Jema's
Maagang nagising si Jema. Agad itong bumaba para ipagluto ang buong pamilya. Ngayong araw na kasi ang luwas niya sa syudad at gusto nya sana na ipaghanda ang pamilya pero nagulat siya kasi naabutan na niya ang kanyang Ina na abala sa pagluluto sa kanilang muntik kusina. Agad syang lumapit dito at binati ito..
"Good morning nay. Ang aga pa ho, dapat po natutulog pa kayo". aniya sa Ina.
"Naku anak, sinadya ko talagang gumising ng maaga para makapaghanap ng almusal natin syempre ngayon na ang alis mo matagal kang mawawala anak kaya gusto ni nanay na ipagluto ka."naiiyak na sambit ng Ina.
" Hay nanay naman eh!". Lumapit siya dito at niyakap.
" Ako nga po dapat ang nagluluto ngayon kaya lang naunahan nyo ako. Tsaka wag na po kayong malungkot pag may pagkakataon naman po uuwi ako dito tsaka lagi akong tatawag sa inyo." nakangiting sambit ni Jema para pagaanin ang loob ng Ina. Ayaw kasi nyang nalulungot ito.Pagkatapos maghanda ng almusal sakto din ang pagdating ng ama at dalawang kapatid ni Jema. Masayang kumain ang buong pamilya. Nagkkwentuhan pa ang mga ito tungkol sa masasayang ala-ala tulad nalang noong mga bata pa ang mga ito. Ilang sandali pa ay kailangan na ngang gumayak ni Jema.
"Mag-iingat ka dun anak ha? Tawagan mo kami pag nakarating kana." habilin ng Ina
Tumango Lang si Jema at nagyakapan ang buong pamilya.
Sumakay na ito ng bus patungong syudad. Kumaway ito habang papalayo ang sinasakyan."This is it Jema. Bagong mundo, bagong lugar, bagong tirahan, bagong kakilala at makakasama. Kayang-Kaya mo yan! Fighting!!" bulong ni Jema sa sarili.
Ilang sandali pa ay huminto na ang sinasakyan bus nagising si Jema dahil sa sigaw ng konduktor. Pagmulat ni Jema nasa terminal na sila at nagsisibabaan na ang mga ibang pasahero. Nag-ayos na si Jema at binitbit ang mga bagahe saka bumaba. Makikita mo sa mukha ni Jema na mayroong kunting kaba at takot, hindi kasi maganda ang mga naririnig nito tungkol sa Maynila, alam ni Jema na maraming pwedeng mangyari sakanya dito kaya doble ingat sya sa mga bagahe nito lalo na sa kanyang sarili. Inikot pa ni Jema ang mga mata sa paligid. Namamangha siya sa mga ilang matataas na gusali na natatanaw mula sa kinatatayuan, napadpad ang kanyang mga mata sa mga sasakyan na nagkukumpulan, mausok at maingay, mga taong nagsisiksikan, ang iba ay nagmamadali sa paglalakad at halos tumatakbo na, maraming nagtitinda sa paligid ng kalsada, may mga namamalimos. Naglalakad siya papunta sa bukanang bahagi ng terminal ng maagaw ng isang eksena ang kanyang pansin, may tumatakbong bata na pakiwari niya ay nasa elementary pa lamang, ngunit napakunot ang kanyang noo sa nakikita, ang tumatakbong bata ay hindi katulad ng normal na bata sa probinsya, madungis ito, punit punit ang damit, walang sapin sa paa, at puro grasa ang mukha pati sa ibang bahagi ng katawan, napansin din nya na may bitbit itong maliit na bag habang tumatakbo, nakita din niya na may mga humahabol dito, mga tanod, pulis at ilang pang ordinaryong tao, naisip ni Jema na baka isa ito sa mga nalaman niya tungkol sa lugar. Napahawak siya ng mahigit sa mga bagahe niya. Pumunta sa gilid at napabuntong hininga.
"Okay Jema! Nandito kana nga talaga sa Maynila!"bulong niya sa sarili. Nagulat si Jema na may humawak sa kanyang braso mula sa likod, bigla syang kinabahan, pero nawala agad ito ng makita kung sino ang taong iyon, ang kanyang tita. Ito ang sundo niya at maghahatid sakanya sa apartment kung saan siya titira."Oh Iha! Bakit pinagpapawisan ka? Ganun ba kainit dito?" natatawang sambit ng kanyang tita.
YOU ARE READING
Born For You
FanfictionIt's a story of two young ladies unexpectedly bumped into each other who were once a stranger and without knowing that their fate will cross at the end and being strangers turn to lovers. Can they really fight for each other when everything turned...