III huli

59 2 0
                                        

Pitong taon ang naka lipas (7 years later)

PRINCE POV

Pitong taon na ang nakalilipas, iniwan ako ng pinaka mamahal kong babae di ko manlang siya pinag laban. Akala ko hahabulin mo ako, akala ko mawawala rin tong sakit na nararamdaman ko isang malaking akala lang pala iyon. Nang babae ako, nagpaka malandi at kung sino-sinong babae ang pinaglaruan ko pero ikaw pa din pala.  

Huling balita ko sayo, pagkatapos mong kumuha ng bar exam nag abroad ka na. Sabi nila moved on ka na, ako din. Akala ko lang pala.

Isang araw nakita kita sa may Alabang Town Center, naka uwi ka na pala. Grabe ibang iba ka na ang babaeng boyish, haggard, naka glasses at chubby. Ngayon ibang iba na wala ka ng glasses, tama na yung katawan mo di sobrang payat, naka dress ka na di na laging naka pantalon at di ka na haggard marunong ka na mag lagay ng make up pero natural lang tingnan sa mukha mo ang ganda ganda mo di ako maka paniwala. Lalapitan na sana kita para kamustahin pero bago pa ako maka lapit sayo may lalaking lumapit sayo at hinalikan ka. Bigla ako naka ramdam ng sakit sa dibdib, na kung pano mo siya titigan sa mata ganun na ganun mo ako titigan dati.

Tinignan lang kita mula sa malayo. Ang saya saya niyo tignan, napa isip tuloy ako kung di ako nag loko at inaayos ko tayong dalawa siguro ganyan na ganyan tayo, masaya at mahal na mahal ang isa't  isa. Akala ko naka move on na ako, pero nung nakita kita, ang sakit.  Ang sakit na makita na yung taong nagmahal sayo ngayon masaya na sa piling ng iba. Yung ngiti niyang para sakin lang, para sa ibang lalaki na. Yung mga ginagawa mo para sakin noon, para sakanya na. Yung babaeng mahal na mahal ako, pinakawalan ko pa.

Nagsisi ako sa lahat ng nangyari. Patawarin mo ako, I'm sorry. Mahal na mahal pa din kita bb ko.

Mga lalaki, don't take your woman for granted. Alagaan niyo siya, iparamdam niyo na siya lang ang babaeng mamahalin at pinaka importanteng babae sa buong mundo. Dahil pwedeng dumating ang panahon na "MAPAPAGOD DIN SIYA." 

Mapapagod din siya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon