Chapter 5

5.8K 149 3
                                    

Chapter 5

Jema Point of View

Kasama ko ngayon si Deanna papunta sa car shop ni Luigi. Bibili ako ng kotse tutal may ipon na ko, sapat na'to para makabili ako tsaka hulugan naman.

Nung una ayaw ni Deanna na bumili ako dahil marami naman daw siyang kotse kaso mapilit ako kaya wala siyang nagawa.

Ayaw ko naman kasi iasa sa kanya lahat, kanya na ngang pera lahat ng ginastos para sa wedding eh, tapos yung bahay pa.

"Hi Deans. Hi Jema." Bumeso samin si Luigi. "Welcome to my shop."

"Maka-welcome ka parang hindi akin 'to dati." Deanna said kaya natawa si Luigi.

"Akin na'to. Remember?" Luigi said.

Namili kami ng kotse sa loob, ang gaganda. "Love ito oh." Sabay turo nito sa isang sports car.

Siraulo. Akala niya ata mayaman ako katulad niya. Tsk! "Tumahimik ka dyan."

"Yes madam."

Nang makapili ako ay nagbigay na ko ng down payment at pumirma sa kontrata.

"Ipapahatid ko nalang 'tong kotse mo Jema sa bahay ninyo." Luigi said.

I nodded. Hinatid na ko ni Deanna sa aming training habang siya ay pumasok na rin.

Nang matapos ang training nag-decide ako bisitahin si Mafe sa dorm nila.

"Kamusta ka naman?"

"Maayos naman ate."

Biglang dumating si Donna. "Hi ate Jema." Bumeso siya sakin, ako naman ay ngumiti lang. "Hi babe, pangit mo pa rin."

Natawa ako sa sinabi ni Donna kaya napasimangot si Mafe. "Pumasok ka na nga dun." Sabay tulak nito kay Donna.

"Wait lang. Nag-merienda na ba kayo?" Umiling naman ang dalawa. "Tara kain tayo sa shakey's, my treat."

Sumakay kami ng tricycle at tumungo sa SM manila. "Sarap."

"Ang taba muna, Mafe."

"Ganun?" Tumingin ito sa girlfriend niya. "Mas mataba kaya sakin si Donna."

"I mean hindi ka na katulad dati. Dati sobrang payat mo eh, mukhang hindi ka pinapakain dati."

"Buti pa si ate Deanna kahit malakas kumain, hindi pa rin tumataba." Donna said.

"Kapag umaga nasa gym room ng bahay namin yun eh."

"Oo nga pala ate, maganda ba bahay niyo?" Mafe asked.

Ni isa kasi wala pang nakakapunta roon o nakakapasok, tanging kaming dalawa pa lang ni Deanna.

"Oo, sobrang laki. Hindi ko nga alam kung bakit ganun ang binili ni Deanna, eh dalawa lang naman kami titira doon."

"Ganyan po talaga kapag mayaman." Donna said.

Nang matapos kami kumain ay hinatid ko na ang dalawa sa dorm at ako naman ay umuwi na.

Pagkarating ko sa bahay sakto dumating din ang lalaking naghatid sa sasakyan.

"Maraming salamat."

Pinapirma ko nito at umalis na. Pagpasok ko sa bahay tumungo agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit.

"JEMA! LOVE! WIFE!"

Nandyan na si Deanna. Chinarge ko ang aking phone saka bumaba. "Love!" I hugged her.

"Akala ko wala ka pa."

"Kararating ko lang din. Kumain ka na?"

"Tapos na, kasama ko sila ate Mads at ate Bea." She sat down on the couch.

"Cge ako na lang ang kakain."

Tumungo ako sa kitchen para mag-saing at magluto ng ulam. Habang nagpri-prito ako ng hotdog naramdaman kong may pumulupot sa baywang ko na kamay.

"Bakit yan ang ulam mo?"

"Tinatamad na ko magluto nang iba."

"Gusto mo ako ang magluto?" She asked and kissed my neck.

"No, magpahinga ka muna."

"Bukas alis tayo."

"Saan punta?" I asked while cooking.

"Bulacan, may meeting ako sa isang resort."

"Ikaw na lang, maboboring lang ako."

"Pwede ka mag swimming kung gusto mo." She said.

Pinatay ko ang stove at humarap sa kanya. "Ikaw na lang, pupunta ako bukas sa adamson."

"Day off mo bukas, diba?"

I nodded. "Yeah but may training ang adamson, so makiki-training ako sa kanila."

"Mahal na mahal mo talaga mga babies mo."

"Palibhasa hindi ka kasi tumutulong sa mga dati mong teammate."

"Kaya naman nila yun. Isa pa hindi ako magaling, wala akong maitutulong sa kanila." Sabi niya.

"Hindi ka magaling. Eh ano yung three-time uaap best setter mo?"

"Ewan. Siguro mali lang sila nang nakikita, ang totoo sa mga naging kasabayan ko mas maraming magaling sakin."

"Ilang taon ka na pero napaka-humble mo pa rin, sakin ka lang talaga mahangin atsaka sa mga friends mo." Sabi ko at mahinang kinurot ang pisngi niya.

Habang kumakain ako ay nakatitig lang ito sakin. Nang matapos ako kumain, nilagay ko ang plato sa sink at muling umupo sa harap niya.

"Jema, gusto mo ba magkaron ng anak?"

Muntik ko na maibuga ang iniinom kong tubig dahil sa tanong nito. "Huh?"

"Gusto mo ba magkaron ng anak?"

"O-oo naman. Sino bang hindi?"

"Gawin natin ang IVF." She said seriously.

"What?"

"In vitro fertilisation. May nabasa akong isang article tungkol sa same sex couple na nagkaron ng anak."

"Ayaw mo ba mag-ampon na lang?" Tanong ko.

"Gusto ko yung galing sayo . . . sa atin."

"Uhm . . . I think Deanna pag-isipan na muna natin ito nang mabuti."

"Bakit? Ayaw mo ba magbuntis?" She asked.

Mabilis akong akong umiling. "Hindi naman sa ganun, Deans. Parang biglaan lang tsaka ngayon mo palang inopen ang topic na iyan. Isa pa kakakasal lang natin."

Tumayo siya at tinukod ang isang kamay sa mesa saka ako tiningnan nang seryoso.

"I understand. Alam ko hindi ka pa handa." Pagtapos niyang sabihin iyon ay umakyat na siya.

Naiwan akong tulala. Gusto niya na magka-anak? Hindi bat parang masyado pang maaga?

Kakakasal lang namin nung nakaraang buwan tapos anak agad?




END OF CHAPTER

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS CHAPTER

New Life With My Wife || #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon