Lumipas ang isang bwan nakipaghiwalay ako dahil naulit na namn yung ginawa nya nagkaroon na namn sya ng babae!! :(
At lumipas din ang isang linggo naisip ko na bkt hindi pa ako nagkakaroon ng buwanang dalaw? MAY 13 nag try ako ng PT (Pregnancy Test) hay salamat negative ok lang na maghiwalay kami. Pero lumipas ulit ang isang linggo wala padin. Nag take ulit ako ng PT hala! Shiiit! Positive. Agad agad akong nagpacheck up baka hindi totoo. Pero ang sabi ng doctor 1month pregnan daw ako. Natakot ako at hindi ko alam ang gagawin ko naisip ko na ipalaglag pero ang sabi ng kaibigan ko wag kong gagawin yun. Kausapin ko si renz. Pero yun din ang balak nya. Nakunsensya naman ako kaya inamin ko na sa magulang ko at sinabi na din nya sa magulang nya. Kaya nagkabalikan kaming dalawa para sa magiging anak namin..
Napagusapan ng pamilya namin na magsama kaming dalawa sa bahay nila renz.