Chapter 2

6.4K 154 6
                                    

Chapter 2

Jema Point of View

Nagpaalam ako kay Deanna na lalapitan muna sila Cy na kasalukuyan kausap si Bea at Mafe.

"Hi guys."

"Madam!" Niyakap ako ni Cy at ganun din si Mafe.

"Welcome back, Jema." Bea said while smiling.

"Kamusta kayo?" Tanong ko at naupo sa couch, tabi ni Bea.

"Maayos naman."

"Ate kamusta honeymoon niyo?" Ngiting asong tanong ni Mafe.

Pinanlakihan ko ng mata ito. "Ikaw bata ka!"

"Bakit? Diba nagpunta kayo dun para mag-honeymoon?" She asked.

"Oo nga mareng Jema." Cy said.

"Jem hindi na bata ang kapatid mo." Bea said and laughed.

"Oo nga ate, hindi na ko bata." Mafe said.

"Cge, hindi na kita bibigyan ng allowance."

"De joke lang." Sabay peace niya.

Maya't-maya nilapitan kami ni Deanna. "Hi lodicakes, hi Mafe." Umupo ito sa tabi ko at hinapit ang aking baywang.

"Hi lodi."

"Sweet."

May binulong ito kay Bea kaya kumunot ang noo ko. "Love dito ka muna, may pupuntahan lang kami ni ate Bea."

"Saan?"

"Kay Jho, pupuntahan namin siya ni Deanna. Saglit lang naman, Jema." Bea said.

Tumango naman ako. Hinalikan muna ako ni Deanna sa noo bago sila umalis dalawa. Nagpaalam ako kila Cy at tinungo ko ang ibang teammates ko.

"Nandito ka pala, Tots."

"Hi Jem." Bumeso ito sakin.

Hinila ako ni Celine paupo. "Kamusta naman honeymoon niyo?"

"Bakit ba lahat kayo yan ang unang tinatanong?" Kunot noong tanong ko.

"Excited kami malaman kung anong nangyari eh." Sabi ni Tots kaya binatukan ito ni Celine.

"Bakit nga pala nandito ka, Tots?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Aba syempre, kaibigan mo kaya ako. Tsaka pumirma na ko ng contract sa inyo, creamline na din ako!"

"Wow. Congrats, welcome to the team." I said and nakipag-shake hands sa kanya.

Aliw na aliw ako habang nakikipagkwentuhan sa kanila, bigla tuloy nawala sa isipan ko si Deanna.










Deanna Point of View

Tumungo kami ni ate Bea sa trinoma kung saan sila magkikita ni ate Jho. "Bakit ba kasi sinama mo pa ko ate?"

"Syempre kailangan kita, baka magselos na naman yung Nico na yun."

"Sigurado ka ba talaga na sinasaktan niya si ate Jho?"

"Kaya nga kakausapin natin si Jho eh."

Nang makarating kami sa resto nakita namin agad si ate Jho, nasa pinakadulo nakaupo at sa wall glass nakatitig.

"Ate Jho."

"Jho."

Napatingin ito samin. "Deans, Bea." Niyakap niya agad kami. Napansin kong may pasa ito kaya hinawakan ko ito. "Ouch!"

"What's that?"

"Deans mamaya na." Sabi ni ate Bea.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila hanggang sa umepal na ko. "Ate Jho, bakit pumapayag ka?"

"No choice ako, Deans. Kapag inaataki siya ng selos niya, sinasaktan niya ako. He tried to rape me but lumaban ako."

"What? Jho kailangan natin siya kasuhan."

"Wag, Bea. Ayoko mapahamak ang mga kamag-anak ko."

I stood up. "Akala ko mapagkakatiwalaan siya, hindi pala." Umalis ako, iniwan ko silang dalawa.

