**HQ **
"sigurado kana ba dito Yoriko delekado ang gagawin mo,diba't nagpakilala ka sa Gobyerno mapapahamak ka lamang , si Kare nalang ang ipadala Yoriko"
"Alam ko pero mas delekado para kay Yorina , at tiyak kung si Kare ipapadala ko mahihirapan din siya " sagot ni Yoriko kay Hakura
"Atleast kay Kare wala masyadong nakakakilala , Yoriko alam naman namin na mahal mo siya pero mas maiipahamak mo siya kung ikaw ang papasok dun" sabi ni Karuso
"Ako nalang Yoriko hindi ko hahayaan na malaman ng gobyerno na makilala siya"sabi naman ni Kare
"Hayss sige na nga ,basta lagi mo akong babalitaan"Yoriko
"oo wag ka mag-alala"Kare
At naghanda na nga si Kare sa pagpunta sa LU
**LU**
Nasa classroom na si Yorina ,nakaupo lang siya at nagiisip, paano kaya kung tinanggap ko ang kamay ni Yoriko ano kaya ang mangyayari, ngayon kalat na sa buong lugar ang nangyaring labanan sa pagitan ng Undertakers at Gobyerno..
"okay class meron tayong bagong istudyante" sabi ng kanilang guro
"wow babae oh ang ganda niya" sabi ng mga kaklase niya
"welcome to LU Kare Suo" sabi ng guro nila
Napatayo nalang si Yorina " Impossible " sabi niya
"totoo ito" sabi naman ni Kare
Dinadaldal si Kare ng mga kaklase nila kaya naman parang aligaga si Yorina dahil gusto niya alamin kung bakit nandito si Kare , napansin yun ni Yoni kaya naman lumapit ito sa tumpukan at sinabi na tigilan na muna si Kare tutal naman ay magkakasama sila buong taon.
Natapos ang klase , nakasakay na si Yorina sa train pauwi , naguguluhan na talaga siya hindi ba't tinanggihan niya ang alok ni Yoriko bakit nandito si Kare, nakarating na siya sa apartment nila ng Mama niya , nakatayo siya dito at nag-iisip padin ng bigla nalang may nag-enter at nabuksan ang pinto.at nakita niya si Kare
''teka lang Kare anong ginagawa mo dito at ano itong mga kahon na ito"tanong niya kay Kare
"Fin do it for me, Utos ito ni Yoriko"sagot ni Kare
Magsasalita pa sana siya ng may magdoorbell at ng buksan niya ito ay nakita niya si Yoni
"oh Yoni napadaan ka??' tanong nito sa babae
"Napansin ko kasi na parang may problema ka idinaan ko lang ito para gumaan ang pakiramdam mo" sabi nito at may iniabot na tape
Bigla namang lumabas si Kare dala-dali si Fin
" suumunod ka sa akin Yorina may dumating na Mensahe"sabi nito at kahit hindi man niya alam ay sumunod na din siya , nauuna si Kare sa kanya
"kaibigan mo ba siya Yorina??' tanong nito sa kanya
"huh hindi ko rin alam hindi naman kasi ako pala imik sa ibang tao ,ikaw may kaibigan kaba??" tanong niya kay kare
" Sina Yoriko ang mga kaibigan ko at ang ibang myembro ng grupo"sagot nito sa kanya at nakarating nadin sila sa sinasabing lugar ni Kare
Nakita niya si Yoriko bigla nalang bumilis ang tibok ng puso niya ngayon lang niya naramdaman ang ganung pakiramdam,,at naisip niya na gwapo pala talaga si Yoriko
"bakit pumasok si Kare sa LU anong nangyayari?? At tyaka hindi ba ito delekado baka makita ka nila hindi ba't kilala ka ng gobyerno mapapahamak ka sa ginagawa mo Yoriko" tanong niya kay Yoriko at sermon pa nito