Jema's
Alarm clock ringing ⏰ 5am.
Bumangon ako agad para maghanda. Niligpit ko na ang higaan ko at saka nag toothbrush pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina para magluto ng aking almusal. Usual breakfast lang, sinangag na may pritong itlog and hotdog. Di na ako makakain ng mabuti feeling ko kasi umiikot ung sikmura ko, kinakabahan kasi ako. Ngayon kasi ang schedule ng punta ko sa University kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Hindi ko pa ito nakikita at napupuntahan ng personal. As in ngayon palang. Pagkatapos kong mag almusal ay naligo na ako agad. Alam kung sobrang aga pa pero kasi hahanapin ko pa ito. At baka ma traffic din ako. I anticipate ko na ang oras ko atleast mas maaga mas maganda tsaka baka maligaw din ako hehe.
"From Del Monte Ave. ride a jeep going to Recto then take LRT-2 going to Santolan and drop off to Katipunan."
Gumamit na ako ng G-Map para siguradong hindi ako maliligaw. Hehehe. Ang layo pala talaga ng apartment ko sa university. Pero di bale nalang lilipat nalang ako kapag ka nag simula na ang school year.
Nasa jeep na ako patungong Recto Ave. Iniikot ko ang nga mata ko sa paligid. Sobrang daming sasakyan, minsan nattraffic din kami. Marami rin tao sa kalsada, I mean mga taong nakatira na sa kalsada. "RT na to Jema, nasa syudad kana nga talaga." Naka-facemask na din ako kasi halos puro usok na ng sasakyan ang nalalanghap ko baka di pa ko nagtatagal dito e magkasakit na ako hehe.Feeling ko ang tagal ko ng nasa jeep parang ang layo naman ng Recto na'to. Mas kinabahan ako kasi baka lumagpas na ako sa dapat na bababaan ko, ni-remind ko pa naman si manong driver kanina na ibaba nalang ako kasi hindi ko pa un alam kaya kampante na ako baka mamaya nakalimutan din ni manong. Nagmamasid pa ko sa paligid, nababasa sa mga signages na nasa labas. Magtatanong na sana ako kay manong kung nasaan na kami ng biglang may pumara at sabay sigaw ni manong ng "Recto na". Haaaaaaayyyyyy! Napabuntong hininga ako. Akala ko talaga kung nasaan na ako. Bumaba na ako pero nagulat ako ng may biglang bumusina sa harap ko. Shit! Muntik na akong nahagip ng isa pang jeep, gumilid ako agad. Hindi ko alam na mabilisan dapat lahat ng galawan dito pati na sa kalye. May nakita akong fast food sa gilid pumasok ako akala siguro ni Kuya guard kakain ako dito hehe itatanong ko Lang naman sakanya kung saan ang LRT-2 hehe. Sa kabila pala kaya ito ako ngayon biglang namutla, tatawid kasi ako sa mismong dinadaanan ng mga sasakyan. Dagdag mo pa sa kaba ko ung nangyari kanina pagkababa ko sa jeep. Naghanap ako ng mga tao na tatawid din, makikisabay nalang ako. Mabuti nalang at meron so ayun nagtago ako sakanila para safe ako.
Nandito na ako sa LRT, inaantay na ung tren patungong Santolan. Dami din palang sumasakay dito. Halos mapuno na kasi ung station eh. Ilang saglit pa ay dumating na din ang tren. Nagsisiksikan agad ang mga tao, pati ba naman dito mabilisan din? O sadyang nagmamadali lang sila? Ang ending dahil sa kabagalan kong kumilos ayun standing ako. Good thing naman dito kasi aircon sya, kaya kahit siksikan hindi mainit. Tsaka may train map sa loob, may mga pinapalabas din na ads sa TV screens nila tapos kada station inaannounce nila so abangan ko nalang ung bababaan ko. Ilang saglit pa ay nasa Katipunan Station na ako. Shit! Legit na to? Ang dilim ng station na'to. Sinusundan ko lang ung mga tao, para kaming nasa movie scene sa tunnel. Ilang sandali pa eh lumiwag na ang paligid malapit na pala kami sa labasan , kaya naman pala madilim tunnel pala talaga ung station na'to. Nagtanong na ako sa guard bago pa man ako lumabas kung saan dito ang ateneo, at ito ako nasa gate na ng dream school ko.
YOU ARE READING
Born For You
FanfictionIt's a story of two young ladies unexpectedly bumped into each other who were once a stranger and without knowing that their fate will cross at the end and being strangers turn to lovers. Can they really fight for each other when everything turned...