Mahangin at magdidilim na sa bayan. Ilang hakbang pa bago ko nakita yung isa sa mga kabarkada ko.
"Gigi!" sigaw niya na medyo tili, pero alam kong hindi niya yun gagawin.
"Erin!" tumakbo kami palapit sa isa't-isa "kamusta na kayo? Sina Sandy?"
"Matagal na tayo hindi nagkita, ang tagal bago ka nakabalik dito, two years." napabuntong hininga siya sa alaala. Matagal ko na gustong bumalik dito dahil naiinggit ako sa mga posted pictures nila na lagi silang magkasama.
"Ano ka ba, akala mo hindi ko na ito gagawin sayo?" ikinabit at ibinitay ko ang sarili sa malaki niyang balikat. Dahil siya lang ang malaki at mataba sa amin magkakaibigan. "Kahit na hindi na tayo highschool gagawin ko pa rin ito nuh!"
Mahina niya akong ibinaba at tumingin sa paligid "nakakahiya" bulong niya. Nagsimula siyang maging conscious nang naging third year highschool kami. "pasok na tayo"
Naglakad kami papasok ng coffee shop nila, ngayon lang ako makakapasok dito sa buong apat na taon magkakaibigan kami.
"gusto ko sanang masulit ko ang pagpunta ko dito" tinimplahan ko ng gatas ang ibinigay niyang kape sa akin.
"Alam kong sasabihin mo yan, kaya nga nung nagtext ka kay Bianca agad kaming nagtipon-tipon"
"Lagi nga kayo nagtitipon-tipon" sumandal ako sa upuan, hindi ko mapigilan ang ngumuso.
Tinawanan niya ako "kaya nga meron kaming plano para makapag tipon-tipon tayong lahat"
"Aba dapat lang. Hindi niyo ba alam na sobra akong naghihinagpis kapag nakikita ko mga pictures niyo?" tumingin ako sa paligid at naalala na hindi pala kami nag-iisa sa kwarto. Thirty at puno ang mga lamesa ng mga customers, iilan sa kanila ang nakatingin sa amin pero ang mga waiter nila—nakatitig sa akin.
"Hinagpis agad?" nanginginig na ang buong katawan niya, nakatakip ang dalawa niyang kamay sa bunganga niya para pigilin ang tawa niya na alam kong napakalakas.
"Well, naiinggit talaga ako. Kasi kayo kasama niyo halos lahat ng mga clasmate natin sa highschool. Hindi kayo nahihirapan sa pag adjust sa college life." patago kong kinurot ang sarili para hindi maging emotional sa mga paghihirap ko sa maarteng university na yun. Dahil andito ako ngayon, kasama si Erin. At makakasama ko rin ang buo naming barkada.
"Aww naman nakakaawa ang Gigi namin. Ikaw kasi, kung nursing nalang ang kinuha mo edi kasama mo pa rin kami."
"Erin, alam mo naman na kahit anong course ang kukunin ko, sa lungsod pa rin ako kukuha ng college." tumango siya sa mga sinabi ko at pareho kaming tumahimik.
"Bukas, punta tayo sa bagong developed park!" nangingislap ang mga mata niya ngayon, "doon tayo matutulog para naman masolo natin ang isa't-isa ng dalawang gabi!"
Nanlumo ako, dalawang gabi lang? Itinago ko ito "anong oras bukas, meron pa bang ibang kailangang dalhin?" syempre magdadala ako ng damit. At kahit hindi nila sabihin, magdadala ako ng pagkain, maraming maraming pagkain.
Nakita ko na minsan ang sinasabi niyang new developed park sa posted pictures nila. Isa itong park na malapit sa gubat, pwedeng matulog doon at mag-camping.
"Magandang umaga kuya Alvin" maluwag na ako nakahinga nang makita ko siya. Tumayo siya mula sa kawayan na upuan nang makalapit na ako sa kanya. Kumalansing yung susi ng sasakyan sa kamay niya. Kasingtangkad kami pero mas matanda siya. Meron na siyang pamilya at dalawang anak. Relative siya galing sa tatay ko.
"Ready ka na?" ngumiti ako sa tanong niya. Kagabi pa ako ready, konti lang ang naitulog ko kagabi. Dahil sa excitement. Nakaramdam din ako ng mga titig, mga titig na ngayon ko lang ulit naramdaman.
BINABASA MO ANG
The Enchantment
ParanormaleHindi ko alam na may nagmamahal na pala sa akin. Inakit niya ako para mahalin ko rin siya. Minahal ko ba siya o naaakit lang ako sa kanya? Paano ko ba masasabi kung alin sa dalawa? Ano ba ang deperensya nito sa isa't-isa? Tuturuan niya ba ako nito...