Itatago nalang kita sa pangalang "Prince"
4th year high school tayo nung una tayong nagkakilala dahil siguro sa common friends natin at dahil na rin siguro sa pag like ko ng picture mo sa Instagram na isang aksidente lang naman. Una tinext mo yung ka MU ng bestfriend ko na ka team mo sa basketball tinanong mo kung kilala ba niya ako…
(usapan sa text)
Prince: "Paps kilala mo ba si Sabrina ba yun?"
"Oo pre bestfriend yan ni Issa, bakit paps trip mo?”
Prince: “Oo pre pakilala mo naman ako oh”
“Sige pre txt ko lang si Issa”
Madami akong ginagawa ng hapon na yun sa pag gawa ng projects, inaalagaan ko yung maliit kong pinsan at mga takdang aralin. Bigla akong tinawagan ni Issa sa telepono namin nagulat ako kasi tuwing 8:30 ng gabi kaming dalawa nag uusap sa telepono.
(usapan sa telepono)
Issa: “Sab kilala mob a si Prince?”
Ako naman si isip kung sino si Prince tapos bigla kong natandaan yung nalike ko nga na picture sa Instagram.
“Oo nalike ko ng aksidente yung picture niya sa Instagram, bakit?”
Issa: “Tinext niya si Cho na ilakad siya sayo, ayieeeee kilig na yan!!!”
“Hay Issa tigilan mo nga ako jan wala akong panahon sa ganyan, sige na papaliguan ko pa pinsan ko Babush!”
Dun naputol usapan namin. Pag tapos ko paliguan yung pinsan ko tiningnan ko yung cellphone ko at may nakita akong notification.
3 likes in your Instagram
1 chat in Face Book
3 direct message in you Twitter
Sa gulat ko biglang kumunot ang noo ko kasi nagpapansin ka ng matindi sakin at ayaw ko ng ganun kaya para tumigil ka sumagot ako sa “Direct message” mo sa Twitter ko. Pakilala jan, tanong dito tanong jan landi ka jan ng onti ako si marte at pakipot kasi ayaw ko ng mga ganyan kasi masyado pa akong di maka move on sa huli kong minahal na tumagal kami ng dalawang taon at dahil lang sa "Long Distance Relationship" o "LDR" nag give up ako. Oo ako ang nakipag hiwalay pero ako yung di pa masyadong maka move on at nasasakatan at siya yung unang naka move on sa aming dalawa at naka hanap siya ng babaeng mamahalin at nan jan lagi para sakanya.
At mabalik naman sa kwentong ito, jan tayo nag umpisa na magka txt buong araw at walang tigil kahit merong klase, kahit maubusan na nga ng battery ang mga cellphone natin nakaka tawa lang eh meron na tayong mga baon na charger sa bag.
*Ilang buwan na ang nakakaraan*
Ang ganda at ang ayos na ng relasyon natin sabi nga nila Perfect relationship tayo kasi kahit magkaiba tayo ng school nagagawa nating magkita lagi at parang mag tropa tayo kasi naglolokohan, asaran, barahan at tawanan. Pero dumating ang isang araw na di ko inaasahan at di ko inisip na mang yayari sa atin...
Nagkita tayo ng hapon mga alas dos yun ng hapon sa isang mall dahil gusto kita makita bago ka pumunta ng school mo at ayusan ka kasi meron kang ramp na isa sa requirements niyo para maka graduate at isa ka sa mga models ng gabing yun. Ayos pa tayo nun eh pero napansin ko ng palalim na ng palalim yung gabi naging paiksi na ng paiksi ang mga reply mo sakin at nag tataka na ako nun kaya naman sabi ko "SIge itext mo nalang ako pagtapos ng ramp mo ah" sagot naman niya "okay okay" Bigla ko ng tinawagan si Issa at sabi ko "Kinakabahan ako na ewan na parang merong mangyayari" sagot naman ni Issa "Hindi yan masyadong marami lang siyang ginagawa wala yan." pagtapos namin mag usap binaba ko na ang telepono at inaliw nalang ang sarili ko sa ibang gawain.
Makalipas ang tatlong (3) oras di pa rin siya nag ttext sakin binuksan ko ang twitter ko para magtingin tingin at nagulat ako yung kaklase niya na kaibigan ko nag tweet na nakauwi na at naging matagumpay ang event na ginawa nila. Nag umpisa na akong kabahan sabi ko kay Issa na kung pwede itext niya ang mga kaibigan niya dun kung alam nila kung nasaan si Prince pero walang nakaka alam. Ako nakailan ng tawag at txt pero wala paring sumasagot natulog na ako nun pag tapos nun nagising ako ng mga ala una (1) ng madaling araw at wala paring ni isang txt kaya bumalik ako sa tulog nung nagising ako ng 5 ng madaling araw merong txt... at dun parang gumuho ang mundo ko... umamin siyang nag bar siya at merong nangyari sakanya at ng isang ka schoolmate niya...
Di ko alam kung pano ako nakapag lakad ng maayos papunta sa bahay ni Issa kasi naglulumo ako sa kakaiyak na wala akong tamang tulog na sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita ko siya na magkasama at biglang nakikita ko yung nangyari at magigising ako at iiyak ng muli, yun lang ang ginawa ko sa buong weekend na yun at tatlo lang sa mga kaibigan ko ang sinabihan kasi ayaw kong malaman nila sa iba ako na mismo.
Pagdating ng Lunes nag suot ako ng pekeng ngiti at humarap sakanilang lahat at inamin ang nangyari, lahat sila gulat na gulat alam ko gusto nila sabihin sakin na "Ayan na nga ba sinasabi namin eh" "Di ka kasi nakinig samin" pero alam ko sa sarili ko na magiging maayos ang lahat.
Lahat sila gumawa ng paraan para makalimutan ko yung problema merong papakainin nila ako, mag sswimming kami, tatambay sa isang bahay at magkukulitan. Nagawa kong maging maayos... kahit sa loob sobrang sakit at parang pinapatay na ako.