Hindi ko alam na ganun na pala ang buhay ni ate Jho, napakasakit para sakin lalo na't tinuring kong parang third sister si ate Jho. Magbabayad si Nico sa ginawa niya, hindi ko hahayaan na ganunin niya lang si ate Jho.

"Love, bakit ngayon ka lang?" Jema asked me.

Hindi ko siya sinagot, nilagpasan ko siya. Pinuntahan ko si Ponggay na kasalukuyan kausap si ate Mads.

"Pongs, Ate Maddie." Kinwento ko ang nangyari kay ate Jho, alam ko kasing isa sila sa mga makakatulong sakin para magbayad ang Nico na yun.

"Kawawa naman pala si Jho." Ate Mads said.

"Puntahan ko muna sila." Paalam ni Pongs at umalis.

"Ate Mads kausapin mo si ate Bea, hindi pwedeng hayaan natin si ate Jho."

"Alam ko pero ngayon kailangan mo muna ibigay sa asawa mo ang atensyon mo." She said.

Lumingon ako sa aking likod, hindi ko nakita si Jema. Lumapit ako kila ate Ly. "Ate Ly, nakita mo si Jema?"

"Huh? Lumabas na kanina kasama si Cy at Mafe, hindi mo kasi pinansin."

Ay napansin pala nila.

Napakamot naman ako sa aking ulo. "Ate Ly uuwi na ako."

"Cge, ingat."









Jema Point of View

Nandito ako ngayon sa bahay nila Cy, kasama si Mafe. Nandito din si Kring at Doricel. "Uy girl nakita ko si Deanna kanina kasama si Bea." Dori said.

"Oo nga umalis sila. Ang tagal bago bumalik, nakakainis."

"Nagpaalam naman sayo ate." Mafe said.

"Jusmiyo, bumalik nga tapos hindi ako pinansin."

"Baka naman hindi sinasadya or baka hindi ka napansin." Kring said.

"Bahala siya. Teka akala ko ba mag-iinuman tayo?"

"Kaya nga, tagal ni kuya Cy eh." Kring said.

"Uy Mafe, isang bote ka lang. Mababa tolerance mo sa alak, mamaya pahirapan mo pa kami sayo."

"Duh! Baka ako pa pahirapan niyo." Mafe said.

Maya't-maya dumating na si Cy, may dalang alak at pulutan. Puno nang kasiyahan ang kwentuhan namin kaya hindi ko na namalayan ang oras.








Deanna Point of View

Umuwi ako ng condo wala akong naabutan na Jema. Where is she? Hay! Mukhang nagtampo talaga siya.

Hindi ko naman sinasadya eh, sigurado napahiya siya sa mga kaibigan namin.

Nine o clock tumawag sakin si Cy at sinabi na sunduin ko daw si Jema sa kanila. "Nangyari Cy?"

"Lasing na lasing silang apat, yung tatlo dito matutulog."

Tinulungan ako ni Cy isakay si Jema sa sasakyan. "Salamat Cy." Sumakay na ko sa kotse at pinaandar pauwi.

Nang makarating kami sa condo, pinaupo ko agad si Jema doon. "D-Deanna."

"Ang bigat mo love."

Dumilat ito. "Shiraulo ka!" Namumula ang mata nito.

Kumuha ako ng tubig sa kitchen. "Uminom ka." Nilapag ko sa center table ang baso na naglalaman ng tubig.

"Ayoko. Hug mo ko."

"Inumin mo muna 'to bago kita i-hug."

Pumikit ito at hinila ako kaya sumubsob ang mukha ko sa leeg niya. "Shiraulo ka, hindi mo ko pinanshin."

I laughed. Ang cute ng voice niya. "Sorry na."

"Yoko sa shorry mo."

Tinawanan ko ito at binuhat para dalin sa kwarto. Pagkalapag ko sa kanya sa kama, pumikit agad ito. Kinumutan ko ito atsaka lumabas ng kwarto.



END OF CHAPTER

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS CHAPTER



New Life With My Wife || #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon