Entry 2: First Clash

817 31 10
                                    

Lance Justin Carr

"Sir pinapatawag po kayo ng mommy nyo sa office nya."

Nag angat ako ng tingin mula sa binabasa kung magazine at tinignan ang secretary ni mommy. Si Ms. Gwen.

Okay,  this is what I've been waiting for. Kanina pa ako inip na inip dito at atat na atat na makausap yong Nanay kong yun. Salamat naman at naisip nya na akong kausapin.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo  mula sa may bench sa harap ng cabin ko. Sumunod ako kay Ms Gwen.

Nakaisip na ako ng major alibi para mapapayag si mommy na bumalik na ako sa Metro. At sana tumalab.
Hindi talaga ako mapapakali hanggat nandito ako at hindi ko kasama si Angelica.

Kung pwede nga lang na isama ko sya dito para wala na akong alalahanin. Kaso hindi naman pwede kasi nga super busy non. And one more thing, ayaw ng Mommy ko kay Angelica. Yeah, sasaktan lang daw ako ni Angelica. At saka kung gusto daw ako non ay hindi na nito ipapaabot ng dalawang taon ang panliligaw ko. So my mom conclude that Angelica doesn't really like me.

What a supportive mom right?

Nakarating kami sa office ni Mom. Iniwan na ako ni Ms Gwen sa may pinto ng office ng Nanay ko. Tuloy-tuloy naman akong pumasok.

Naabutan ko si mommy na nakupo sa harap ng table nya at may pinipirmahang kung ano.

"Mom..."  I called her attention.

"Hey there Carr Bear."

Agad na nalukot ang mukha ko ng marinig ko ang palayaw ni mommy sa akin. Hindi maganda sa pandinig, pramis.
Kung noon daw na bata ako ay tuwang-tuwa ako sa palayaw na iyon sa akin ni mommy, ayon sa kwento nya, pwes ngayon hindi na. Ang tanda ko na kaya. Bente na ako, actually magbe bente uno na next month tapos kung tawagin nya akong Carr Bear eh parang kinder lang ako na sobrang Mama's boy.
Kung si Daddy kinikilig kapag tinatawag sya ni Mommy na Daddy Carr, ako hindi!

Ang corny talaga ng nanay ko kahit kailan. But don't get me wrong. Sobrang mahal ko naman yan kahit ganyan. Sadyang nakakastress lang talaga minsan.

"Carr Bear, salamat naman at umuwi ka. Na miss kita anak." Tumayo na ito at saka niyakap ako.

Namiss eh halos apat na oras na akong naghihintay ng go signal para makausap ka? Namiss mo nga talaga ako mmy.

"Namiss din kita Mmy. Pero babalik din po ako ng Manila."

Yeah, wala ng pasakalye to. Si Mommy kasi yong tipo ng tao na dapat derechohin. Kasi kapag nag pasakalye ka pa tiyak na hindi ka makakasingit sa sobrang dami nyang sasabihin.

...at handa na ang alibi ko.

"What? Why? Diba summer break nyo na? I know it cause I consult your school. Lance Justin Carr... Are you doing something na hindi mo ipinaaalam sa amin ng Daddy mo? Are you disobeying  us? Sinasabi ko sayo ngayon pa lang Lance Justin hindi na kita pababalikin ng Manila kapag may ginawa ka na namang katarantaduhan."

See? Two sentences lang yong sinabi ko pero nag dialogue na naman tong nanay ko.

Ang hirap talaga ng only child. All eyes on you!

"Mmy ang dami mo na namang sinabi. Pero sasagutin ko na lang din. Ang sabi ko po babalik din ako ng Manila. Kasi po may practice ang Team dahil malapit na ang UAAP. No mommy, alam nyo lahat ni Daddy ang mga ginagawa ko. At hindi ko po kayo sinusuway at wala po akong ginagawang katarantaduhan."

Timitigan ako ni mommy. And base from her looks alam kong alam niya na nagsisinungaling ako.

Kasi wala naman talagang practice ang Team. Sa pasukan pa raw sabi ni coach.

Camp Hunt Love: Ashley and LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon