First Touch

19.8K 104 20
                                    

(Chapter 1)

*****

Krissy's POV

Maaga pa lang pero napagdesisyunan ko nang matulog. May pasok pa kasi ako kinabukasan at hindi narin ako natutuwa sa mga nangyayari dito sa bahay. Nagkaroon kasi ng munting kasiyahan ang nakatatanda kong kapatid na si Karl at dinala niya ang iilan sa mga barkada niya dito sa bahay.

Bakit nasali ang bagay na yun sa rason kung bakit ako magang natulog? Simple lang, ayaw ko kasing sumali sa pagsasaya nila. Isa na namang, 'Bakit?' ... Una, di ko kasi ka-lebel sila Karl at ang barkada niya. I mean, mas bata ako sa kanila ng dalawang taon at pakiramdam ko'y awkward makipag-halubilo sa kanila. Pangalawa, baka i-ignore lang nila ako, at Pangatlo, ayoko lang. Hindi naman sa anti-social ako, hindi ko lang talaga feel.

Mga ilang oras din ang lumipas nang nakatulog na ako. Bigla akong nagising dahil naramdaman kong tila sasabog na yung pantog ko. Kahit na tinatamad akong tumayo, pinilit ko parin ang sarili ko. Halos matumba pa nga ako habang naglalakad na parang zombie papuntang banyo.

Makalipas lang ang ilang minuto ay natapos rin akong umihi. Pero bago ako lumabas ng banyo ay bigla kong naalala ang isang bagay na kabilin-bilinan ng mga magulang namin; hindi kami dapat magpapasok ng ibang tao sa bahay. Pero dahil nga sa medyo may pagka-rebelde 'tong kuya ko eh, nagdala parin siya. Madalas kasing wala ang mga magulang namin, abala kasi sila sa family business namin.

Ang kadalasang dinadala ni Karl dito sa bahay ay ang barkada niyang ubod ng hot at sexy. Mga barkada niya sa paaralang pinapasukan namin, ang Heatherford High. Kaya nga nahihiya akong makipaghalubilo sa kanila eh. Baka kasi iignore lang nila ako. Nakakahiya yun diba?

Mga ilang sandali lang ay napagdesisyunan ko naring bumalik sa kwarto ko. Nang nasa tapat na ako ng pinto pantungo sa kwartong inilaan lang sa unica hija ng pamilyang 'to, ako, ay pinihit ko pakanan ang door knob, binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Pero bigla akong kinabahan nang mapansin kong may ibang tao sa loob ng kwarto ko, naka-upo ito sa paanan ng kama ko. Sinubukan kong i-adjust ang paningin ko sa madilim kong kwarto hanggang sa maaninag ko kung sino ang taong yun. Si Joseph John Villanueva (pero mas kilala sa tawag o mas tinatawag sa pangalang, Jj / Jay-jay) lang pala. Isa sa mga barkada ni kuya.

Nakasuot siya ng itim na pajama at blue na t-shirt. Fit na fit sa katawan nito ang suot na naging dahilan para bumakat ang perpektong niyang mga muscles na parang sa mga edited pictures lang sa photoshop makikita. Pero yung sa kanya ay totoo, harap-harapan ko na ngang nakikita eh. Hubog na hubog din ang perpekto niyang abs - six-packed abs to be exact.

Ilang sandali lang ay bumalik na ako sa sarili ko mula sa malesyoso kong imahinasyon. Bigla kong na-realize, anong ginagawa niya rito? Oo, alam kong si Jj lang 'to at hindi isang nakakatakot na nilalang na mula sa kawalan na basta-basta nalang papasok sa kwarto mo at kakainin ka. Pero nagtataka lang talaga ako, bakit siya nandito?

"J-Jj? T-teka, a-anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Napagdesisyunan kong itanong sa kanya, kahit na nauutal ako. Sinubukan ko ring humakbang ng pakonti-konti palapit sa kama ko.

Barkada si Jj ng kuya ko pero kahit kailan, di ko pa siya nakaka-usap. Sa palagay ko nga ni hindi pa ako nakikipag-usap sa kahit na sinong estudyante sa Heatherford High School. Pwera-biro! Pero hindi naman ako loner... Hmm, Siguro?

"Hindi kasi ako makatulog." Ilang minuto ang lumipas at sinagot narin niya ang tanong ko. Ang lalim at ang buo ng boses niya. Ang sarap pakinggan. Yung tipong hindi ka magsasawang paulit-ulit na pakinggan siya.

"H-hindi ka makatulog? P-pero bakit nandito ka sa k-kwarto ko? Anong ginagawa mo dito?" Di ko na halos matapos ang mga tanong na lumalabas sa bibig ko. Unti-unti na akog binabalot ng pagtataka at ng takot.

"Ano kasi, gusto ko lang talagang makita ka." Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bandang sikmura ko at napansin kong nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Hindi konalam na pwede ka pala makaramdam ng ganito sa simpleng mga salita lang.

Maya-maya lang ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sakin.

"G-gusto mo akong m-makita? B-bakit a-ako?" Utal-utal na naman ako. Hindi ko alam pero parang may mga maliliit na bagay ang tumatakbo sa loob ng tiyan ko. Hindi ako makapaniwala na isang gwapong nilalang ang magkakainteres sa akin.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Huminto lamang siya nang malapit na kaming magkadikit. Ilang inches nalang namamagitan sa amin. Tapos bigla siyang nagsalita ng mahina na halos parang bulong nalang, pero ang boses niya ay buong-buo parin habang sinasabi niya ang mga kataga na mas lalong nagpataas ng balahibo ko...

"Hindi ka kasi mawala sa isipan ko."

(End of Chapter 1)

A Night Stand Love (ON HOLD/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon