Chapter 2Jema
"Ma, Pa, Ate, Mafe." Nakangiting bati ni Jema sakanyang pamilya.
"Congrats anak! Sa wakas tapos kana ng high school at magka-college na din. Ang bilis ng panahon anak." Sabi ng ina nito habang na kayakap sakanya.
Sunod-sunod naman silang yumakap at bumati sakanya. Grumaduate na din si Jema ng high school. Nang matapos ang seremonya ay nagpasya ang mga ito na kumain sa labas upang i-celebrate ang graduation ni Jema. Nagtungo ang pamilya sa isang restaurant upang kumain ng hapunan.
"Pa, dapat sa bahay nalang tayo kumain mapapamahal pa tayo dito pa eh." Wika ni Jema
"Anak, hayaan mo na. Minsan lang naman tayo kumain sa labas eh. Tsaka dba i-cecelebrate natin graduation mo? Kaya wag ka ng umangal jan." Natatawang sabi ng kayang ama.
"Ehhh. Papa naman eh. Iniisip ko lang naman po ung gastos nyo para dito." Jema
"Hay naku pangs! Yaan mo na sila papa. Besides di ba dapat masaya ka dahil graduate kana? Wag ka ng umangal gutom na din kami, di ba bunso?" Ate jovi said
"Haa? Ahh. Oo kanina pa ko nagugutom.tagal tagal ng graduation mo ate eh." Mafe said kaya nakatikim ito ng hampas kay Jema.
"Ikaw puro ka pagkain, lagi kang gutom." Sabi ni Jema sa kapatid.
Sasagot pa sana si Mafe ng sumabat na ang mga magulang nito at niyaya na na maupo. Lumapit ang waiter sa mga ito at sinimulang kinuha ang mga order. As usual si Mafe ang may pinakamaraming inorder. Ilang saglit pa ay dumating na ang pagkain nila at nagsimulang kumain.
"Anak, saan mo nga pala balak mag-aral ng college?" Tanong ng Papa ni Jema habang kumakain.
"Ah pa, ma balak po sana sa Manila mag-aral kung papayag po kayo." wika ni Jema sa mga ito.
"Wala namang problema anak. Hindi naman kami tututol sa gusto mo." Wika naman ng ina ni Jema
Napangiti si Jema sa narinig mula sa ina.
"Anong school?" Tanong ng kanyang ama
"Ateneo De Manila University po pa." wika ni Jema sa ama
"Wow! Sosyal pangs. Di ba un ung sikat na eskwelahan sa Manila? Mayayaman mga nag-aaral dun eh bakit dun mo naisipang pumasok?" Ate jovi said.
Sa totoo lang naisip ko na yung bagay na yun kaya nagdalawang isip din ako ng pumayag sa offer sa akin ng school na un. Noong high school palang kasi ako niligawan na ko ng coaching staff ng ateneo to go for them to play for volleyball. Kasabay nila na nag ooffer sa akin nun ay ang Adamson, Feu at Ust. Hindi sila tumigil at napagod kakapunta sa school namin to offer me a varsity scholarship for me to accept it. At dahil sa dream school ko din un ay pumayag ako at kinuha ang offer nila. Hindi ko pa nun nabanggit kila mama ang bagay na ito kasi di ko alam kung papayag ba sila sa mapapalayo ako sakanila. Nagising ako mula sa pag-iisip ng magsalita si mama..
YOU ARE READING
Born For You
FanfictionIt's a story of two young ladies unexpectedly bumped into each other who were once a stranger and without knowing that their fate will cross at the end and being strangers turn to lovers. Can they really fight for each other when everything turned...