CHAPTER 5: A PREPARATION/ TEARS/ CONFRONTATION

1 0 0
                                    


*Kinabukasan*

Naghanda na sina Yoriko, Kido at ang ibang pang kasama sa operation ng Undertakers, at ganun din si Yorina para sa training niya , pero bago paman umpisahn ang training ay hinayaan ni Arou na magpaalam muna ito kay Yoriko , nakaalis na sina Yoriko kaya naman nagumpisa nadin sila.

"uumpisahan na natin Yorina , wag ka mag-alala makakauwi ng ligtas si Yoriko nangako siya sayo diba" sabi ni Arou na siyang ikinagaan ng dibdib ng dalaga at ngumiti

"Ngayon ito hawakan mo ito at tumakbo ka kakailangan din yan kahit na may pakpak ka"sabi nito sabay abot ng baril kay Yorina

Kinuha naman ito ni Yorina at nagumpisa ng tumakbo gaya ng sabi ni Arou , habang natakbo si Yorina ay naguusap si Arou at Hakura

"kakaiba siya Arou ang bilis niya" sabi ni Hakura

" madali rin siyang matuto at marunong siya makinig " komento nito at nagsalita na sa mic

"Ang sunod mong pagsubok ay tapang Yorina hindi basta basta ang titolo ng pagiging Undertakers kailangan mong patunayan na karapat-dapat ka na maging Undertakers" sabi nito

"Narinig mo yun diba Yorina tapang ngayon patunayan mo yun saksakin mo ako gamit ang kutsilyong ito" inabot ito kay Yorina at pagkahawak na pagkahawak niya nito ay sinaksak agad niya ito kay Hiroshi , napasinghap ang mga nanunuod dahil ang bilis niyang gumalaw, at nagulat si Yorina ng mawala si Hiroshi at dun niya napagtanto na hologram lamang ang kausap niya kanina

"Arou kakaiba talaga siya" Hakura

"Tama ka"- Arou at umimik ulit

"Hine Ibigay mo kay Yorina ang Baril mo, Yorina gaya ng kanina Tatakbo ka dala dala ang baril ni Hine kaya mo ba??" may panghahamon na sabi nito

" oo naman kakayanin ko" sagot naman ni Yorina

Tumakbo na ulit sa Yorina samantalang ang lahat ay gulat na gulat lamang dahil sobrang bigat noon tanging si Yoriko at Hine lamang ang nakakatakbo dala dala ang baril nayun

"Kakaiba talaga siya ,walang duda na siya ang naghahawak ng Queen Power Hakura" sabi ni Arou kay Hakura

" Kahit ako ay napamangha Arou" sabit ni Hakura

Natapos ang pagsubok na yun at ang kahulihulihan ay ang kakalabanin ni Yorina ang Endlave ni Arou

"Kapag natalo mo ako sa laban na ito at nauna ka sa sasaakyan na yun ay masasabi natin na opisyal kanang myembro ng Undertakers Yorina" sabi naman ni Arou

Nandoon ang lahat ng Undertakers para manood maging ang mga taong nadoon sa Poder ng Undertakers ay manonood din sa huling pagsubok ni Yorina

Nagupisa na sila habang si Yorina ay nakatayo lamang at nag-aantay na sumugod si Arou at ng sumugot ito ay walang pagdadalawang isip na pinagbabaril niya ang Endlave at sinigurado niya na hindi niya matatamaan si Arou at pagkatapos niyang gawin yun ay tumakbo na siya papunta sa Pointer na sinasabi ni Arou.

Natahimik ang lahat at napatingin sa kanya, at nakita niyang lumalabas si Arou sa Kataphrak combat at pumunta sa pwesto niya ganun din ang iba pa

" congratulation Yorina ganap kanang isang Undertakers You deserve to be the Queen" sabi naman ni Arou , nagkakasiyahan sila ng mga oras nayun ng biglang sumulpot sina Kido at Yoriko , nakita nilang ang daming tama ni Yoriko at si Kido ay walang tama ni isa

"anong nangyari Kido ??' tanong ni Hine

"nasalisihan kami ng kalaban pinaputukan nila kami pero itinaboy kami Yoriko at siya lang ang napuruhan ng husto, patawad hindi ko siya natulungan" sabi nito

BOND OF HEARTSWhere stories live. Discover now