CHAPTER 11: JEALOUS

409 8 0
                                    

AYINE's POV

Dugdug.Dugdug

"T-Trix" tawag ko ng bigla siyang inuluwa ng pinto ng palabas na sana ako..bigla akong kinabahan ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba

"Uy Maxine! ano yan?" sambit niya at kinuha sakin yung box agad naman siyang napatingin sakin kaya agad akong kinabahan dahil akala ko magagalit siya

"Wahh favorite ko to sakto wala kaming klase tara sa canteen" sambit niya nakahinga naman ako ng maluwag kaya pala nandito siya wala siyang klase..Nang makarating kami ng canteen ay agad niya yung kinain syempre kumain din ako kanina pako gutom eh

"Kanina ka pa hinahanap ni Kaizer may nakapagsabi naman sakin na nandoon ka sa locker room mo kaya pinuntahan na kita" sambit niya sabay subo ng cupcakes bigla naman akong nasamid kaya agad akong uminom ng tubig buti hindi niya nahalata

T-Teka si K-Kaizer? oo nga pala magkaklase sila ni Trix! hayst buti nalag hindi niya ako nahanap kung hindi lagot na mukhang kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya to---

"Uy Pororo! ikaw ahh kaya pala kanina mo pa hinahanap si Maxine dahil dito ang damot mo talaga ah sinadya mo talagang hindi ako isama"

Dugdug.Dugdug

"T-Trix hi-hindi----

"Huh? ano yan? hindi ako may bigay niyan kaya ko siya hinahanap kasi aayain ko siyang kumain dito" putol sakin ni Kaizer guyss pinagpapawisan ako sobra ang lakas ng kabog ng puso ko lalo na nung sabay silang napatingin sakin..hindi ko alam kung anong gagawin ko

"Uy saan to galing? akala ko kay Kaizer" tanong sakin ni Trix napatingin naman ako kay Kaizer na nakatingin lang din sakin pero walang expression yung mukha niya ang cold niya tingnan kaya napalunok ako

"Ahh Trix usap lang kami" sambit ko at hinila si Kaizer palabas ng canteen habang naiwan namang takang-taka doon si Trix nakakainis naman eh inuunahan niya kasi ako ehh hindi ko tuloy alam kung paano to ipapaliwanay sa kaniya

* * * *

"Y-yung c-cupcakes----

"Kanino galing?" putol niya sakin ramdam ko yung pagkacold niya kaya natatakot ako kung sasabihin ko ba o mag-iisip ako ng palusot dito kay Kaizer ayokong mag-away kami

"H-Hindi ko alam" nakatungong sagot ko hindi ako makatingin sa kaniya ewan ko pero nagi-guilt ako sa hindi pagsabi sa kaniya nito alam kong magseselos siya dito

"Paanong hindi mo alam?" tanong niya pa bakit ang cold niya? Hindi ako nagsalita nanatili lang akong nakayuko ayokong masalita ng ganian siya ayokong mag-away kami

"Ano yun bigla nalang lumitaw sa harap mo?" sambit niya pa kaya lalo akong napayuko gusto kong tumingala para mapigilan yung luha ko pero hindi ko maiangat yung ulo ko

"Hindi ba alam niyang nagbibigay sayo na may boyfriend ka? o hindi mo sinasabi?" dagdag niya pa at doon nagsimula ng tumulo yung luha ko ang sakit ng sinabi niya parang ang dating sakin nun hinahayaan kong landiin kung sino man nagbigay na yun eh hindi ko naman alam kung sino paano ko masasabing may bf ako?!

"Siguro hindi lang yan yung unang beses na bigyan ka nayan tapos hindi mo man lang sinabi sakin sino ba yun? mas gwapo ba yun sakin? mas sweet---

PAK!

Nasampal ko siya sa sunod-sunod niyang tanong hindi ko na kaya tumahimik na nga ako para hindi kami mag-away kung anu-ano naman yung sinasabi niya sana tumahimik nalang din siya para hindi na umabot sa ganito!

"Alam mo na ba lahat? lahat-lahat ng nangyari?! hindi pa diba? hindi pa nga ako nag-eexplain kung anu-ano na yang sinasabi mo Kai! Nakakainis ka!" sigaw ko sa kaniya dahilan para mapatigil siya at lumapit sakin umatras ako..ang sakit para sakin ng sinabi niya ni hindi man lang niya pinag-isipan kung ano yung lalabas sa bigbig niya

"I-Im s-sorry Ayine Im s-sorry" sambit niya pinunasan ko yung luha ko buti nalang nasa likod kami ng canteen at walang nakakakita samin dito

"I-Im sorry Im just feel jealous Im sorry" sambit niya pa sabay yakap sakin

Dugdug.Dugdug

"Im sorry Im really sorry" bulong niya pa habang pinupunasan yung luha ko para tuloy akong batang naagawan ng lollipop siya kasi eh! nakakainis

Ngumiti ako kahit masakit sakin yung sinabi niya ok lang ayokong lumaki yung away namin dahil lang sa cupcakes na yan saka nakailang sorry naman na siya at naiintindihan ko nagselos lang siya kaya niya nasabi yun..

Muli niya akong niyakap sabay halik sa noo ko kaya napangiti ako ok na kami kapag ganito siya kaya wala na akong problema ganun talaga tayong mga babae noh? kahit ang nasaktan tayo kaunting lambing lang ok na marupok eh!

* * * *

"Uy bessy sorry ah dahil sakin nag-away kayo" salubong sakin ni Trix saka ako niyakap halatang nag-alala siya samin pero ok lang nagkaayos naman kami

"Ok lang Trix ok naman na kami" sagot ko at tiningnan si Kaizer na nakatingin din sakin

"Kanino ba kasi galing yan hindi ba niya alam na may boyfriend ka na?" tanong niya napabuntong-hininga naman ako bago sumagot

"Hindi ko alam may nag-abot lang niyan sakin sabi may nagpapabigay daw" sagot ko hindi ko na sinabi yung mga nakaraan ok naman na kami hindi na nila kailangang malaman yun

"Secret Admirer ganun..ay naku Poror kabahan kana" sambit ni Trix tiningnan ko naman siya ng masama kakabati lang namin Trix wag mo ng guluhin hirap-hirap umacting eh--charot totoo po yun guys.

"I trust her Trix" ngingisi-ngising sagot ni Kaizer kaya nakahinga ako ng maluwag he trust me kaya hinding-hindi ko yun sisirain ano mang mangyari...

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon