sinong manyakis 'yan!"

"Ano kaba! He's the new neighbor ate Kikay's talking about." my mouth automatically drop after hearing those words from Erin, "Diyan lang siya sa may tapat."

"I-i'm sorry," yumuko siya sa amin at inabot ang isang baunan. "Naghahanap lang ako ng kaibigan, nagdala din ako ng specialty ko, Carbonara."

Ibinaba ko na ang dustpan sa gilid ko at pumanhik na agad sa kuwarto ko. Narinig ko pa silang nag-usap saglit at pinalabas na siya.

"Liiiin? Ayaw mo ng Carbonara?"

"Ayoko, hindi ako kumakain ng bigay lang nang kung sinu-sino!" sigaw ko sa kaniya, "Mamaya may lason pa iyan."

I just stare again to the sky, tulad nang lagi kong ginagawa. Tinamad na akong pumasok, sasabihin ko na lang na nagkasakit ako.

My phone rang, signal that someone's calling. I immediately grab it at my side and answer the call.

"Ma?"

"Carol?" I heard her sobbed a little.

"Ma? What's happening? Why are you crying?!" Tumayo lahat ng balahibo ko, nangagatog na din ako sa sobrang kaba. Mama wouldn't cry easily, so for sure something's wrong.

"C-carol, Your papa, y-your papa is dead. "

~•~

Gapses Between MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon