Chapter Five: Tamis Ng Unang Halik Na Aksidenteng Dampi Lang Daw

904 32 3
                                    


Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Alam niyo iyong biglang-lingon na technique ni Bossing Vic Sotto para maka-iskor? Gano'n ang nangyari! Pero parehas kaming unaware sa mga kilos namin.

Kahit parang nagdikit lang ang mga hintuturo namin ang feeling niyon ay kagila-gilalas pa rin ito. Labi iyon at hindi daliri! (At ako talaga ang shocked na shocked sa aming dalawa.)

Medyo lumayo ng mga isang dangkal si Louie sa akin. "M-Marian... Sorry. Aksidenteng dampi lang 'yon."

Ay, waley na. Napipi na ako. Wala na akes na ibang nai-react kundi ang pagtungo.

Napakamot ito. "Marian naman, e."

"L-L-Lou-Louie... K-k-ka-kain k-ka n-na..." Isa-isang inilabas ko ang mga pagkain sa paper bag na parang may Parkinson's Disease. Tila ang buong katawan ko, especially ang mga kamay ko ay nagva-vibrate. Nginig to the max talaga ang lola niyo!

Sa ilang saglit ay dumampi ang kamay ni Louie sa kamay ko. "Kalimutan mo na 'yon. Nagkataon lang ang paglingon mo."

Siguro ay may therapeutic effect or calming substance ang paghawak nito sa akin dahil in an instant ay nawala ang kaba at panginginig ko. "O-oo. Kain na."

"Tara, kain na tayo." Kinuha nito ang burger. Ice cream naman ang kinuha ko. Pero hindi talaga ako sumubo ng kahit isang scoop lang.

Pinakiramdaman ko sa mga labi ko ang mga labi ni Louie. Parang gusto ko pa magkaroon ng Round Two, kahit hanggang Round Twelve. Kakabugin ko ang laban ni Pacquiao at Bradley. O kaya ang Harry Potter sa dami ng sequels.

Parehas kaming tulala sa kawalan. Kumakain ito pero sa isang direksyon lang nakatingin. Ganoon din ako. Sa direksyon lang nito din ako nakatingin.

"Sorry," Nagkasabay pa talaga kami.

"Hindi ko sinasadya," One more time!

Umiling ako. "It was just an accident, Louie. Huwag mo isiping nagte-take advantage ako." Mamatay na ang sinungaling, Marian! (Siyempre, pa-keme kunwari para inosente ang dating.)

Natawa si Louie. "Ikaw talaga. Oo na. Pero no'ng nasa Sogo tayo, pinipilit mo ako."

Swear, nag-blush ako. Bigla kasing uminit ang pisngi ko. "Huwag mo na nga ipaalala 'yon. Buwisit ka."

Nangingiti lang ito. Bakit ba kasi ang ganda ng smile nito? Sa lahay naman ng nabugbog ay ito ang litaw pa rin ang kakisigan at kaguwapuhan.

And I caught myself.

Noong una ay medyo hindi ko pansin ang itinatago nitong sex appeal. Pero ngayon, kahit na-boogie wonderland na ay con todo puri pa rin ako sa ngiti nito. Was it because of that effin' smack?

"Gusto mo ituloy natin dito?"

Huwag mo akong hahamunin, Luisito Salvacion. Baka kainin mo ako--este, ang sinabi mo. "Sure ka?"

Dinagukan ako ng lokong ito. "Baliw. Sineryoso mo naman. Biro lang 'yon."

Ay, ka-imbey. Kumain na lang ako ng ice cream. Pero para pa rin akong tanga na panay ang pagdampi ng mga labi para lasahang muli ang halik na iyon. "Hindi nakakatawa ang joke na 'yan."

Naubos na nito ang kinakaing burger. "'Di ba ang sabi ko sa 'yo ay makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa 'yo?"

And I never forgot that. "Oo. Ikaw ba?" What I wanted to say was 'Hindi ba ikaw ang taong iyon?'. Ang stress nga lang ay nasa ikaw.

"Hmmm... Nagkaroon na rin naman ako ng nobya noon. Si Ameng, kung kilala o naaalala mo pa." Oh, well. Mukhang hindi na-getlak ni Syano ang feel ko i-say.

Beking Gangster [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon