Nagkakatext kaming dalawa minsan puyatan at umabot sa time na napagusapan namin yang lovelife na yan. Hay nakong tapik na yan. Syempre hindi naiwasan na magtanungan kung meron ng Boyfriend/Girlfriend at hanggang sa nauwi sa manliligaw na siya syempre ako pa Humble ang pegg. Syempre alam ko at alam niyang nagkakapalagayan na kami ng loob kaya sinagot ko na siya..
Syempre masaya naman ang umpisa naming dalawa.
Lumalabas kaming dalawa nanonoud ng sine kakain at yung natural na ginagawa ng nahdedate hahaha kakilig yun ah! Yun yung unang nood ko ng sine na may kasama akong lalaki at boyfriend ko pa ha. Taraaay! :) syempre masaya daming happy memories nung araw na yun ang sarap ulit ulitin.
Hindi lang sa panonoud ng sine madami pa kaming chill na ginawa tambay dito tambay dun yung parang wala nang bukas kung magkasama kami.
Si Renz siya yung tipo nang lalaki na kala mo loko loko pero masarap kasama hindi ka mawawalan ng tawa pagkasama mo siya. Yung lagi kang mapapangiti kapag makikita mo siya. Oo hindi siya gaanong gwapo pero wala sa panlabas anyo nasa loob! :)