Prologue: Ang Ma-Artemia Mirasol Na Introduction

3K 88 34
                                    

Laganap na sa mundo ang aming lahi. Kung tutuusin ay hindi na kami bago sa inyong mga paningin. Ang ipinagtataka namin ay kung itrato kami ay parang bagong species kami ng Pandaca Pygmaea. Ano kami? Version 2.0? Upgraded lang?

Siguro nga ay hindi pa kami lubusang tanggap ng lipunang mapanghusga. Ang sabi ko naman, "Wehno naman? Charotera sila. Kulayan ko ng rainbow ang fezlak nila para sumaya sila, eh."

Oh, well. Intro muna bago ang lahat.

Mula sa langit, bumaba sa lupa-una ang mukha. In short, hampaslupa. A stunner from  Makati City, taking up Bachelor of Male Studies, major in Men's Anatomy and How To Use Them Properly, I am 18 years old… and above! Here I stand before you by the name of the ever beautiful, ang nag-iisang babaeng nagpatibok sa puso ni Dingdong Dantes. Kilala niyo na ba ako?

Ako rin ang babaing minsang lumusong sa malalim na karagatan bilang Dyesebel sa telebisyon. Minsan na ring umaksyon bilang Proserfina sa Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang. At ngayon ay pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan bilang ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw, si Carmela. Kilala niyo na ba ako?

Well, my name is Marian… Marian Defensor-Santiago! Na naniniwala sa kasabihang, ‘Ang pamilyang maraming anak ay may tatay na manyak!' I thank you!

Ganyan dapat ang introduction. Parang beauconera. Wagi!

Alam niyo ba, naisip ko lang naman. Ang mga lalaki, kahit mga buwisit sa buhay nating mga badaf, wala tayong choice kundi ang mahalin sila.  Sila lang ang bukod-tanging nagpapasaya sa atin. Talagang engrossed na engrossed tayong mga badush sa show na ‘Kapwa Ko Mahal Ko'. Kasi ang mga kapwa-Adan natin ay mahal natin.

O siya, heto na ang kuwento ko bilang isang beki na naging gangster para sa isang lalaking unknowingly na mahal ko na noon pa pala. (Ang Artemia Mirasol ko,'di ba?) Tutal, uso naman ang bulatlatan ng buhay sa social media. Eh, 'di, makiuso na.  Charaught-charaught lang 'pag may time!

----

Vocabulary Enrichment

Ang segment na ito ay makikita niyo sa bawat pagtatapos ng chapter. Bibigyan ko kayo ng kaunting glossary para naman hindi kayo ma-lurka sa mga wordings ko. Pagpasensyahan niyo na kaming mga baks. Sadyang creative lang kami at magaling kaming gumawa ng mga salita mula sa iba't ibang etymology. Nang nagsabog kasi ang Diyos ng creativity about words, kami 'yong nagsa-slide-slide pa sa rainbow, eh.

Fezlak (n.) - face [Etymology: FACE]

Shala lumpur (adj.) - elegant, of higher importance [Etymology: changing KUALA in KUALA  LUMPUR to SHALA, taken from SOSYAL]

Beauconera (n.) - a beauty contest enthusiast and active participant [Etymology: blend of BEAUTY CONTEST]

Artemia Mirasol (adj.) - displaying a little bit of disgust or disagreement in something [ETYMOLOGY: ma-ARTE]

Beking Gangster [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon