Chapter One (Part 2)

27 0 0
                                    

 

                Nagising ako sa sobrang sakit. Mahapdi lahat ng part ng body ko lalo na sa dibdib, ano bang nangyari?

                Si Kuya! Asan si kuya? Gusto kong sumigaw, gusto kong magsalita pero hindi kaya ng katawan ko. Nakita kong may pumasok sa kwarto—si Mommy. Nakita niya akong gising na kaya dali dali siyang lumapit sa’kin.

                “Honey, thank God you’re okay na. How are you baby?”

Alam kong kahit masaya si Mommy na makita akong ligtas, ramdam kong may sakit siyang nararamdaman.

“A-a-as-s-a-n s-si k-ku-y-ya?”

My mom gasps. Then she cries, cry and cry. From that moment, I know that I lost my best friend, my bodyguard, my savior, my one and only person who always think and feel to me that I’m special. Sana… sana… sana kinuha mo na lang din ako. Bakit Mo pa ako binuhay? Dapat kinuha Mo na lang din ako! Gusto kong pumunta kay kuya pero hindi kaya ng katawan ko. Please naman oh, makisama ka, gusto kong makita si kuya!

It took a month bago ako nakalakad, dumaan ako sa maraming therapy—physically and emotionally. Nakakulong lagi ako sa kwarto so, they decided na i-enroll na lang ako sa home study muna. Tatlong buwan bago ako nakarecover sa pain. Tatlong buwan bago ako lumabas ng bahay at nagdecide na pumunta kung san nakalibing si kuya. Dun ko lang kasi natanggap na wala na siya. Doon pa lang kasi nagsisink in sa’kin na wala na siya at dahil sa’kin ‘yun. Doon din kasi nakapagdecide sila Mommy at Daddy na papuntahin ako sa Korea, para maghilom ang sakit na nararamdaman ko.

When I get to Korea, hindi basta basta ‘yung napagdaanan ko.  It took me one year para pumasok ulit sa school at ipagpatuloy ang buhay. Halos dumating sa point na nagdecide akong magpakamatay pero napigilan lang ako ni Tita Annie. Kung dati, medyo tahimik lang ako, ngayon, sobrang tahimik ko lalo na para bang paghinga ko na lang ang nagiging dahilan kung bakit ako buhay.

Dagdagan pa ng halos araw araw na pagsingit nung nakakapagtakang panaginip ko. Wala naman akong maalalang may ganun na nangyari nung bata ako. Ni wala nga akong best friend kaya hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ‘yun.

Grumaduate ako sa isang sikat na school sa Korea bilang pastry Chef. Nakitaan ko ng bagong pag-asa ko ang pagbe-bake. Hindi ko alam kung saan at paanong nagustuhan ko ang pagbe-bake, bigla na lang ito ang nakahiligan kong gawin. Hindi na humadlang ang Mommy at Daddy sa gusto kong gawin sa buhay. Una, si Mommy, alam niya na may pinagdadaanan ako sa buhay. Pangalawa, wala namang pakelam si daddy sa’kin simula pa lang noon lalo na ngayon nang dahil sa’kin nawala ang Oppa.

“Ma’am, ang laki niyo na at ang ganda ganda. Hindi ko akalain na yung dating inaalagaan ko eh, lalaki nang pagkaganda ganda.” Bati sa’kin ni Mang Karding. Simula kasi ng umalis ako sa Vigan, sa Manila na pinatuloy nila Mommy sina mang Karding para maging family driver.

“Naku Mang Karding, kayo talaga hindi pa rin nagbabago, mabola pa rin kayo.”

“ Nagsasabi lang naman ako ng totoo Ma’am.”

“Mang karding, Yassi na lang po. Hindi ho ako sana’y nang tinatawag akong Ma’am.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seeing Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon